Chapter 7.3

2.5K 41 0
                                    

NANG makarating si Elij sa bahay ni Thaddeus kinabukasan ay nakasalubong niya pa ito sa hagdan. Nakabihis na ito at mukhang papasok na sa trabaho.
“Pasensiya ka na kung hindi ako nakabalik kagabi,” paghingi niya ng paumanhin dito. Buong magdamag niyang binantayan ang kapatid na si Sam hanggang sa magising ito. May private nurse ng nagbabantay dito ngayon kaya minabuti niya ng bumalik sa trabaho dito. Kailangan niyang patuloy na mag-trabaho at nang makabayad siya sa mga tulong ni Matthew. “Hintayin mo na lang ako dito, magpapalit lang ako ng damit.”
Tutuloy na sana siya sa pag-akyat nang pigilan nito ang braso niya. “May nangyari ba?” tanong ni Thaddeus, may pag-aalala na sa tono nito. “Mukhang hindi ka pa nakakapag-pahinga, ah?”
Malungkot siyang napabuntong-hininga. “Inatake kahapon sa puso ang kapatid ko,” sagot niya. “Pero ayos na naman siya, naka-confine na siya ngayon sa ospital.”
Puno ng pag-aalala ang mukha nito. “Kailangan mo ba ng pera?” tanong nito.
Tumingin siya dito at pinilit ang sariling ngumiti. “Hindi na, ayokong umasa ng umasa sa tao. Sobra-sobra na ang mga natanggap ko. Kailangan kong pag-trabahuhan ang lahat ng kikitain ko.”
“Sigurado ka?”
Tumango siya. “Naka-confine siya sa Azcarraga Hospital at pinayagan naman akong i-confine muna siya doon kahit wala pa akong pambayad. Si Dr. Matthew Azcarraga ang tumitingin kay Sam, sinabi niyang kaibigan mo daw siya.”
Mukha namang nakahinga ito ng maluwag. “Siguradong hindi pababayaan ng ospital ni Matthew ang kapatid mo. Mabuti naman at doon mo siya dinala.”
“Oo nga,” pagsang-ayon niya.
Bumuntong-hininga ito. “Gagaling din ang kapatid mo. Magtiwala ka lang,” hinaplos nito ang mukha niya. “Puwedeng magpahinga ka muna dito ngayong araw, huwag ka na munang sumama sa akin dahil siguradong mapapagod ka.”
Tumingin siya dito. Pagod na pagod na talaga ang katawan niya pero ayaw niya namang pabayaan ang trabaho niya dahil lamang doon. “Ayos lang ako, kaya ko pang—”
“Listen to me,” putol nito sa kanya. “I’m your boss. Huwag kang mag-alala, hindi ko naman ibabawas sa suweldo mo ito.”
Napangiti siya at napilitang tumango. “Salamat,” iyon na lang ang masasabi niya.
Ngumiti na lang ito at nagpaalam na sa kanya. Pagkaalis nito ay tumuloy na siya sa sariling kuwarto para magpahinga. Nang makaupo siya sa kama ay napatitig siya sa kawalan. Kung ganito ang mga kabutihang ipinapakita sa kanya ng mga breakers na iyon, siguradong mas lalo siyang mahihirapan sa misyon niya.
Napatingin siya sa connecting door ng mga kuwarto nila ni Thaddeus. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nagagawa. Humiga siya sa kama at tumitig sa kisame. Not now. Napaka-walang puso niya na kung pag-iisipan niya pang gawan ng masamang bagay ang taong iyon ngayon.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon