“KUYA Thaddeus!”
Hindi napigilan ni Elij ang mapangiti nang makita ang pag-uunahan ng mga kapatid sa pagyakap kay Thaddeus. Iniwan niya na ang mga ito dito at lumapit sa Nanay niya at kay Lara.
“Nay,” hinalikan niya ito sa pisngi.
“Mabuti naman at naisipan mong isama ulit dito ang boss mo,” sabi ng ina niya at ngumiti. “Wala nga lang akong maiaalok na pagkain dahil naubos na namin kaninang hapunan.”
“Ayos lang po iyon, kumain na kami kanina bago nagpunta dito,” sagot niya.
Napatingin sila kay Thaddeus nang lumapit ito sa kanila. Kalong na nito si Sam habang nakahawak lang sa damit nito si Gaile. “Niyaya ko pong pumunta dito si Elij dahil gusto ko sana kayong imbitahan,” sabi nito sa ina niya.
Kumunot ang noo ng ina niya at napatingin sa kanya. “Imbitahan saan? Ikakasal ka na ba?”
Gulat siyang napatingin dito. “Nay naman,” hindi niya napigilan ang pag-iinit ng sariling mukha, lalo na ng tumawa ito at si Thaddeus. Maging si Lara ay napatawa na rin.
“Nagbibiro lang ako, anak,” nangingiting pagbawi ng ina niya. Muli itong bumaling kay Thaddeus. “Sige, hijo. Saan mo ba kami balak imbitahan?”
“Kung ayos lang po sa inyo, nais ko sanang sa bahay ko na kayo magdiwang ng Pasko. Huwag na kayong mag-alala sa ihahanda, ako na pong bahala doon.”
Rumehistro ang pagkagulat sa mukha niya sa sinabi nito. Anong pinagsasasabi nito? Bakit gusto nitong doon sila mag-Pasko?
“Gusto ko! Gusto ko!” sigaw ni Gaile at lumapit sa Nanay Karina nila. “Nay, doon na tayo kay Kuya Thaddeus. Please.”
“Ako din,” narinig pa niyang dugtong ni Sam na kalong ni Thaddeus.
Aangal pa sana siya pero naunahan na siya ng ina niya sa pagsasalita.
“Hindi ba nakakahiya na sa’yo iyon, hijo? Hindi lingid sa akin na marami ka ng naitulong sa amin at—”
“Huwag niyo pong alalahanin ang lahat ng iyon,” putol ni Thaddeus sa sinasabi ng ina niya. “Para sa akin din naman po ang bagay na ito. Matagal na rin po akong mag-isa lang na nagdiriwang ng Pasko sa malaking bahay ko. Gusto ko naman may makasama ngayong taon.”
Napatingin siya dito. Nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na lungkot at awa para dito sa isiping ang masayahin at malokong katulad nito ay mag-isang nagdiriwang ng Pasko. Kung kanina ay gusto niyang tanggihan ang alok nito, ngayon ay nagbago na ang pasya niya.
Nang mapatingin siya sa ina ay nakita niya ang pagka-awang nasa mukha din nito. Pero pinilit nitong ngumiti at marahang tumango. “Walang problema iyon, hindi ba, Elij?” inilipat nito ang tingin sa kanya.
Lahat ng atensiyon ay natuon sa kanya. “A-Ayos lang, kung iyon ang desisyon niyo, Nay,” sagot niya.
Nakita niya ang kasiyahang bumahid sa mukha ng mga taong naroroon.
Bumaling si Thaddeus kay Lara. “Puwede ka ring sumama, Lara, kung gusto mo.”
“Ah… balak ko po sanang sa pamilya ko sa Mindoro mag-Pasko,” tumingin si Lara sa kanya. “Magpa-paalam sana ako sa’yo, Ate. Ayos lang po ba?”
Tumango siya. “Walang problema ‘yon. Ako na munang magbabantay kina Inay.”
Nagpasalamat ito sa kanya.
Muli siyang tumingin kay Thaddeus nang ibaba nito si Sam. “Kung ganoon, magkita na lang po tayo sa Pasko,” tumingin ito sa kanya. “Kailangan ko ng umuwi dahil may kailangan pa akong gawing kontrata.”
Tumingin siya sa kapamilya bago ibinalik ang tingin dito. “Thaddeus, puwede bang… puwede bang dito muna ako matulog ngayong gabi?” tanong niya dito. Matagal na rin kasi siyang hindi nakakatulog sa bahay na ito kasama ang pamilya.
Ngumiti si Thaddeus. “Sige, basta babalik ka bukas,” tumingin ito sa kapamilya niya at nagpaalam.
Palabas na ito nang humabol siya. “Ihahatid na kita sa labas,” aniya.
Tumawa ito pero hinayaan na lang siya. Pagkarating nila sa labas ay nagpasalamat siya dito.
“Mami-miss kita sa bahay,” hirit pa nito.
Nangingiti siyang napailing. “Dahil wala kang pepestehin? Pagpahingahin mo naman ako sa kakulitan mo kahit sandali lang.”
He grinned and stepped closer to hers. He caught her by surprise when he leaned in and gently kissed her lips. Her heart leapt on what he did. Pero bago pa siya makahuma ay nagtatakbo na ito patungo sa kinapaparadahan ng sasakyan nito at malawak ang pagkakangiting kumaway sa kanya.
“See you at home, sweetheart!” he shouted. Pumasok ito sa sasakyan nito at mabilis na pinatakbo iyon.
That maniac! Naka-i-score na naman ito sa kanya! Gigil niyang ikinuyom ang kamao at nagpapadyak sa kinatatayuan.
![](https://img.wattpad.com/cover/198052992-288-k364172.jpg)
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus Arzadon
RomanceElij applied as a personal assistant/personal bodyguard of the famous lawyer - Thaddeus Arzadon. Pero hindi gaya ng inaasahang gawain ng isang assistant, iba ang pakay niya sa pagpasok sa buhay nito. She had to stay near him to know his every move...