MULING sumulyap si Elij kay Thaddeus na nagmamaneho, pauwi na sila ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung sasabihin niya ba dito ang tungkol sa pagkakita niya sa mga kapatid nito kanina.
“Ayos lang na titigan mo ako, Elij. Para hindi ka na mahirapan sa pagsulyap,” sabi ni Thaddeus.
Tiningnan niya ito ng masama. “Hindi kita sinusulyapan dahil nagu-guwapuhan ako sa’yo o anuman ‘yang nasa isip mo.”
“Talaga?” sumulyap ito sa kanya at ngumiti.
Napabuntong-hininga siya. Oo na, guwapo naman talaga ito pero hindi iyon ang kaso ngayon. “May… dumating kanina sa firm mo noong may kausap kang kliyente,” panimula niya.
Kumunot ang noo nito. “Sino?”
Ilang sandali siyang nag-alinlangan. “Yong… ‘yong tatlo mong… kapatid,” sumulyap siya dito at nakita ang pagtiim-bagang nito.
“Anong ginagawa nila doon?” marahas na ang tono nito.
“Gusto ka sana nilang makita.”
Umismid ito. “Para ano? Para pagtawanan ako?”
“Hindi naman sila ganoon, Thaddeus. Mga bata pa sila, wala silang kaalam-alam sa mga pangyayari,” pagtatanggol niya sa mga ito. “Gusto lang nilang makita ang kuya nila.”
Nakita niya ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa manibela. “Wala akong pakialam sa kanila at wala akong balak makialam,” puno ng pait na wika nito. Itinigil nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada at ipinatong ang ulo sa headrest ng driver’s seat. Mariin itong napapikit. Alam niyang pinipigil nito ang sariling tuluyang magalit.
Ilang sandali niya itong hinayaang kumalma bago niya inabot ang kamay nito at hinawakan iyon ng mahigpit. Nagmulat ito at tumingin sa kanya.
“Thaddeus, wala silang kasalanan sa lahat ng ito, parang ikaw,” marahang sabi niya. “Sinabi nilang nagkakagulo din sa kanila, na palagi ring nag-aaway ang mga magulang nila. Hindi ka ba naaawa sa kanila? Na baka matulad din sila sa nangyari sa’yo noon?”
Nakita niya ang namuong mga luha sa mga mata nito at nakaramdam siya ng matinding kalungkutan sa pagmamasid sa sakit na patuloy na pinagdadaanan nito. “Hindi pa ngayon, Elij,” wika nito sa basag na tinig. “Hindi ko pa kayang tanggapin ang lahat ngayon. Hindi ganoon kadali. Sila pa rin ang bunga ng kataksilan ng lalaking iyon sa Mama ko… pero pag-iisipan ko na… makilala sila bilang mga kapatid ko. Pag-iisipan ko.”
Tumango siya at hinila ito palapit sa kanya para yakapin ito. Isinubsob naman nito ang mukha sa leeg niya. She wanted to comfort him kahit sa simpleng paraan lang.
They remained like that for a while. Hanggang sa maya-maya ay naramdaman niya ang paghalik nito sa leeg niya. Mabilis niya itong itinulak palayo.
“Anong ginagawa mo?!” pasigaw na tanong niya dito.
Ngumiti ito ng nakaloloko. “I can’t control myself, you smell so good, sweetie.”
Napasinghap siya. “Ikaw na nga itong kino-comfort ko, mina-maniyak mo pa ako!” malakas niya itong hinampas sa braso.
“Aray!” hinaplos nito ang nasaktang braso. “Hindi ko naman alam na kino-comfort mo ako. Akala ko pinagnanasaan mo na ako.”
Gigil na gigil niyang ikinuyom ang mga kamao. Kaunti na lang. Kaunti na lang ang natitira niyang pasensiya sa ka-maniyakan ng lalaking ito.
Tumawa ito at pinisil ang pisngi niya. “You are so cute when you’re mad. Ang sarap mong kagatin,” sabi pa nito.
Tinabig niya ang kamay nito. “Huwag na huwag mo akong kakagatin, Thaddeus. Siguradong tatalsik ka na palabas ng sasakyang ito, maniyakis ka.”
Malakas itong tumawa. Palagi na lang ba siyang pagtatawanan at lolokohin ng lalaking ito?
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus Arzadon
RomantikElij applied as a personal assistant/personal bodyguard of the famous lawyer - Thaddeus Arzadon. Pero hindi gaya ng inaasahang gawain ng isang assistant, iba ang pakay niya sa pagpasok sa buhay nito. She had to stay near him to know his every move...