Chapter 22.3

2.6K 29 1
                                    

NAPATIGIL sa tangkang pagkatok sa connecting door ng mga kuwarto nila ni Elij si Thaddeus nang marinig ang boses ng babae.
“No, I don’t love him… I will never love him,” wika nito. Malamang ay may kausap ito sa phone nito ng mga oras na iyon.
Ibinaba niya ang kamay at tinitigan ang pintong nasa harap.
“May misyon pa akong kailangang gawin dito at iyon ang mas mahalaga sa akin,” pagpapatuloy nito.
Ikinuyom niya ang mga kamao at mariing ipinikit ang mga mata. He couldn’t bear to listen anymore. Every word she had said was slowly breaking his heart pero hindi niya alam kung bakit.
Mabilis siyang tumalikod at lumabas ng sariling kuwarto. Tumuloy siya sa ibaba at dumiretso sa sasakyan. He needed to go somewhere to calm himself.
He started the car’s engine and drove off. Mariin niyang ikinuyom ang mga kamao sa manibela. Why had he stayed like a fool for a long time? Bakit hinayaan niya pa itong manatili sa tabi niya gayong alam niya na namang iba ang pakay nito sa kanya? Gayong wala rin namang mangyayari?
Lolokohin at iiwanan rin siya ng mga tao sa bandang huli, iyon ang dapat na itinatak niya sa isipan.
Itinuon niya ang lahat ng atensiyon sa unahan. Enough was enough. Tama na ang pagiging mabait. Tama na ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga taong hindi naman nararapat. He should stop being foolish just because of that woman!

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon