Chapter 8.3

2.6K 40 2
                                    

PAGKARATING ni Elij sa bahay ni Thaddeus ay agad niya itong hinanap. Nakita niya naman ito na nasa living area at nakaupo sa sofa habang nanonood ng T.V. Masaya pa itong tumatawa habang pinapanood ang paborito nitong Spongebob Squarepants.
Humakbang siya palapit dito. Napatingin ito sa kanya at agad na sumilay ang isang magandang ngiti sa mga labi nito pagkakita sa kanya. “You’re back,” bati nito. Tinapik nito ang sofa. “Watch with me. Kasisimula palang nito.”
Umupo siya sa tabi nito. “Hindi ka na talaga magsasawa kay Spongebob,” napailing siya.
“Never,” umisod ito palapit sa kanya.
Humugot muna siya ng malalim na hininga at sinimulan na itong komprontahin. “Bakit mo binilhan ng mga laruan si Sam? Hindi mo na dapat ginawa ‘yon.”
“Bakit? Hindi niya ba nagustuhan?”
“Hindi naman sa ganoon,” muli siyang napabuntong-hininga. “Pero sobra-sobra na ang naibibigay mo sa akin, Thaddeus. ‘Yong suweldo ko, hindi naman dapat—”
“Ssshhh,” pagpapatigil nito sa kanya. “Let’s stop talking about money, Elij. Saka para naman sa kapatid mo iyon kaya huwag mo ng alalahanin.”
Hindi na siya nakasagot.
“Oh, naalala ko,” sabi nito nang magsimula na ang commercial break. “May binili nga rin pala ako para sa’yo.”
Kumunot ang noo niya at pinagmasdan ito nang tumayo ito at lumapit sa isang cabinet malapit sa T.V. Nang bumalik ito sa pagkakaupo ay may inabot ito sa kanyang dalawang malalaking paper bags.
“Ano ang mga ito?” nagtatakang tanong niya.
“Binilhan kita ng mga damit,” masayang sagot nito. “Tiningnan ko ang wardrobe mo at halos wala namang laman iyon.”
Gulat siyang napatingin dito. “Thaddeus, hindi mo na dapat—”
“Tingnan mo,” putol nito na parang hindi siya narinig. “Sabihin mo sa akin kung nagustuhan mo,” nasa tono nito ang excitement.
Napailing na lang siya at binuksan ang isang paper bag. Halos lumuwa ang mga mata niya nang makitang puro lingerie ang mga iyon. Puno ng paghihimagsik ang kalooban niya lalo na nang marinig ang malakas na pagtawa nito. Tiningnan niya ito at ibinato ang mga lingerie dito. “Pinaglololoko mo ba ako, Thaddeus?!” bulyaw niya dito, tuluyan ng nawala ang pagtitimpi niya. “Bakit hindi ikaw ang magsuot niyan?!”
Utas pa rin ito sa katatawa habang ibinabalik sa kanya ang mga lingerie. Gustong-gusto niya ng sakalin ang lalaking ito sa inis.
“For precautions lang naman ‘yan,” sabi pa nito, his eyes were still laughing. “Malay mo, balang araw, maisuot mo rin iyan, hindi ba?”
“In your dreams,” mataray na wika niya at inirapan ito.
“Yes, you’re always like that in my dreams,” sagot nito.
Napasinghap siya at pinagpapalo ito ng mga lingerie na hawak. “Bastos ka talaga! Bastos! Bastos!” sasabog na sa pagkainis ang puso at utak niya dahil sa lalaking ito.
Patuloy lang ito sa pagtawa at pagsangga sa mga pananakit niya. Naiinis siyang tumayo. Aktong iiwanan niya na ito nang hanggitin nito ang kamay niya at ibalik siya sa pagkakaupo, ngunit hindi sa sofa kundi sa kandungan nito. Nagpumiglas siya pero mahigpit na nitong nayakap ang baywang niya.
“Manyakis ka! Pakawalan mo ako!” histerikal na sigaw niya. Sumosobra na talaga ang lalaking ito.
Tumawa lang ito at kinagat ang kaliwang balikat niya. “Ouch!” sigaw niya. Siniko niya ito at pinakawalan naman siya nito. “Bakit mo ako kinagat?!” malakas niya itong pinagsusuntok sa dibdib na sinasanggahan naman nito ng mga kamay nito.
Hinuli nito ang mga kamay niya at hinigit siya muli paupo sa kandungan nito. Tiningnan niya ito ng masama. “Hindi mo ba ako titigilan diyan sa ka-maniyakan mo, Thaddeus?” naiinis na tanong niya dito.
Ngumiti lang ito pero hindi sumagot.
“Isusumbong na kita sa mga pulis,” banta niya at muling umalis sa pagkakaupo dito. Lumipat siya sa sofa at humalukipkip.
Umisod ito palapit sa kanya. “Abogado ako, Elij,” paalala pa nito.
“Oo, ikaw ang pinaka-maniyak na abogadong kilala ko!”
Tumawa ito at inabot ang isa pang paper bag na hindi niya nabuksan. “Open this. I promise matino na ito.”
Hinanggit niya iyon dito at binuksan. Matitinong klase ng damit na naman ang naroroon.
“See, ikaw kasi ang bilis mong magalit,” sabi pa nito.
“Sino bang hindi magagalit sa mga damit na iyan?” tukoy niya sa nagkalat na lingerie sa sahig at sa sofa.
Inabot nito ang isa sa mga iyon. “Dapat nga maging masaya ka pa dito. Ang ibang babae gustong-gustong makatanggap ng ganito.”
“Yong ibang mga babae iyon, hindi ako,” marahas siyang napabuntong-hininga at muling tumayo. “Magpapahinga na ako, pinagod mo ako ng sobra sa mga kalokohan mo.”
Tinalikuran niya na ito at hindi na pinansin ang nakalolokong pagtawa nito. Napahawak pa siya sa balikat na kinagat nito. Sobra talagang nakakapagod kasama ang lalaking iyon. Hindi niya alam kung paano niya pang nagagawang makapagtagal sa ugali nitong iyon.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon