“MALAYO pa ba ang aakyatin natin?” tanong ni Elij kay Thaddeus na nasa unahan niya. Ito ang may dala ng bag nila habang siya ay hawak lamang ang dalawang bote ng inuming tubig nila.
Higit dalawang oras na silang umaakyat sa bundok na ito pero mukhang wala pa rin itong balak tumigil. Kahit na sanay siya sa paglalakad at pagtakbo ay napapagod rin naman siya.
Lumingon ito sa kanya. “Kaunti na lang ‘tapos bababa na ulit tayo.”
Tumingin siya sa kagubatang nasa paligid at sa kalangitang medyo may kadiliman na. “Mukhang uulan pa ‘ata,” bulong niya sa sarili.
Nagpatuloy lang siya sa pag-akyat hanggang sa maya-maya nga ay bumuhos na ang malakas na ulan. Mas lalong naging mahirap ang daraanan dahil sa putik. “Thaddeus, hindi pa ba tayo bababa?!” pasigaw na tanong niya dito. Basang-basa na siya ng ulan at nahihirapan na talaga siya sa paglalakad.
Pagtingin niya sa unahan ay nakita niyang wala na ito doon. Luminga-linga siya sa paligid pero wala siyang maaninag dahil sa lakas ng ulan. “Thaddeus!” tawag niya dito.
Lumukob ang matinding takot at kaba sa puso niya nang walang sumagot sa pagtawag niya. She walked aimlessly and continued on shouting his name. “Thaddeus!” she cried.
Pabagsak siyang napaupo sa tabi ng isang punong naroroon at umiyak. Bakit siya nito iniwan? Sobrang dilim na ng paligid at wala naman siyang dalang flashlight dahil si Thaddeus ang may dala ng bag nila.
Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nakaupo sa lugar na iyon. Tumila na ang ulan at ang tanging naririnig niya na lang ay mga huni ng ibon at hanging tumatama sa mga naglalakihang puno doon. Everything was dark and she was shivering because of the cold and the fear. Paano kung may mababangis na hayop ang nandito? Paano kung hindi na siya makababa? Hindi niya alam kung nasaang parte na siya ng kagubatang ito.
“Thaddeus…” bulong niya sa pangalan nito. Nasaan na ito? Bumaba na ba ito at iniwanan na siya ng tuluyan? Hindi na lang dapat siya sumama dito.
Nagpatuloy siya sa pag-iyak hanggang sa maya-maya ay narinig niya ang tinig ng lalaking iyon na isinisigaw ang pangalan niya. Mabilis siyang napatayo at ganoon na lang ang relief sa puso niya nang makakita ng liwanag ng flashlight sa isang parte ng kagubatan.
Tumakbo siya patungo doon kahit na ilang beses pa siyang natalapid sa mga nakaharang na ugat ng mga puno. “Thaddeus!” tawag niya dito.
“Elij!” unti-unti ng lumalapit ang tinig nito.
Nakita niya itong tumakbo rin patungo sa direksiyon niya. Muli na namang tumulo ang mga luha niya. Nang makalapit siya dito ay agad niya itong niyakap ng mahigpit at humagulhol sa dibdib nito. Doon niya ibinuhos ang lahat ng takot na nararamdaman.
“Damn, sweetheart! Where have you been?! I’ve been looking for you!” malakas na ang boses nito dahil sa pinipigil na emosyon. Niyakap siya nito ng buong higpit, halos hindi na siya makahinga sa pagkakayakap na iyon pero hindi niya inalintana.
Nang kumalma na silang pareho at tumigil na siya sa pag-iyak ay bahagya siyang lumayo dito. Hindi niya gaanong makita ang mukha nito pero sapat na sa kanya ang kaalamang naririto ito sa tabi niya.
Inabot nito ang kamay niya at hinawakan iyon ng mahigpit. Pagkatapos ay hinila siya nito patungo sa isang lugar.
“Saan tayo pupunta?” tanong niya dito, nasa boses niya pa rin ang panginginig dahil sa lamig.
“Sa isang kuwebang nakita ko kanina,” sagot nito. “Doon muna tayo magpapalipas ng gabi. Bukas pagsikat ng araw, bababa na tayo.”
Sumunod lang siya dito at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay nito. Ayaw niya ng mahiwalay pa ulit dito. Hindi naman nagtagal at nakarating na sila sa kuwebang sinasabi nito. Hindi iyon ganoon kalaki pero maaari ng paglipasan ng gabi para lamang makaiwas sa mga hayop sa kagubatan.
Ipinahawak nito sa kanya ang hawak nitong flashlight. Aktong aalisin nito ang pagkakahawak sa kamay niya nang pigilan niya ito.
Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. “Kukuha lang ako ng kahoy sa labas para may magawa tayong apoy,” mahinang sabi nito. “Ayokong manigas ka sa lamig dito.”
Napilitan siyang bumitaw dito. Iniabot nito sa kanya ang bag na dala nito.
“Babalik ka agad, ha?” pahabol niya nang humakbang ito palayo.
Muli itong tumawa. “Oo,” pagkatapos ay tuluyan na itong lumabas ng kuweba.
Ilang minuto siyang naghintay doon hanggang sa maramdaman niya ang pagbalik nito. Sinalubong niya ito at tinulungan sa mga kahoy na dala-dala. “Marunong ka ba nito?” tanong niya dito. “Kahit medyo basa pa ang mga kahoy?”
Tumango ito. “Sanay na ako sa ganitong mga pagkakataon. Hindi ba sabi ko, matagal na akong nagha-hiking.”
Nagsimula na itong magpasindi ng apoy at pinagmasdan niya lang ito. Ilang sandali lang ay nagawa na nito iyon.
Tumingin ito sa kanya at ngumiti. “Gusto mo bang magpalit ng damit?” tanong nito.
“Hindi ba nabasa ang laman ng bag mo?”
Umiling ito. “Secured ang mga gamit sa bag na iyan, kahit sa tubig,” kinuha nito ang bag sa kanya at binuksan iyon. “You should wear my sweatshirt,” sabi nito at iniabot sa kanya ang sweatshirt nito.
Tinitigan niya iyon. “Paano ka?”
“I’ll change to another shirt,” sagot nito at kinuha naman ang isa pang shirt na nasa bag nito. “Tatalikod ako kung nahihiya ka,” pilyo pa itong ngumiti.
Pinamulahan siya ng mukha at marahang tumango.
Tumawa ito at tumalikod na.
“Siguraduhin mong hindi ka sisilip, ha?” sabi niya pa.
“Opo,” masunuring sagot nito.
Nag-aalangan pa siyang tumalikod at nagsimulang magpalit ng damit. Nang matapos ay muli siyang humarap dito. Nagulat pa siya nang makitang naghubad na rin ito ng damit nito at nagpalit ng panibago. Mabilis siyang lumapit sa apoy na naroroon at kunwang inabala ang sarili sa pagpapa-init.
“Tapos ka na ba?” tanong nito.
“Oo.”
Humarap ito sa kanya at ngumiti. “It suits you. My clothes.”
Pinilit niya ang sariling huwag maapektuhan sa sinabi nito pero hindi siya nagtagumpay. Sobrang lakas na ng kabog ng puso niya. Mas lalo pa iyong tumindi nang lumapit ito sa kanya at hilahin siya patungo sa isang sulok.
Ibinagsak nito sa lupa ang bag at ginawang unan iyon. He pulled her down. “You can lay your head here,” tinapik nito ang sariling dibdib.
Kahit patuloy sa pagtanggi ang isipan niya ay mas nagwagi pa rin ang utos ng puso niya. She lay down beside him and rested her head on his broad chest. Iniyakap nito ang mga kamay sa kanya. Her own hand wrapped around his waist. She felt so warm all of a sudden.
She could now feel the steady beat of his heart. She closed her eyes. She liked the feel of his arms around her.
“Gusto mo bang kantahan kita para makatulog ka?” narinig niyang tanong nito.
Napangiti siya. “Talaga? Sige nga.”
Tumikhim muna ito. “Who lives in a pineapple under the sea? SpongeBob Squarepants,” pagsisimula nito.
Napamulat siya at marahang pinalo ang dibdib nito. “Anong kanta ‘yan? Niloloko mo ba ako?”
“Hayaan mo na, ito lang ang alam kong kanta,” natatawang sagot nito.
Napailing na lang siya at hinayaan itong magpatuloy.
“Absorbent and yellow and porous is he, SpongeBob Squarepants. If nautical nonsense be something you wish, SpongeBob Squarepants. Then drop on the deck and flop like a fish. SpongeBob Squarepants...”
She smiled and closed her eyes once more. She pressed herself even closer to him, trying to savor the amazing heat of his skin and feeling the hardness of his muscles. She knew after this night everything on her will never be the same again.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus Arzadon
RomanceElij applied as a personal assistant/personal bodyguard of the famous lawyer - Thaddeus Arzadon. Pero hindi gaya ng inaasahang gawain ng isang assistant, iba ang pakay niya sa pagpasok sa buhay nito. She had to stay near him to know his every move...