The Happiest Day Of My Life

9 0 0
                                    

*sa tapat ng bahay ni troy*

~ding dong~ pindot ko sa doorbell

Isang maid ang lumabas ng pintuan at agad na lumapit sa akin...

"ano po kailangan nyo po?" tanong nito sa akin...

"ano po... nandito po ako para bisitahin po si Troy."

"ah si young master po ba? halika pasok po." sabay bukas ng gate at nilead ako papasok ng bahay... aaminin ko ang laki ng bahay nila Troy parang mansyon...

umakyat kami sa second floor at pinapasok ako sa loob ng isang kwarto... para syang sala... umupo ako sa mahabang sopa habang ang maid kumatok sa isang pintuan...

"young master may bisita po kayo."

"sino po un?" narinig kong boses ni Troy... lumapit ako sa maid at sinabing ako na...

"Troy? ako to, si Gumi." narinig ko ang mabilis na yabag ng mga paa at biglang bumukas ang pintuan... sumilip ako sa loob at napansin ko na kwarto nya ito... tumingin naman ako kay troy at nakita kong para syang bagong gising... hahaha... XD ang gulo ng buhok tapos ang gulo ng damit nya... ang cute tignan...

"ano.... ano ginagawa mo dito?" hindi ko pinansin ang tanong nya at lumapit nalamang dito at hinawakan ang mukha nya...

"ang cute mo!" sabay pisil ko sa pisngi nya... habang nakangiti....

"aray... gumi ang sakit." atras lang ito ng atras nag babakasakaling baka makawala sya... hanggang sa bigla itong natapilok at ako tong si tanga na nakahawak sa pisngi nya nadamay pa.... pasalamat nalang at nasambot kami ng higaan... pag angat ng ulo ko mukha agad ni Troy ang sumalubong sa akin... ang lapit... sa sobrang lapit nakita ko ang pagmula ng pisngi nya... hinawakan ko ito at na paaray nalang sya... na gu-guilty tuloy ako...

"sorry Troy." sabi ko dito... habang dahan-dahang hinahaplos ang pisngi nya.... "pain, pain go away." sabi ko sabay kiss sa namumula nitong pisngi... "ayan magaling na!" masaya kong sinabi... kaso biglang namula ang buong mukha ni troy... hala... natataranta tuloy ako... "hala namumula buong mukha mo... sa pagkakaalam ko panaman sa pisngi lang kita pinisil." sabi ko ng biglang tumawa si Troy na ikinataka ko...

"ang cute mo talaga Gumi... hahaha!!!" sabi nya.. then it's my turn to be a tomato... >//////< "hala namumula buong mukha mo... sa pag kakaalam ko hindi ko pa yan napipisil." sabay tawa nya... inikot nya ako at sya na ang nasa ibabaw ko... hinaplos nya mukha ko at "pain, pain go away." pangasar nyang sinabi...

"ah ganan kana ha." inikot ko din ito at umupo sa ibabaw nya at kiniliti ito.... tawa lang ito nga tawa habang ako kiliti ng kiliti.... "inaasar mo na pala ako ha... eto sayo."

"wwaahhhh!!! hahaha!!! ta-ta hahaha... tama na!! ahahaha!!!" patuloy lang ako sa pag kiliti hanggang sa bigla nya akong inikot... (king size ung higaan kaya malaki) nasa ibabaw ko na sya... pero wrong position... > . < nakabukaka kasi ako sa kanya tapos hawak nya bewang ko... alam mo yung meaning ng awkward... eto un!! > . < shocks.... >////////<

"ummmm... ano..." sabi ko nang biglang nagets ang pinaparating ko sa kanya kaya umalis sya sa ibabaw ko at umupo sa higaan... ako naman umayos na rin at umupo... tumingin ako dito at hindi ko maalis ang tingin ko sa magulo nyang buhok.... lumapit ako ng unti..

"a-ano ginagawa mo?" lumapit lang ako at hinawakan ang buhok nya at inayos ito... nakakatuwa ng buhok nya ang lambot at ang bango....

"young master panaman tawag sayo tapos ganito itsura mo." sabay tawa ko dito...

"psh!" sabi nya... ng maayos na bigla ko tuloy tong inamoy... ang bango... "Gumi ano ginagawa mo?"

"inaamoy ka!" ay nadulas XD hahaha... XD

"haha... hindi un.... ano? bakit ka nandito?" ah! pahiya! hahaha... umayos na ako ng upo at kinuwento sa kanya lahat ng mga nangyari at nabalitaan ko..

"bakit mo kasi sinampal si Alex ha? alam mo naman na babae un diba?!" sermon ko dito..

"eh nang dahil sa kanya na-ospital ka... mabuti nga sa kanya at na kick-out sya--..."

"nang dahil sa ginawa mo na suspend ka tuloy for 1 month." mahina kong sinabi... "nang dahil dun... pinagiisipan pa kung magiging president kapa o hindi na... nang dahil lang sa akin... dapat sana pinabayaan mo nalamang ako tadyakin dun ni Alex hindi yung madadamay kapa.... nang dahil sa akin." sabay patak ng mga luha ko... nang dahil sa akin na suspended sya... nang dahil sa akin...

nakaramdam nalamang ako ng init ng napansin kong niyakap ako ni Troy.... "ba-bakit kapa kas-si du-dumawdaw? kung h-hindi kalang nangial-lam... e-edi dapat sana n-na.... *hik* napasok ka-kapa at pe-president kap-pa." sabi ko dito... "ako dapat sana ang magalit at sasampal sa kanya... pero imbis na matuwa ako dahil kick-out na sya, nalulungkot ako ng dahil sa akin---..."

"bakit ako dumawdaw? bakit?" mahina nyang sinabi pero sapat lang na marinig ko ito... "pati paano ka magagalit at sasampal sa kanya eh natadyakan kana nya... napakamanhid mo talaga Gumi... hindi mo ba alam kung bakit ko yun ginawa?!" hinigpitan nya ang pagkayakap nya sa akin at binaon ang mukha sa aking balikat...

"dahil kaibigan mo a----...." naputol ang aking sasabihin at biglang nagulat sa kanyang sinabi

"mahal kita... mahal kita.... mahal kita Gumi!" mas lalo nyang hinigpitan ang pagkayakap sa akin at nakaramdam nalamang ako ng basa sa balikat ko.... naiyak si Troy... "kaibigan lang ba talaga tingin mo sa akin Gumi? ganun ba tingin mo sa akin? ganun lang ba?" humiwalay ako ng unti at saka nilagay ang aking kamay sa pisngi nya at hinarap ang naiyak nyang mukha... "ganun lang ba---..."

"ssshhhh..." sabi ko habang pinupunasan ang mga luhang natulo... "aaminin ko... hindi ko alam kung ano ire-react ko sa mga sitwasyong ganito... pero alam ko ang dapat kong gawin..." tumingin ako sa kanyang mga mata "sorry Troy." mahina kong sinabi... "sorry... at thank you kasi for the first time... kahit na ganito ako may nag kagusto pa rin sa akin... thank you sa lahat... sa pagiging night in shinning armor ko, unan ko, panyo ko and for being the coolest friend of all... sorry pero hanggang friend lang talaga at wala nang hihigit pa dun... sorry." lalong pumatak ang mga luha ni Troy sa aking sinabi... sorry Troy alam kong masakit pero hanggang friend lang talaga... mga oras na yun ang ginawa ko lang ay patahanin sya... nakakaguilty... pero nandyan na eh... nang yari na ang dapat mangyari...

"sorry Troy... siguro yung tadhana tuwang-tuwa na dahil naka plano lahat ng pinalano nya sayo... siguro hindi ako para sayo... may mas deserving sa love mo Troy at hindi ako un." sabi ko habang nakacup ang kamay ko sa pisngi nya...

"ang un-unfair..." mahina nyang sinabi... "ang unfair naman ng tadhana... pero... pwede panaman nating paltan yun diba... please... Gumi give me another chance." pag pupumilit nya... tinanggal ko ang dalawa kong kamay sa pisngi nya..

"sorry Troy.... nakasulat na sa libro ng buhay mo ang lahat... naka plano na... pati hindi na ito ma-e-erase pa dahil hindi lapis ang ginamit ni God sa pag sulat ng buhay mo kundi permanent marker." imbis na umiyak si Troy ay tumawa nalamang ito at napahawak pa sa kanyang tyan....

"hahahaha!!!! nakakatuwa ka talaga Gumi!!! hahaha!!! bakit? nakita mo bang mag sulat si God?" pang asar nitong sinabi...

"che! manahimik ka!" sabay lobo ng pisngi ko sa inis...

"para kang bata hahaha!!! that's why I love you Gumi!!" ehem.... awkward.... ang saya na namin tapos bigla nya yun sasabihin... ang tahimik bigla ng atmosphere namin....

"siguro hindi mo na ako papansinin no?" sabay tungo ko dito.. "kasi yun nga... yung yun... tapos awkwardan na tayo." sabi ko dito...

"why should I?" inangat nya ang mukha ko... "bakit naman hindi kita papansinin ha? dahil lang dun? oo, masakit... aaminin ko pero tanggap ko lahat ng mga yun... alam ko na dahil sabi mo nga kanina... nakasulat na sa libro ng buhay ko ang lahat-lahat at hindi na mabubura pa! dahil *puf* permanent marker ang ginamit ni God sa pag sulat." sabi nya habang nag pipigil ng tawa... >:( .... "but it dosen't mean i have given up... NO!! pati yung hindi kita papansinin? hindi yun mangyayari." masaya nyang sinabi..

this day I mark it with a red marker and noted... "the happiest day of my life." ^____^ v

As He Smile (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon