MARAHANG hinaplos ni Elij ang natutulog na mukha ni Thaddeus. Napangiti siya. Nitong nakaraang mga gabi ay napapansin niyang napapadali na ang pagtulog nito. Lumapit siya dito at ginawaran ng marahang halik ang mga labi nito.
“Mahal na mahal kita, Thaddeus,” bulong niya dito. “Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para maayos ang sitwasyon ko. Para mabayaran ko na siya at makalaya na ako ng tuluyan. Gusto kong palaging ganito kasama mo,” isinubsob niya ang mukha sa leeg nito. Sana magkalakas na siya ng loob na harapin si Anthony. Sana mapagbigyan siya nitong makasama si Thaddeus. Sana.
Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa katawan nito. Mahal na mahal niya ito at hindi niya hahayaang mapahamak ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/198052992-288-k364172.jpg)
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus Arzadon
RomansaElij applied as a personal assistant/personal bodyguard of the famous lawyer - Thaddeus Arzadon. Pero hindi gaya ng inaasahang gawain ng isang assistant, iba ang pakay niya sa pagpasok sa buhay nito. She had to stay near him to know his every move...