“MAY misyon pa ako, Rachel,” pagpapatuloy ni Elij, hindi niya na napigilan ang pagdaloy ng mga luha sa mukha niya. “Hindi ko siya maaaring mahalin,” pumiyok na siya. “Iyon ang patuloy kong itinatatak sa isipan ko.”
“Pero anong nangyari, Elij?” tanong ni Rachel sa kabilang linya. “Iyon ba ang nararamdaman mo ngayon?”
Natigilan siya. Hinanap niya ang kasagutan sa kaibuturan ng puso niya. “H-Hindi…” pag-amin niya dito. “Kahit… kahit ilang ulit ko mang itatak ang mga bagay na iyon sa isipan ko, talo pa rin ako. Mahal ko siya. Mahal na mahal ko na siya.” Those words are the words she kept on denying to herself… until now.
Hindi siya nakarinig ng sagot mula dito. Siguro ay nagulat din ito sa ipinagtapat niya.
Napahikbi siya. “It’s so hard,” pagpapatuloy niya. “Kaaway ko dapat siya pero ang nangyari ay tuluyan na akong nahulog sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Ang tanging alam ko lang ay ayaw ko ng mawalay sa kanya, na ayokong nakikitang nasasaktan siya at palagi ko siyang gustong protektahan.”
“A-Ano ng mangyayari ngayon, Elij?” tanong ni Rachel, nasa tono na nito ang pag-aalala.
“Hindi ko alam, Rachel,” sagot niya. “Pero… siguro naman… siguro naman papayagan ako ni Anthony na… na bayaran na lang ng pera ang utang sa kanya ng ama ko. Ayoko ng lokohin si Thaddeus. Hindi ko na kaya.”
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. “Sana nga, Elij. Sana nga mapagbigyan ka ni Anthony,” anito. “Kaibigan kita at ayokong mawalan na naman ng itinuturing kong kaibigan. Kung tutuusin, hindi ka naman talaga dapat napasama sa mga taong sumusunod kay Anthony. Napilitan ka lang.”
“Salamat, Rachel,” pinunasan niya ang mga luha. Pagkatapos magpaalam dito ay muli siyang nagpatuloy sa pag-iyak ng mag-isa. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng kaginhawan sa ginawang pag-amin ng tunay na nararamdaman dito.
Pero bakit nga ba? Bakit tuluyan na siyang nahulog sa lalaking iyon?
It was her fault. Dahil hinayaan niya ang sariling patuloy na manatili sa tabi nito at papasukin ito sa buhay niya. It was like she had played in the forest too long, catching butterflies and running with them. And she didn’t notice how deep she had gone. Now, she couldn’t even see the trail and was completely lost. Lost. Yes, she was lost – lost in his eyes, lost in his smile, lost in his warmth, lost in his kisses.
She was in love with that man and she could do nothing to stop herself.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus Arzadon
RomanceElij applied as a personal assistant/personal bodyguard of the famous lawyer - Thaddeus Arzadon. Pero hindi gaya ng inaasahang gawain ng isang assistant, iba ang pakay niya sa pagpasok sa buhay nito. She had to stay near him to know his every move...