MASAYANG nakatingin si Elij sa mga kapatid niya habang kumakain ang mga ito ng chocolate cake na dala niya.
“Paboritong-paborito ng mga iyan ang chocolate,” narinig niyang wika ng Nanay niya na nasa tabi niya na.
Lumingon siya sa ina at ngumiti. “Kumain na rin kayo, Nay. Pati ikaw Lara,” bumaling naman siya sa katulong ng pamilya na hinire niya.
“Sige po, Ate. Mamaya na ako,” sagot nito.
Tumango na lang siya at napatingin sa kapatid na si Sam nang tumayo ito at lumapit sa T.V. na kabibili niya lang. Bigla siyang napatayo nang makita itong bumagsak sa sahig hawak ang tapat ng puso. Bumalot ang matinding kaba sa buong pagkatao niya nang makita ang paghihirap nito sa paghinga, lalo na nang umiyak ito.
“Lara, tumawag ka ng masasakyan! Bilisan mo!” histerikal na utos niya. Hawak niya na si Sam at mabilis na kinarga ito.
Agad siyang lumabas ng bahay at laking pasasalamat niya nang may taxi na agad na nakuha si Lara. Pumasok siya sa loob at binilinan si Lara na bantayan ang ina at ang isa pang kapatid. Pagkatapos ay sinabi niya sa driver na dalhin sila sa pinaka-malapit na ospital.
Pigil niya ang luha kahit hirap na hirap na siya sa nakikitang paghihirap ng kapatid. Patuloy siya sa pagdarasal na agad silang makarating sa ospital at mabigyang lunas ang kapatid.

BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus Arzadon
RomanceElij applied as a personal assistant/personal bodyguard of the famous lawyer - Thaddeus Arzadon. Pero hindi gaya ng inaasahang gawain ng isang assistant, iba ang pakay niya sa pagpasok sa buhay nito. She had to stay near him to know his every move...