lumipas ang ilang araw... pasukan na namin...
dalawang tao na ang naiwas sa akin... isa si Troy at yung isa naman si Clarck.... pag dadaan ako sa mga harapan nila para akong hangin na hindi pinapansin... nakakaiyak.... imbis na sa bahay ako naiyak dun ako sa bahay ni Reya naiyak... alam na ni Reya ang lahat kinuwento ko sa kanya nung nangyari sa amin ni Troy pati kay Clarck pero pinaltan ko ng setting... hindi ko sinabi na nasa loob sya ng salamin...
ngayong lunch naman kasama ko si Teya at yung naging destiny nya... si Kevin Frost... mabait si Kevin... bagay nga silang dalawa ni Reya... pero hindi pa sila... nag liligawan palang... hhhaaaaayyyyy~ love nga naman! kung pwede nalang kainin ang mga yun.... sabay bugtong hininga ko...
"girl tama na nga yang pag bugtong hininga mo! kumain kana kaya jan at nang mag kalaman yang tyan mo... pati... Gumi kalimutan mo na yun... papansinin ka din nila... yang Troy nayan..." sabay subo nya ng kanin "sus... matiis kanun... pati yang Clarck nayan.." uminom sya ng tubig nya... "mag sisisi sya... bakit? isang Gumi tinanggi nya! pag sya nag habol ulit sayo tawagin mo ako at susuntukin ko sya!" sabay subo naman nito ng ulam nya...
"thank you Reya... buti nalang at naging kaibigan kita." sabi ko dito sabay pilit na ngiti... pero... hhhaaayyyy~ kumain na lang ako at nang natapos nauna na akong umalis sa kanila...
imbis na sa room ako dumiretso dun ako sa roof top at nag pahangin....
habang nag papahangin hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyari... una kay Troy tapos sunod naman si Clarck.... syete lang eh! syete sila!
"MGA WALANG HIYA KAYO!!!!! MGA HINDI NAMAMANSIN!!! MAG SAMA KAYO!!!!! SANA MAG KATULUYAN KAYONG DALAWA!!! TANG NA JUICE NYO!!!! SABI MO HINDI MO AKO IIWAN PERO NAPAKASINUNGALING MO!!! *hik* *hik* TAPOS IKAW D-DIN *sniff* SABI MO MAGIGING OK ANG LAHAT PERO ANG TOTOO HINDI TALAGA!!!! SABI MO NGITI LANG PERO ANU YUN?!!!!!! HUH?!!!! GAGO LANG!!!! MGA WALANG HIYA!!!" sigaw lang ako ng sigaw dun habang natulo ang aking mga luha ng hindi ko namalayan na may tao pala sa likuran ko.... paglingon ko... T^T
"sino ka?!" tanong ko dito... lumapit nalamang ito at ngumiti sa akin...
"ang taong nagising mo... alam mo ba na ang sarap na ng tulog ko dito nang bigla nalang may nasigaw at nagwawala... nag mu-mukha kang tanga." aray real talk.... X(
"sorry po! kung nagising ka at nagambala ko ang napakaganda mong tulog." pa sarscam kong sinabi dito... kainis sya... bigla itong lumapit sa akin at pinunasan ang mukha ko gamit ang panyo nya....
"ang amos mong bata! 4th yr kanaba o gr 1?" hinablot ko ang panyong hawak nya at ako na nag punas ng pisngi ko...
"FYI 4th yr na ako... hindi ako bata... dalaga na ako!" sabay dila ko dito...
"talaga lang ah!" sabay lagay ng dalawang kamay nya sa batok nya... "ok nice meeting you iyakin! bye bye." sabay lakad nito paalis... hhmmmmm..... hindi ako iyakin! napansin ko nalamang na nasa akin parin ang panyo nya hala... hahabulin ko na sana kaso wala na ito... pinag masdan ko ang panyo at nakita kong may naka embroid itong pangalan.... Gab... siguro ang pangalan nya Gab... ngumiti nalamang ako at...
"thank you Hab!" nakangiti kong sinabi sabay tingala sa kalangitan...
BINABASA MO ANG
As He Smile (completed)
Romantiekhanda na ba kayong humiling at umibig kahit na impossible itong mangyari...