FIRST DAY OF SCHOOL

31 0 0
                                    

*Lumipas ang ilang buwan*

June na!!!! ^___^ wwiiiiieee :D

Excited na ako mag 16! Maaga palang bumili na kami ng mga gamit ni mama pati nasa akin na rin ang uniform na susuotin ko sa school! Wwwwiiiieee~ ang cute sa personal haha XD

Ilang araw na rin akong hindi makatulog ng maayos sa sobrang excited kong pumasok. XD

Sana mag 16 na. Humiga na ako sa aking higaan ng pagpikit ng aking mga mata may isang lalakeng nakangiti ang bumungad sa akin. Sino sya?

"Matutupad ang iyong kahilingan Gumi." nakangiti nitong sinabi.

Lalapitan ko na sana sya kaso pagmulat ng aking mga mata.

"Bye anak ingat ka sa school ah!" Nakangiting sinabi ni mama. Huh? Ano nangyari? Kanina? Ano nga ba ginagawa ko kanina? =____= ?

"Gumi halika na baka malate kapa sa first day ng school." Sigaw ni papa sa loob ng kotse.

"Ah sige po! Bye ma! I love you." Sabay kiss sa pisngi nito.

Kumaway na ako dito at pumasok na sa loob ng kotse. Agad ng nag drive si papa paalis at wala pang 40 minutes ay nandito na kami sa tapat ng gate ng school. ^___^

"Oh anak magingat ka ha! Pag may nang away sayo sumbong mo sa akin ha? Sumbong mo kay papa at makakatikim sila ng suntok galing sa akin." Sabay suntok ni papa sa hangin na akala mo may kalaban.

"Papa naman! 4th yr na po ako hindi na po ako bata. Pati matanda na po kayo. Hindi na po kayo makakasuntok ng malakas. Paano pag may kagaya nya?" Sabay turo ko sa mamuscle na lalaking dumaan sa tabi ng kotse namin.

"Baka wala pang ilang segundo ay tumba na kayo agad!"

"Sus! Walang impossible sa papa mo! Basta mag ingat ka ha? Mag aral ka ng mabuti!" Payo nito sa akin tumango nalamang ako at bababye na dapat ng...

"Anak ko dalaga na tapos balang araw iiwan mo na ako." Sabay tulo ng luha nito. Papa ko talaga ang drama. :3

"Si papa naman eh~ papasok lang ako ng school naiyak na agad~." Sabay lapit ko kay papa at niyakap ito. Humiwalay ako ng unti at ngumiti "Pati sinong may sabing iiwan ko po kayo hindi ah!" Lalong tumulo ang luha ni papa saka hinila ako pabalik sa kanya at niyakap ulit.

Mahigpit akong niyakap ni papa at niyakap ko din sya pabalik.

Kung sa iba maiirita pag ganito papa nila pero ako hindi. :D Ang swerte ko at nag karoon ako ng papa na katulad nya. :D

"Pa?"

"Oh anak bakit?" Sabi nito habang nakayakap pa rin.

"Papasok na po ako ng school. Malalate na po ako." Agad namang humiwalay si papa sa yakap at ngumiti.

"Hahaha! Oo nga pala! Sige, ingat ka anak ha!"

"Opo." Bago ako lumabas ng kotse ay kiniss ko si papa sa pisngi at hinintay itong umalis. Nang nakaalis na si papa ay agad kong hinarap ang malaking gate at napahinga ng malalim.

This is it!

Lumakad na ako papasok ng gate habang hawak hawak ang strap ng bag ko. Hindi ko maiwasang kabaduhin. Ewan ko ba! Pati nakakapressure masyado dahil lahat ng students nakatingin sa akin! >•<

SANTA MARIA!! Gabayan nyo po ako > . <

Patuloy lang ako sa paglakad ng may biglang bumangga sa akin.

Nilampasan lang ako nito habang ako naman ay napaupo sa sobrang lakas ng pagkabangga nya sa akin. Lahat ng tao nakatingin sa akin para bang sinusubaybayan ang susunod kong gagawin. Hindi na ako nag react o sumigaw kundi tumayo nalamang ako at pinagpag ang aking palda. Kabago-bago ko palang dito yun na agad ang bati nila sa akin. -___-

Patuloy lang ako sa pag lakad hanggang sa nakaabot ako sa room ko. Kakatok na sana ako ng biglang may humawak sa aking balikat.

"Uuummm~ Are you Ms.Young?" Tanong sa akin ng isang 20+ na babae. Tumango nalamang ako sa kanyang tanong at ngumiti. Kinausap nya muna ako ng mga ilang minuto (about me) at sabay na pumasok sa loob.

Ang tahimik ng room... SOBRA! at nakakabingi.... pero nung pumasok na kami sa loob lahat sila nakatingin sa akin. Nakakailang para silang mga camera bawat kilos ko sinusundan nila.

"Good morning class." Bati ni Ms.Rose sa kanila.

"Good morning Ma'am Rose!" Bati nila pabalik.

"Nga pala class. I have a great news to all of you." Nakangiti nyang sinabi.

"This is Gumi Young. Your new classmate." Pinat ni Ma'am ang ulo ko at ngumiti. Sini-signal ako na magpakilala...

"H-hi... uummm... My name is Gumi Young, 15 yrs old, my birthday is on april 26, and I live nearby at 1014 strawberry street." nahihiya kong sinabi.

"Si Gumi ay 25% Korean 25% Japanese at 50% Filipino! Nag iisang anak ito kaya kaibiganin nyo sya ah?" Nakangiting sinabi ni Ma'am. Walang imik ang mga kaklase ko. Para silang mga pipe at mga camera. Pinaupo na ako ni Ma'am sa pinakadulo. Yun lang kasi ang may bakante at saktong malapit pa sa may bintana.

Tahimik akong lumakad papunta sa aking upuan at umupo. Nag patuloy lang ang klase ng parang wala lang. NORMAL.
Ang tahimik. Iingay lang ang mga kaklase ko pag may pinapasagot o tatanungin. Umabot ito hanggang lunch. Magisa lang ako kumain at umupo sa pinakasulok ng canteen.

Mag isa na naman ako. Siguro unang araw lang kaya ganito. Bukas hindi na. Sana. :'(

"Don't cry Gumi." Huh? Sino un? Napatingin nalamang ako sa paligid at nag taka kung sino nag sabi nun habang minamasid ang kapaligiran napapansin ko na lahat sila nakatingin sa akin kaya nag patuloy lang ako sa pag kain at nang natapos.

Agad na rin akong umalis ng canteen at bumalik sa aking room. Ako palang ang tao kaya ang tahimik saktong pag upo ko sa aking upuan biglang tumunog ang aking cp.

Baka si mama o si papa mangangamusta.

~take my hand.... i teach you to dance~

Agad ko tong sinagot at mag sasalita na dapat sana ako ng...

"Gumi don't cry it's your first day of school. Don't worry and everything will be fine believe me just wait and see. Like I always tell you Gumi smile okay? smile and everything will be okay." Mag sasalita na dapat ako ng agad nya itong inend. Sino kaya sya? Pati paano nya nakuha number ko? Pagtataka ko... pero... imbis na ma weirduhan o magalit.

Ngumiti nalamang ako at niyapos ang aking cellphone.

Thank you kung sino kaman... :'D

As He Smile (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon