Chapter 24.2

2.8K 28 0
                                    

PINAGSISISIHAN ni Elij ang ginawang pagsama kay Thaddeus nang gabing iyon. Ikinuyom niya ang mga kamao dahil sa sakit at galit na nararamdaman.
Mag-isa siyang nakaupo sa loob ng lounging area ng Society Hotel habang hinihintay ito at ang babae nitong nasa loob ng private suite nito. Nagpapakasaya ang mga ito habang nagdurusa siya dito?!
Bakit niya ba hinahayaang patuloy siyang mahirapan? Bakit ba lapit pa rin siya ng lapit dito gayong halata na namang ayaw na siya nitong makasama?
Pinilit niya ang sariling tumayo at lisanin na ang lugar na iyon. Gusto niya ng umuwi at magpahinga. Sobra-sobra na siyang nasasaktan, sobra-sobra na siyang nahihirapan. Pagod na pagod na siya.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon