NARAMDAMAN ni Elij ang marahang pagtawa ni Thaddeus nang bumalik na sa normal ang mga paghinga nila. Bahagya niyang inilayo ang katawan dito at nangingiting pinagmasdan ang kasiyahan sa mukha nito.
Iniba nito ang posisyon nila at muli siyang inihiga sa sofa. Their bodies still joined, at hindi niya pa gustong alisin ang pag-uugnay na iyon.
Muli itong tumawa at tinitigan siya. “I’m the only one,” malawak ang pagkakangiti nito. “Sobrang saya ko, Elij,” muli nitong hinalikan ang mga labi niya, mariin at nag-aalab.
Akmang tutugunin niya na ito nang ilayo nito ang katawan sa kanya. Sinundan niya lang ito ng tingin hanggang sa makatayo ito. Hindi pa rin niya magawang igalaw ang katawan.
“Let’s move to bed, sweetie,” sabi nito at pinangko siya.
Ipinulupot niya mga braso sa leeg nito at isinubsob ang mukha sa dibdib nito. She missed his addicting scent so much.
Lumakad ito patungo sa isang pinto doon at itinulak iyon pabukas. “Oops, wrong room. Banyo pala ito,” anito.
Napangiti siya at napailing.
Muli itong tumungo sa isa pang pinto doon at itinulak din iyon pabukas. “Sadya bang dalawa ang kama dito?” tanong nito. “Ang liliit pa.”
Tiningnan niya ang kuwartong pinasukan nito. “Sa mga kapatid ko ito,” sabi niya. “Ibaba mo muna kasi ako.”
Tumawa ito pero hindi siya ibinaba. “Ang dami namang pinto dito. May dalawa pang kuwarto,” pagre-reklamo nito.
“Sa kasunod nito,” imporma niya.
Lumakad ito sa kasunod na kuwarto at binuksan iyon. “Tadah, our room,” wika pa nito.
Umapaw sa kasiyahan ang puso niya sa sinabi nito. Inilapag siya nito sa ibabaw ng kama bago sumunod sa kanya. Pumaibabaw ito sa kanya pero hindi niya inalintana ang bigat nito.
Lumukob ang matinding lungkot sa puso niya nang makita ang naiwang marka ng bala ng baril na tumama sa kanang balikat nito. At dahil iyon sa kanya.
Marahan niyang hinaplos ang markang iyon. “I’m so sorry, Thaddeus,” buong pusong paghingi niya ng tawad dito. Tumulo na ang luha sa mukha niya.
“It’s alright, sweetie,” tinitigan siya nito. “Huwag mo ng alalahanin ‘yan. Kalimutan na natin iyon.”
Patuloy pa rin siya sa paghikbi. “Bakit, Thaddeus? Bakit hindi ka nagagalit sa akin? Sa kabila ng lahat ng ginawa ko?” Nasasaktan siya tuwing maaalala ang lahat ng sakit na ipinadanas niya dito.
“Siguro dahil baliw na ako,” sagot nito at ginawaran ng halik ang noo niya. “Lahat ng mga kaibigan ko ay sinasabing baliw na ako, palagi nilang sinasabi na kalimutan na lang kita. Pero hindi ganoon kadali iyon at hindi ko alam kung bakit.”
Itinaas niya ang isang kamay at buong pagmamahal na hinaplos ang mukha nitong kakikitaan ng paghihirap.
“Pero totoo ang sinasabi nila, baliw na nga ako,” pagpapatuloy nito. “At mas lalo pa akong mawawala sa pag-iisip kapag nawala ka sa tabi ko. After you left, my life feels so empty. I’m lonely. Sobra-sobrang lungkot ko. Hindi ko na magawang maging tunay na masaya,” may mga luha na rin sa mga mata nito.
Hindi niya gustong makita itong nasasaktan at nahihirapan. Mahal na mahal niya ito.
“Noong nawala ka, mas lalong hindi ko na magawang makatulog sa gabi dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko,” dagdag nito. “At kahit may mga babaeng willing na makasama ako, ikaw pa rin ang hinahanap ko. I can’t help myself. I don’t want anyone else. Ikaw… ikaw na nagnakaw ng puso ko at itinakas iyon, gusto kong bumalik ka na sa akin. Because I still love you, I love you. I know I only love you. Mahal na mahal kita, Elij. Mahal na mahal.”
Niyakap niya ito ng mahigpit. “I’m all yours, Thaddeus,” sagot niya. “Simula pa noon hanggang ngayon, ikaw lang ang lalaking pinagkalooban ko ng lahat-lahat, ang lalaking minamahal ko ng sobra-sobra. Mahal na mahal din kita. Patawarin mo ako kung sinaktan kita.”
Muli siya nitong tiningnan at malawak na ngumiti. “You won’t be getting much sleep tonight, sweetie. Iyan ang parusa mo sa pag-iwan sa akin noon,” panunukso nito.
Ginantihan niya ang ngiti nito at siya na ang unang humalik sa mga labi nito. Sanay na siyang hindi makatulog ng ayos kapag kasama ito.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus Arzadon
RomanceElij applied as a personal assistant/personal bodyguard of the famous lawyer - Thaddeus Arzadon. Pero hindi gaya ng inaasahang gawain ng isang assistant, iba ang pakay niya sa pagpasok sa buhay nito. She had to stay near him to know his every move...