NAPATIGIL si Elij sa paghakbang nang makita kung sino ang kausap ni Thaddeus sa gate ng bahay nito. Iyon ay ang Marian na iyon! Biglang kumulo ang dugo niya sa pagkakita sa babaeng iyon.
Lumakad siya palapit sa mga ito.
“Akala mo ba madadala mo ako sa rason mong iyan, Thaddeus?” narinig niyang wika ni Marian. “I am no spring chicken. Bakit—” napatigil ito nang makita siya. Pinagtaasan pa siya nito ng kilay.
Hindi niya na ito pinansin. Tiningnan niya muna ng masama si Thaddeus bago tuloy-tuloy na pumasok sa loob.
Bakit ba nagpupunta pa dito ang babaeng iyon? At bakit ine-entertain pa ito ni Thaddeus? Nagdadabog siyang umakyat sa hagdan at tumungo sa sariling kuwarto.
Naiinis siyang umupo sa kama. Bakit ba nagkakaganito siya? Kailan pa siya naging ganito ka-selfish? Pero ano bang magagawa niya? Hindi niya makayang makitang kasama ni Thaddeus ang ibang babae maliban sa kanya.
Humiga siya sa kama at pinilit ang sariling makatulog. Ngunit hindi niya magawa dahil ang isip niya ay nasa dalawang iyon. Ano pa bang ginagawa at pinag-uusapan ng mga ito?
Napatingin siya sa connecting door nang magbukas iyon at pumasok si Thaddeus. Nakakunot pa ang noo nito habang nakatingin sa kanya. Ipinikit niya ang mga mata.
“Elij,” tawag nito sa kanya. Naramdaman niya ang pag-upo nito sa kama. “Bakit dito ka matutulog?”
Hindi niya ito sinagot at nanatiling nakapikit.
“Sweetie,” hinaplos nito ang braso niya.
Nagtaasan ang mga balahibo niya pero hindi niya pa rin ito sinasagot. Bumiling siya ng higa para talikuran ito.
“Doon ka matulog sa kuwarto ko,” sabi pa nito.
“Ayoko, mas gusto ko dito,” tugon niya.
“Bakit naman?”
“Basta ayoko, huwag ka ng makulit. Matulog ka na sa kuwarto mo.”
Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya paupo. “Sweetie, huwag ka namang ganyan. Nagseselos ka ba?”
Iminulat niya ang mga mata at tiningnan ito ng masama. “Eh, ano ngayon kung nagseselos ako? Bakit kasi pumupunta pa dito ang babaeng iyon? Pinagsasabay mo ba kami?”
Tumawa ito at hinapit siya palapit sa katawan nito. “Of course not,” sagot nito. “Hiniwalayan ko na siya noon pa. You’re the only one for me now, sweetie. Believe me.”
Nawala naman ang inis niya sa sinabi nito. “Sorry,” paghingi niya ng tawad sa pagseselos kanina. “Ang dami-dami mo kasing babae noon.”
Ngumiti ito at hinaplos ang pisngi niya. “Napaka-selosa naman ng girlfriend ko.”
Lumukso ang puso niya sa sinabi nito. She bit her lower lip and sat astride his lap. “Tinatanong nina Sam kung kailan mo daw ulit sila dadalawin,” sabi niya.
Tinitigan nito ang mukha niya. “Baka sa susunod na linggo,” sagot nito. “Alam na ba nila ang tungkol sa atin?”
Umiling siya. “Nawalan ako ng lakas ng loob kanina,” pag-amin niya.
Tumawa ito. “Pagpunta natin doon, sabihin na natin.”
Ilang saglit siyang napaisip. Wala namang problema iyon. Mas magkakalakas siya ng loob kung kasama niya ito. Nginitian niya ito at tumango. “Ikaw ang unang lalaking ipapakilala ko sa kanila na ka-relasyon ko,” sabi niya pa. “Siguradong magugulat ang mga iyon.”
“I’m flattered,” anito at isinubsob ang mukha sa dibdib niya. Bumagal na ang paghinga nito. “Mukhang hindi na tayo makakalipat sa kuwarto ko, Elij. Let’s try this bed first.”
Tumawa siya at itinaas ang mukha nito. “You are very impatient, Thaddeus,” tudyo niya pa.
He chuckled and claimed her lips hungrily, lustfully.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus Arzadon
RomanceElij applied as a personal assistant/personal bodyguard of the famous lawyer - Thaddeus Arzadon. Pero hindi gaya ng inaasahang gawain ng isang assistant, iba ang pakay niya sa pagpasok sa buhay nito. She had to stay near him to know his every move...