Chapter 23.3

2.7K 30 0
                                    

MABILIS na tumakbo si Elij sa pinto nang marinig ang tunog ng pagparada ng sasakyan ni Thaddeus sa labas. Naghanda siya ng makakain nito dahil siguradong gutom na ito.
Awtomatikong napatigil ang mga paa niya sa paghakbang nang makita itong pumasok. Animo’y nagkabasag-basag ang puso niya nang makita itong may kaakbay na isang babae. Nagtatawanan pa ang mga ito.
Akala niya ba pumunta ito sa mga kaibigan nito? Bakit… Bakit babae ang kasama nito at dinala pa nito dito? Gusto niya ng umiyak pero pinigilan niya lang ang sarili.
Tumigil ang mga ito sa harapan niya. Tumingin sa kanya si Thaddeus. “Oh, Elij, meet my new girl, si Marian. Marian, this is Elij,” bumaling ito sa Marian na iyon at nginitian ito ng ubod tamis.
Tiningnan siya ni Marian mula ulo hanggang paa. “Siya ba ‘yong bodyguard na ikinu-kuwento mo? ‘Yong kinuha mo dahil naaawa ka sa kanya?” tumawa ito. “Well, nakakaawa naman talaga siya.”
Hindi siya makapaniwalang napatingin kay Thaddeus nang tumawa din ito. Parang namanhid na ang buong katawan niya sa sakit ng mga oras na iyon. Bakit ba ito ganito sa kanya? Ano ba talagang nagawa niyang mali dito?
Muling tumingin sa kanya si Thaddeus. “Dalhan mo kami ng wine sa living area,” utos nito sa kanya.
Tiningnan niya ito ng masama at mabilis na tumalikod. Dumiretso siya sa private bar at sinunod ang utos nito. Damn them! Gustong-gusto niyang basagin ang mga bote ng wines dito sa ulo nito at ng babaeng kasama nito.
Ilang saglit niyang kinalma ang sarili bago lumabas at tumungo sa kinaroroonan ng mga ito. Halos mabitawan niya ang hawak na bote ng wine at mga baso nang madatnan ang mga itong naghahalikan sa sofa.
She was already trembling with anger. The pain in her heart was unbearable. Pinatatag niya ang sarili at lumapit sa mesang nasa harap ng mga ito. Malakas niyang ipinatong sa mesa ang mga hawak. Napatigil ang mga ito sa ginagawa.
Tumingin ang mga ito sa kanya. Inilihis niya ang ulo sa direksiyon ng mga ito nang maramdaman ang pagpatak ng mainit na likido mula sa mga mata niya. Nagpapasalamat siya dahil hindi gaanong maliwanag sa parteng iyon. Hindi niya gustong makita ng mga ito ang paghihinagpis niya.
“I want some fruits too, Thaddeus,” narinig niyang hiling ng babae. “Can you get it for me, Ms. Bodyguard?” tanong nito sa kanya.
Pinigilan niya ang sariling magpakita ng galit at sugurin ang babaeng iyon.
Narinig pa niya ang pagtawa ni Thaddeus. “Hindi na natin kailangan iyon, darling,” sabi nito sa babae. “Cause I can’t wait to go to bed now.”
Napatingin siya dito nang pangkuin nito ang babae at lumakad patungo sa hagdan. She could still hear their laughter from afar.
Pakiramdam niya ay nawalan na siya ng lakas ng mga oras na iyon at pabagsak na napaupo sa sahig. Tuluyan na siyang napahagulhol sa lugar na iyon. She could feel her heart splitting in half. She couldn’t breathe.
Why was he doing all these things in front of her? Bakit naging ganito ito? Napahikbi siya. Ano pa bang aasahan niya? He was a heartbreaker, a great one. Hindi na dapat bago ito sa kanya. At the very first place, hindi naman ito sa kanya. May karapatan itong mag-uwi ng babae sa pamamahay nito. Nasasaktan siya dahil umaasa siyang magugustuhan rin siya nito.
Pinilit niya ang sariling tumayo. Nag-desisyon siyang tumungo na muna sa bahay nila sa Pasay. Doon na muna siya magpapalipas ng gabi, hindi niya magagawang patuloy na makasama ang mga ito sa bahay na ito. Mas lalo lang siyang masasaktan.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon