MASAYANG-MASAYA si Elij dahil naging maayos ang pagdiriwang nila ng Pasko sa bahay ni Thaddeus. She must admit that it was the best Christmas she ever had. Dahil alam niyang sobrang nag-enjoy rin ang pamilya niya lalong-lalo na ang mga kapatid niyang sobra-sobra ang natanggap na regalo kay Thaddeus. Talaga namang masyado nitong ini-i-spoil ang mga kapatid niyang iyon. Gustuhin man niyang komprontahin ito ay alam niyang hindi rin naman ito makikinig.
Palabas na sana siya ng sasakyan nito nang pigilan nito ang braso niya. Kababalik lang nila sa bahay nito matapos nilang ihatid ang pamilya niya sa bahay nila ng gabing iyon.
“Wait,” pigil nito. “I remember, may dancing lights nga pala ngayong gabi sa Ayala Triangle. Nakita mo na ba iyon?”
Umiling siya. Paano ba naman niya makikita? Hindi naman siya mahilig pumunta sa kung saan-saang lugar.
“Let’s go there now, siguradong maaabutan pa natin,” sabi nito at muling pinaandar ang sasakyan.
Hinayaan niya na lang ito. Ilang sandali lang ay nakarating na sila sa Ayala Triangle. Mabilis itong lumabas ng sasakyan at hinila siya palabas. Hawak-hawak lang nito ang kamay niya hanggang sa makarating sila sa parteng iyon kung saan napapalamutian ng naggagandahang lights ang mga puno.
Maraming tao doon at nakisiksik na lang sila para makarating sa gitna. The light show had already begun and she was amazed by the beauty of those lights dancing with the beat of Christmas hymns. Halos lahat ng nandoon ay mangha ring pinagmamasdan ang kagandahan ng mga ilaw na iyon.
Tumingin siya kay Thaddeus na parang batang masayang-masayang pinanonood ang mga naggagandahang ilaw. She just kept on staring at him throughout the whole show. She never felt this kind of peace and joy in her heart until now. At hindi niya mapaniwalaang nararamdaman niya iyon dahil lamang sa pagtitig dito.
Lumukso ang puso niya nang salubungin nito ang tingin niya. Ngumiti ito at hinapit siya palapit sa katawan nito. Iniakbay nito ang isang braso sa kanya at hindi niya na nagawang alisin iyon.
Ibinalik niya ang tingin sa mga ilaw na tapos na sa pagsayaw at narinig ang palakpakan ng mga tao doon. Hindi niya na napagtuunan ng pansin ang mga ingay ng palakpak na iyon dahil mas nakuha ang atensiyon niya ng ingay na nagmumula sa nagwawala niyang puso. She was very new to this kind of beating of her heart but she was beginning to like it.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus Arzadon
RomantizmElij applied as a personal assistant/personal bodyguard of the famous lawyer - Thaddeus Arzadon. Pero hindi gaya ng inaasahang gawain ng isang assistant, iba ang pakay niya sa pagpasok sa buhay nito. She had to stay near him to know his every move...