NAKATINGIN lamang si Elij kay Thaddeus habang patuloy pa rin ito sa pagkain ng pizza na para bang hindi ito ang umubos ng kalahating box niyon kanina. Siya ay nakaka-dalawang slice pa lang pero pakiramdam niya ay busog na siya.
"Ang takaw mo talaga," naiiling na puna niya dito.
"Mmm?" humarap ito sa kanya, puno pa rin ang bibig nito kaya hindi nito magawang makapag-salita.
Bumuntong-hininga na lang siya at sumandal sa sofang kinauupuan. Nasa loob sila ng firm nito sa Makati dahil dito sila dumiretso pagkagaling nila sa korte pagkatapos ng pagkapanalo nito sa isang trial ng kasong hinawakan nito. May aasikasuhin pa daw kasi ito. Nagpa-deliver na lang ito ng dalawang boxes ng pizza na ito lang naman ang siguradong uubos.
"Bakit hindi ka na kumakain?" tanong nito. Umisod pa ito palapit sa kanya.
"Ayoko na, busog na ako," sagot niya.
Tumango-tango ito. "Kailan ka ulit bibisita sa pamilya mo?"
Tumingin siya dito. "Kailan ba ako puwede?"
Ngumiti ito at nagkibit-balikat. "Bahala ka, basta babalik ka agad."
Napangiti na lang din siya.
Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa kanila habang patuloy lang ito sa pagkain. Ipinatong niya ang ulo sa headrest ng settee at pumikit. Pagkain lang pala ang magpapatahimik dito.
"May itatanong ako sa'yo," narinig niyang wika nito.
Nagmulat siya at tumingin dito.
"Ano sa tingin mo ang mas mahirap? Having a broken heart or breaking someone else's heart?" tanong nito na ikinagulat niya. Bakit naman ito nagtatanong ng ganoon? Nako-konsensiya na ba ito sa mga pusong winasak nito?
Ilang saglit siyang nag-isip ng maisasagot dito. Simple lang ang tanong na iyon pero mahirap sagutin. "I really don't know," tugon niya. "Ayokong masaktan pero ayoko rin namang manakit ng tao. Siguro sa'yo madali lang manakit ng puso ng mga babae. You're a heartbreaker and the best one sa lahat ng kilala ko."
"Hindi naman," lumabi pa ito na parang nagtatampong bata. "Hindi ko naman intensiyon manakit ng damdamin ng babae. It's just that, sa dami nila hindi ko na alam kung sino ang dapat kong seryosohin."
"Iyon na nga ang problema, eh. Ang dami nila," unti-unti na naman siyang nakakaramdam ng inis. Nagpapalusot pa ito, tunay naman na matinik na heartbreaker ito. Hindi ba at society ng mga babaero ang kinabibilangan nito? Sapat ng ebidensiya iyon.
Bumuntong-hininga ito. "Sila naman ang lumalapit sa akin," patuloy na pagdadahilan nito. "Hindi ko lang matanggihan."
Tiningnan niya ito ng masama. "Kayo talagang mga lalaki, pare-pareho ang dahilan."
Ngumiti ito at muling humarap sa kanya. "So, mas maganda ang ikaw ang nasasaktan, ganoon ba? Para hindi ka makapanakit ng iba?"
Bahagya siyang natigilan. "Mahirap din naman ang masaktan pero... minsan... kailangan. Sigurado namang may kapalit din lahat ng sakit na iyon sa bandang huli. Siguro kapag nasaktan ka ng isang tao, ibig sabihin hindi talaga siya para sa'yo. Ganoon siguro 'yon." Hindi niya alam. Wala pa siyang karanasan sa mga heartbreaks na iyon. 'Yong tungkol kay Matthew, sa tingin niya ay nasaktan lang siya sa rejection.
Tumango-tango ito habang nakatitig sa kanya.
Ngumiti siya. "Hindi ko talaga alam. Wala pa naman akong karanasan sa mga bagay na iyan kaya-" naputol ang sinasabi niya nang bigla itong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa mga labi.
Nagulat siya sa ginawa nito at sa biglaang pagwawala ng puso niya. She just blankly stared at him and saw his lips twisted in a smile. Pinilit niyang hakutin ang natitirang katinuan ng pag-iisip at puno ng paghihimagsik na tiningnan ito.
"Bakit mo ginawa 'yon?!" pinagpapalo niya ito sa dibdib nito. Damn, bakit hindi pa rin tumitigil ang mabilis na pagtibok ng puso niya?! Nabibingi na siya! "Maniyak ka! Maniyak! Maniyak!" dito niya ibinunton ang matinding inis sa sarili.
"Aray!" Hinuli nito ang mga kamay niya at pinatigil siya sa pananakit dito. "Nahulog na 'yong pizza ko. Sayang naman."
Tiningnan niya ang slice ng pizza na nasa sahig at matalim ang tinging bumaling dito. "Wala akong pakialam sa pizza mo!" nagpumiglas siya sa pagkakahawak nito. "Maniyak ka talaga! Bitawan mo ako!"
Tumawa ito. "Ayoko nga. Huwag ka ng magalit. I just want to taste your lips, masama ba 'yon?"
Kung nakamamatay lang ang tingin ay kanina pa itong nasa morgue. "Taste?" marahas na ulit niya. "Anong akala mo sa mga labi ko? Pagkain?" muli siyang nagpumiglas. "Pakawalan mo ako! Idedemanda na talaga kita ng sexual harassment!"
Itinulak niya ito palayo, isang pagkakamali dahil napahiga ito sa sofa kasabay siya. Bumagsak siya sa ibabaw nito. Her heart went crazier in her chest as her face leveled with his. Binitiwan nito ang mga kamay niya para lang yakapin siya ng mahigpit sa baywang.
"I can be your lawyer," he teased, his warm breath fanning on her face. It still had the smell of pizza and she felt this urge to taste his lips.
Pinigilan niya ang kaisipang iyon at nagpumilit na kumawala dito. "Sisigaw talaga ako kapag hindi mo ako pinakawalan," banta niya.
"Walang makakarinig sa'yo, break time ng mga empleyado dito," ngumisi pa ito.
Nagmamakaawa siyang tumingin dito. "Sige na naman, Thaddeus, pakawalan mo na ako." Sasabog na ang puso ko, ano ba?!
Tumawa ito ng malakas pero bahagyang niluwagan ang pagkakayakap sa kanya. Mabilis siyang lumayo dito at tumayo. Nanatili lang itong nakahiga sa sofa.
Naiinis siyang napabuntong-hininga. "Doon na ako sa labas, baka kung ano pang magawa mo sa akin kapag nanatili pa ako dito," sabi niya at nagmamadaling lumabas ng opisina nito. Dito na muna siya sa labas at pipiliting kalmahin ang sarili. Bakit ba ganito na ang nagiging reaksiyon niya sa lalaking iyon? Hindi na ito tama.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus Arzadon
RomanceElij applied as a personal assistant/personal bodyguard of the famous lawyer - Thaddeus Arzadon. Pero hindi gaya ng inaasahang gawain ng isang assistant, iba ang pakay niya sa pagpasok sa buhay nito. She had to stay near him to know his every move...