Chapter 29.7

3.3K 41 2
                                        

NAPANGANGA si Elij nang makapasok sila sa loob ng isang bahay na pinagdalhan sa kanila ni Thaddeus nang araw na isama na siya nito at ang pamilya niya pabalik sa Manila. Agad silang idiniretso nito sa bagong biling bahay nito sa Magallanes.
Hindi ganoon kalaki ang bahay pero maganda naman ang furnishing niyon. Kumpleto na rin sa lahat ang mga gamit.
Napabaling siya sa ina niya na nasa mukha rin ang pagkamangha. Ang mga kapatid niya naman ay masayang nililibot ang buong bahay.
Tumingin siya kay Thaddeus na ngingiti-ngiti lang sa tabi niya. Ikinuyom niya ang mga kamao para kalmahin ang inis na namumuo sa dibdib niya. Inabot niya ang kamay nito at hinila ito papasok sa loob ng isang kuwartong naroroon.
Isinara niya ang pinto at ini-lock iyon. Pagkatapos ay galit na galit niya itong hinarap. “Ano ang ibig sabihin ng bahay na ito, Thaddeus?” tanong niya dito.
Ngumiti ito. “Binili ko ito para sa pamilya mo, alangan namang maghanap pa kayo ng tutuluyan kaya ipinaghanda ko na kayo.”
Napahawak siya sa ulo. “Thaddeus… hindi ko matatanggap ito. Sobra-sobra na ang ibinigay mo sa akin noon. Puwede naman akong maghanap ng trabaho at mangupahan.”
“Sa akin ka na ulit magta-trabaho, Elij. At paunang bayad ito,” tumawa pa ito.
Humugot siya ng malalim na hininga. Ginagawa lang nitong biro ang mga bagay na ganito? “Kahit na, hindi pa rin tama ito, Thaddeus,” nagmamakaawa siyang tumingin dito. “Please, Thaddeus. Ayokong isipin ng iba na ginagamit kita para—” napatigil siya nang humakbang ito palapit sa kanya.
“Huwag mong pansinin ang sasabihin ng iba,” seryosong wika nito. “Gusto kong ibigay sa’yo ito at gagawin ko kung ano ang gusto ko.”
Gusto niya pa ring tutulan ito subalit hindi niya alam kung ano ang isasagot. Napaatras siya nang humakbang pa itong lalo palapit sa kanya.
“Ako na ulit ang boss mo, Elij, at susundin mo ako,” buong diin na dagdag nito.
May nakita na naman siya sa mga mata nito, alam niya ang ibig sabihin noon. “N-No, Thaddeus… baka marinig tayo sa la—”
“Ssshhh…” ngumisi ito. “Soundproofed ang mga kuwarto dito, sweetie,” tumawa pa ito.
Wala na siyang nagawa kundi ang mapabuntong-hininga at tanggaping wala siyang laban pagdating dito. Mahal na mahal niya ito at gagawin niya ang lahat para mapasaya ito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon