Chapter 30.4

3.3K 38 0
                                        

AGAD na nakita ni Thaddeus ang ama niya at ang asawa nito, pati na ang dalawa niya pang kapatid na babae pagkapasok niya sa loob ng warehouse na kinaroroonan ng mga ito. Nakatali ang mga ito sa mga upuang magkakalayo.
Dahil wala siyang ibang nakitang tao doon kaya mabilis niyang nilapitan ang mga ito at isa-isang kinalas ang pagkakatali ng mga ito.
“Thaddeus, anak, hindi—”
“Huwag ka ng magsalita,” marahas na putol niya sa ama. “Nakita mo na ang konsekuwensiya ng mga ginawa mo noon?”
Nang matapos siya sa pagkalas ng tali ng mga ito ay narinig nila ang pagkasa ng baril. Napatingin siya sa isang parte ng warehouse kung saan lumabas doon si Ricardo na may kasamang tatlong lalaking may mga armas din.
Itinago niya sa mga ito ang mga kapatid na umiiyak na. Ganoon din naman ang ginawa ni Claudio sa asawa nito.
“Palabasin na natin ang mga walang-malay dito, Ricardo,” wika ni Claudio. “Ako ang may kasalanan sa’yo. Pabayaan mo na ang pamilya ko.”
Humagalpak ng tawa si Ricardo. “Sa tingin mo ganoon-ganoon lang iyon. Ang kasalanan ng magulang, kasalanan na rin ng anak. Pare-pareho din kayong mamamatay ngayong gabi!”

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon