Chapter 20.1

2.7K 34 0
                                    

PASIMPLENG sumulyap si Elij kay Thaddeus habang nakaupo sila sa sofa ng living area. Sinamahan niya ito sa panonood ng SpongeBob sa T.V. dahil wala rin naman siyang magawa ng gabing iyon.
Napailing na lang siya habang pinagmamasdan itong hindi matanggal ang ngiti habang nakatutok sa paboritong palabas.
Tumingin ito sa kanya at ngumiti. “Masarap ba akong panoorin?” tanong nito.
“Ang totoo pinagtatawanan talaga kita,” pagsisinungaling niya.
Tiningnan siya nito ng masama pero agad din namang bumalik ang ngiti nito. “Gutom na ako.”
“Eh di, kumuha ka ng makakain sa kusina,” utos niya dito.
“Ikuha mo ako.”
Nanlaki ang mga mata niya. “Hindi mo ako nanny, Thaddeus,” paalala niya dito.
Umungot pa ito sa harap niya na parang bata. “Nanonood pa ako ng SpongeBob.”
Naiinis siyang tumayo. “Kaya mukha ka ng Squidward dahil sa kapapanood mo niyan,” pagkasabi noon ay tumungo na siya sa kusina.
“Si SpongeBob ako!” narinig pa niyang pahabol nito.
Napabuntong-hininga na lang siya at lumapit sa fruit basket para kumuha ng dalawang mansanas doon. Pagkatapos hugasan ang mga iyon ay bumalik na siya dito at muling naupo sa tabi nito. “Ito na po,” inabot niya dito ang isang mansanas.
“Subuan mo ako,” ngumanga pa ito.
Inis niyang isinubo sa bibig nito ang buong mansanas. “Kumain ka mag-isa, malaki ka na.”
Kinuha naman nito ang mansanas at sinimulan ng kainin iyon pagkatapos ay muli itong tumingin sa kanya. “Ang layo mo naman sa akin,” sabi pa nito.
Hindi niya ito pinagtuunan ng pansin at nagpatuloy sa pagkain ng sariling mansanas. Nagulat pa siya nang akbayan siya nito at hapitin palapit sa katawan nito.
Tumingala siya dito. “Sumosobra ka na talaga, SpongeBob.”
Ngumiti lang ito at yumuko para gawaran ng mabilis na halik ang mga labi niya. Tumigil sa pagtibok ang puso niya sa ginawa nito. Gusto ng isipan niyang itulak ito palayo pero iba naman ang nais ng puso niya.
She stared at him. Hindi niya na napansin kung gaano katagal na siyang nakatitig dito hanggang sa marinig niya ang pagtawag nito sa pangalan niya.
“Elij. Earth calling Elij,” wika nito.
Napakurap siya at umayos ng upo.
“Himala, hindi mo ako sinaktan,” panloloko pa nito.
Tiningnan niya ito ng masama.
“Hindi na,” pagbawi nito. “May joke na lang ako sa’yo. Tungkol sa apple.”
“Ayokong marinig,” pagtanggi niya.
“Sige na,” ungot nito at muli siyang hinapit palapit dito.
Pilit siyang kumakawala dito. “Ano na?”
Malawak itong ngumiti. “Alam mo ba kung ano ang mas masama kaysa kapag nakakita ka ng uod sa mansanas mo?” tanong nito.
Umiling siya.
“Kapag nakita mong kalahati na lang iyong uod,” tumawa pa ito ng malakas.
Napangiwi siya. Saan ba nito pinagkukukuha ang mga kalokohan nitong iyon? Pinagmasdan niya na lang ito habang mag-isa itong tumatawa. He looked incredibly handsome. Bumaba ang tingin niya sa mga labi nito. She didn’t know why but she wanted him to kiss her again.
“What are you staring at, Elij?” narinig niyang tanong nito.
“Oh?” napatingin siya sa mga mata nito. There was seriousness in those eyes. Muli na namang bumaba ang tingin niya sa mga labi nito. She couldn’t help it. The desire to kiss those lips was too much. Bakit ba kasi hinalikan siya nito? Kaya tuloy nagkakaganito siya ngayon.
She felt his hands tightened around her. Itinaas niya ang ulo at muling sinalubong ang tingin nito. His head moved down to kiss her and she met his lips with hers. The kiss was gentle but she couldn’t control herself to kiss him back in a passionate way. She’d been longing for this kiss for a long time.
Napaungol ito sa ginawa niya at sinimulang palalimin ang paghalik sa kanya. Her one hand moved to his chest, feeling the beat of his heart. His hand lightly stroking her back and she shivered at the feel of heat traveling throughout her whole being.
He gently pulled back and his lips made its way to her neck. Her eyes remained closed as he kissed her racing pulse there. Tuluyan na siyang nalulunod sa sensasyon.
Nang muling bumalik ang mga labi nito sa mga labi niya ay napaungol na siya. Natauhan lang siya nang makarinig ng pagtunog ng telepono.
Napalayo siya dito. They were both breathing real hard. He stared at her and he was devouring her with that stare. Inilipat niya ang tingin sa teleponong patuloy pa rin sa pagtunog. “B-Baka importante ‘yon,” nauutal na wika niya.
Umayos siya ng upo at iniwasang muling mapatingin dito. Hindi pa rin tumitigil sa malakas na kabog ang puso niya. She could still taste him in her mouth and she was going crazy. Bakit ba siya nagpadala sa temptasyong halikan ito? Was she mad?
Napatingin siya dito nang tumayo ito at lumapit sa telepono. Sinagot nito ang tawag. “Yes… Mrs. Domingo?” anito. Ilang sandali itong nakinig sa sinasabi ng nasa kabilang linya. “Naiintindihan ko. Alam mo ba kung saan nakatira ang lalaking iyon?... Salamat,” iyon lang at tinapos na nito ang tawag pero muli itong nag-dial ng numero.
May iniutos ito sa kausap. “Find that man and squeeze something out of him.”
Nang matapos ito ay napabuntong-hininga pa ito.
“M-May nangyari ba?” nag-aalalang tanong niya.
Tumingin ito sa kanya at pilit na ngumiti. “Naglabas na ng court order para kay Mrs. Domingo. Gaganapin na ang unang trial sa susunod na linggo,” napailing pa ito. “Talagang hindi na makapaghintay ang asawa niyang mahiwalayan siya at matakasan ang lahat ng kasalanan nito.”
Tumayo siya at lumapit dito. “Maaayos rin ang lahat.”
Tumingin ito sa kanya at muli siyang inabot para yakapin ng mahigpit. Muli na naman siyang nakaramdam ng panghihina sa mga bisig nito. She hugged him back and poured all the comfort she could offer.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon