HINDI na alam ni Elij kung gaano katagal na siyang nakatitig sa papel na hawak kung saan naroroon ang ilan sa mga larawan ng Thaddeus Arzadon na iyon. Iyon ay kasama sa mga impormasyong nasa folder na ibinigay sa kanya ni Anthony noon. Halos lahat ng larawan nito ay nakangiti ito, kitang-kita ang dalawang malalalim na dimples sa magkabilang pisngi nito. This man had the most amazing smile she had ever seen. He also had those gentle features in him. Gusto niyang malaman kung ganoon din ang ugali nito.
Napabuntong-hininga siya. He was really very handsome, lalong-lalo na sa personal. But she was sure there were lots of women fuming around him. Dahil hindi lang ito guwapo, mayaman pa.
Base sa mga nabasa niya ay pag-aari nito ang Arzadon Law Firm sa Manila, Quezon, Makati, Calamba at dito rin sa Cebu. May limang firms din ito sa New York City.
Nabasa niya rin na malakas ang kapit nito sa mga awtoridad. Siyempre, lawyer ito at hindi lang basta-basta. Kinatatakutan ito ng marami dahil sa galing at talas ng pag-iisip nito.
Hindi niya man magawang aminin pero kinakabahan siya sa gagawing paglapit dito. Paano kung malaman nito ang pakay niya? Paano kung idiin siya nito at ipakulong?
Ipinikit niya ang mga mata. This man was very dangerous kaya kailangan niya talaga ang matinding pag-iingat. Napamulat siya at napatingin sa kamay niyang hinawakan nito. Nararamdaman niya pa rin ang init ng mga palad nito doon.
Marahas niyang ini-iling ang ulo. Dapat ay tigilan niya na ang pag-iisip ng mga weirdong bagay na ito. Kailangan niyang mag-focus sa mga gagawin niya.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus Arzadon
RomansaElij applied as a personal assistant/personal bodyguard of the famous lawyer - Thaddeus Arzadon. Pero hindi gaya ng inaasahang gawain ng isang assistant, iba ang pakay niya sa pagpasok sa buhay nito. She had to stay near him to know his every move...
![[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus Arzadon](https://img.wattpad.com/cover/198052992-64-k364172.jpg)