LUMUNDAG ang puso ni Elij sa pagkagulat nang mabungaran ang isang nakatalikod na scarecrow sa gitna ng kuwarto ni Thaddeus. Napahawak siya sa tapat ng puso at tiningnan ng masama si Thaddeus na ngingiti-ngiting nakaupo sa kama nito. Halatang hinihintay lang siya nitong pumasok doon. Ilang araw na rin simula ng makabalik sila dito sa Manila.
“Ano na namang kalokohan iyan, Thaddeus?” tukoy niya sa scarecrow na naroroon.
“Ginawa ko ‘yan para sa’yo,” sagot nito. “Bagong kaibigan ko.”
Napabuntong-hininga siya at napailing.
“May gusto siyang sabihin sa’yo,” dugtong pa nito.
“Naku, Thaddeus, tigilan mo ako sa mga kalokohan mo,” lumapit siya sa kinaroroonan ng scarecrow. “Wala pang Halloween, kung anu-ano na ang—” napatigil siya nang makita ang nakalagay sa harapan ng scarecrow na iyon.
Tumigil din sa pagtibok ang puso niya nang mabasa ang nakasulat sa sign na nakakabit sa dibdib ng scarecrow. It says ‘will you marry me?’. Naitaklob niya ang isang kamay para mapigilan ang paghikbi sa nakitang singsing na nakasabit sa leeg ng scarecrow na iyon.
Hilam na sa luha ang mga mata niya nang mapatingin siya kay Thaddeus na lumapit sa kanya. Malawak ang pagkakangiti nito pero puno ng kaseryosohan at pagmamahal ang mga mata.
Inabot nito ang singsing na nasa leeg ng scarecrow pagkatapos ay muling humarap sa kanya at pinakatitigan siya. “I love you so much, Elij. So much that I am willing to let go of everything just to have you. Katulad ng scarecrow na ito, palagi akong tatayo at mananatili sa lugar kung nasaan ka. Palagi kitang babantayan araw at gabi. Tatakutin ko ang sinomang mang-aapi sa’yo at alam kong ganoon din ang gagawin mo para sa akin,” tumawa pa ito.
Ngumiti siya. Iyon talaga ang gagawin niya.
“Even if my life breaks into pieces, I’ll be fine as long as there’s one person who will stay with me,” pagpapatuloy nito. “Just one person. And that person should be you. Wala ng iba. Hinding-hindi na kita pakakawalang muli,” inabot nito ang kamay niya at hinawakan iyon ng mahigpit. “I love you for as long as I breathe. And I want you to be officially tied with me so you won’t be able to leave my side.”
Lumuhod ito sa harapan niya, pareho ng hilam sa luha ang mga mukha nila. “Marry me, Elij. Dalawa lang ang pagpipilian mo. Letter A, yes. Letter B, oo.”
Napatawa na siya. “May pagpipilian pa ba ako, Thaddeus? Ikaw ang boss ko, hindi ba?” niyakap niya ito ng buong higpit. “Oo. Oo, Thaddeus.”
Tumawa ito at tumayo kasama niya. Pagkatapos ay isinuot nito ang singsing na hawak sa palasingsingan niya. He cupped her still crying face. “I love you so much, sweetie.”
Tumingkayad siya at hinalikan ito sa mga labi. “I love you too,” buong pagmamahal na bulong niya.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus Arzadon
RomanceElij applied as a personal assistant/personal bodyguard of the famous lawyer - Thaddeus Arzadon. Pero hindi gaya ng inaasahang gawain ng isang assistant, iba ang pakay niya sa pagpasok sa buhay nito. She had to stay near him to know his every move...
![[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus Arzadon](https://img.wattpad.com/cover/198052992-64-k364172.jpg)