MAINGAT na humakbang si Elij papasok ng warehouse kung saan naroroon sina Thaddeus. Hawak-hawak niya ang kamay ni Lorna. Agad niyang natanto ang posisyon nina Thaddeus doon, nakita niya rin ang apat na lalaking pawang may mga armas sa harap nito.
Bumilis ang tibok ng puso niya nang mahagip ang tingin ni Thaddeus. Bumahid ang takot sa mga mata nito pero agad niya itong nginitian para ipaalam na ayos na ang lahat. Kasabay niya dito ang mga pulis na napalibutan na ang buong lugar.
Nakita niya ang pagtingin ni Thaddeus sa isa sa mga lalaking naroroon. “Sumuko ka na, Ricardo,” sabi nito. “Tapos na ang lahat.”
Bumahid ang pagtataka sa mukha ng Ricardo na kausap nito.
“Napapalibutan na ng mga pulis ang lugar na ito,” dagdag ni Thaddeus.
Kinakitaan ng takot ang mga mukha ng mga lalaking naroroon.
“Walang hiya ka!” mura ni Ricardo at itinaas ang hawak na baril para itutok kay Thaddeus.
Bago pa siya makagalaw ay narinig niya na ang isang malakas na putok. Pagtingin niya sa mga ito ay nagulat siya nang makitang bumagsak sa lupa ang ama ni Thaddeus na siyang humarang dito.
Mabilis na nagsi-pasok ang mga pulis at tinutukan ng baril ang mga naroroon. Tumakbo siya palapit sa kinaroroonan ni Thaddeus. Hawak na nito ang duguang katawan ng ama, ang mga kapatid nito ay umiiyak na.
Nasa mukha pa rin ni Thaddeus ang pagkagulat. Lahat sila ay nabigla pa sa pagkarinig ng dalawang magkasunod na putok ng baril. Nang mapatingin sila sa likod ay nakita niya ang pagbagsak ni Ricardo.
Hindi siya makapaniwalang napatingin kay Lorna na may hawak ng baril, agad itong hinawakan ng mga pulis at inilabas ng lugar na iyon. Ito na mismo ang tumapos sa kasamaan ng dating asawa nito.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus Arzadon
RomanceElij applied as a personal assistant/personal bodyguard of the famous lawyer - Thaddeus Arzadon. Pero hindi gaya ng inaasahang gawain ng isang assistant, iba ang pakay niya sa pagpasok sa buhay nito. She had to stay near him to know his every move...