kinabukasan...
3:00 pm ang simula ng christmas party habang ang FYMOMD 9:00 o' clock pm.... gumising na ako ng maaga para tulungan sila mama mag ayos dahil mamayang 9 am dito makikipasko ang mga kamag anak namin... saktong 8:30 kami natapos kaya naligo na ako at nag ayos.... 9:00 na... nagsi datingan na ang mga kamag anak namin... lahat sila nag sasalitaan ng iba't ibang language (korean at japanese) nakakaintindi din naman sila ng tagalog...
lumipas ang ilang oras... may biglang kumatok sa pintuan ng bahay namin... binuksan ko ito at sumalubong sa akin ang ayos na ayos na si Reya... nung una hindi ko namukhaan kasi ang ganda nya... kaso nung binatukan nya ako dun ko sya nakilala... na "who you?" sya sa akin... XD
"bakit ka nandito?" tanong ko dito...
"bobo kaba? Gumi 2:00 pm na!" tinignan ko orasan ko at... hala... ang bilis ng oras hindi ko namalayan na 2 na pala....
"hala!!! sige halika na punta na tayo sa kwarto ko!" tumakbo na kami sa kwarto ko at agad ni lock ang pintuan ko...
"oh maligo kana! bilis! amoy pawis kana na may pinaghalong iba't ibang klase ng pabango." sabay tulak nya sa akin papasok ng banyo.... inamoy ko ang aking sarili at... > . < tama nga sya... naligo na ako at mag bibihis na ng... nakalimutan kong dalhin ang damit ko... bra at panty lang nakuha ko... kaya binuksan ko ng unti ang pintuan sa banyo at pinisitan si Reya para tumingin sa direksyon ko....
"Reya... pasuyo naman. pakuha nung damit ko." utos ko dito...
"eh! napaka kalimutin mo talaga Gumi... pati pareho naman tayong babae... kaya lumabas kana dyan at dito kana magpalit."
"eh! Reya naman eh!"
"nahihiya kapa... pati sa tingin mo ba may mangboboso sayo... wala naman ah!" tumingin ito sa paligid... nag papakita na walang tao... na kaming dalawa lang nandito sa loob ng kwarto... palibhasa kasi hindi nya nakikita si Clarck (ako lang kasi ang nakakakita sa kanya) pati nakakailang boso na yun sa akin.... > . <
biglang lumapit sa akin si Reya at hinila ako palabas ng banyo.... eh naka bra at panty lang ako.... napatingin ako bigla sa salamin at nakita ko si Clarck nakatitig sa akin at may natulo nang dugo sa ilong nya... syete... syete... > . <
"ayan mag palit kana---..." nang nabitawan na ako ni Reya kumuha ako ng mahabang tela sa drawer ko at pinangtaklob sa salamin at binulong kay Clarck ang salitang 'manyak.'
"ano ginagawa mo?" tanong sa akin ni Reya
"ah... ano kasi.... nahihiya akong makita ang katawan ko sa salamin." excuse ko sa kanya...
"ang ganda kaya ng katawan mo Gumi... pwede kana ngang mag model sa katawang mong yan eh."
"no thanks! ayoko maging model." sabay lapit sa paper bag at sinuot ang damit ko...
"ganun ba... sayang naman... pati halika na... umupo kana dito at maayusan na kita." utos nya... kaya umupo na ako sa upuan ko at sinumulan nya na akong ayusin.... sinimulan nya muna sa buhok ko... pinatuyo muna ito at saka sinuklayan...
"ang ganda ng buhok mo Gumi.... try mo kayang pahabain." suggest nito...
"ayoko... mas trip ko kasi ang maikling buhok." sabi ko dito... kasi pag mahaba mahirap shampoohin at suklayin.... kaya mas gusto ko ang buhok na hanggang balikat...
inipitan nya ang buhok ko... pero hindi lahatan... tapos nilaylay nya bangs ko at ung dalawang side nilagyan ng hair pin... sunod naman mukha ko... sabi nya maputi naman ang mukha ko kaya binulush on nya ang pisngi ko at nilagyan ng lip gloss ang bibig ko.... pinasuot nya na sa akin ang medyas na hanggang ilalim ng tuhod at yung doll shoes.. saka ako pinatayo at tinignan ko ang aking sarili sa salamin nya... wow!!!!! mukha akong anime.... sabi ko nalamang sa sarili ko hahah xD
BINABASA MO ANG
As He Smile (completed)
Romancehanda na ba kayong humiling at umibig kahit na impossible itong mangyari...