*Clark's POV*
Year 1414.... (6oo yrs before)
I was the greatest wizard of all. Lahat ng mga tao humahanga sa aking angking galing kaya minsan inuutusan o hina-hire ako ng mga kings and queens. Lahat ng inuutos nila ginagawa ko basta't bayaran nila ako ng malaki.
At yung mga pera na natatanggap ko ay binibigay ko sa orphanage at sa mga taong mahihirap at sa nangangailangan. Bukal sa puso ko ang pagtulong at ang pagdonate ko sa kanila ng.
Isang araw.
Biglang may nakalat na mga balita. About sa isang wizard na ginagamit ang kanyang kapangyarihan para patayin ang mga tao saka kinukuha ang mga puso nito. Nagulat nalamang ako ng malaman ko yun pero hindi ko muna ito pinansin baka madamay pa ako.
Sumunod na araw.
May namatay daw na 20 na bata sa isang orphanage kasama na dito ang limang madre na nag babantay dito. Nawawala din ang kanilang mga puso at hindi lang yun pati na rin mga mata nila.
Nang nabalitaan ko yun agad akong pumunta sa orphanage na lagi kong pinupuntahan at natuklasan ko nalamang na sila pala yun. Napaluhod ako sa aking nakita at bumuhos lahat ng mga luha ko. Napasuntok ako ng malakas sa sahig na nag karoon ng malakas na lindol sa paligid.
Agad ko din tong pinatigil saka lumapit sa isang bangkay ng bata.
'Wag kayong mag alala. Ipag hihiganti ko ang iyong pagkamatay. Hindi ko sya mapapatawad.'
*Sumunod na araw*
Patuloy ako sa pag hahanap ng impormasyon. Tungkol sa isang wizard na pumapatay ng tao. Nalaman ko na sa gabi ito sumasalakay at pinapatay lahat ng mga taong natago o madaanan nya.
Kaya sa pag sapit ng hapon buong lugar nilagyan ko ng mahika. Ito ay poprotekta sa kanila sa gabi.
*Lumipas ang ilang oras*
Nag dilim na ang buong paligid. Kaya agad akong nagmatyag. Bawat sulok ng lugar nato pinupuntahan ko.
Hanggang sa hindi kalayuan may nakita akong isang babaeng pumasok sa loob ng isang bahay. Nakaitim itong suot mula ulo hanggang paa.
Sinundan ko ito at sumilip sa isa sa mga bintana pagtingin ko.
O . O
Pinapatay nya na ang mga tao sa loob saka dahan-dahan nyang kinukuha ang mga puso nito. Maagap akong pumasok at pinigilan ito.
Ginamit ko ang aking mahika upang pigilan sya kaso na kawala ito. Naglabas ako ng spada saka ito sinugod. Dumapo ang spada ko sa damit nya. Kaya nahila ko ito at bumungad sa akin ang kanyang napaka panget na mukha.
Kulubot at kulay grey na ang mukha nito, mahaba at malaki ang ilong, bulag ang isa nitong mata habang ang isa ay hindi, at ang itim na may halong puti ang buhok nito. Na pag tinignan mo ng maayos magulo ito parang hindi nag susuklay ng ilang taon.
"So~ ikaw pala ang pinakamagaling na wizard." Lumapit ito sa akin at dinapo ang isa nyang daliri sa spada ko habang ang isa nyang kamay ay hawak ang puso ng biktima nya.
"Parang hindi naman!" Sabi nito sabay lapit ng puso na hawak nya sa mukha nya.
Dahan-dahan akong kumuha ng dalawang maliit na spada sa bewang ko saka hinagis papunta sa mukha nya.Pero agad nya itong naiwasan kaya ung pusong hawak nya ang natamaan.
"Hahahahahaha! Walang hiya! Yan lang ba kaya mo? Ganito dapat!" Agad ito nag labas ng spada at dumapo ito sa balikat ko.
Hindi pa dun nag tapos sasaksakin pa nya sana ako ng naiwasan ko ito at nakipagsabayan na rin sa kanya.
BINABASA MO ANG
As He Smile (completed)
Romancehanda na ba kayong humiling at umibig kahit na impossible itong mangyari...