Diana's POVUnang umaga palang bilang mag-asawa, pero parang malagutan na kaagad ako ng hininga. May balak ba siyang patayin ang asawa niya? Binalutan niya lang naman ako ng dalawang makapal na kumot habang yakap-yakap pa ako hanggang umaga. Seriously? Pinatay pa niya ang aircon dahil sa pinakabobong excuse ko kagabi. Kakainin niya dapat ako kagabi pero sinabihan ko siya na nilalamig ako, kaya eto yung nangyari; pinatay niya ang lahat ng pampalamig dito, sinuotan pa ako jacket at binalot sa dalawang makapal na kumot at niyakap. Pero ang totoo niyan, hindi naman ako nilalamig!! Sinabi ko lang yun para hindi niya ako kainin kase hindi pa ako handa eh! Sana pala nagpakain na lang ako. Hindi pa ako nakatulog hanggang ngayon kase naman parang nasa impiyerno ang lagay ko sa sobrang init.
"Mahal..." Panggigising ko dito na parang sasabog na. Nakaipit kase ang dalawa kong kamay sa loob ng kumot eh. Hindi ko siya matapik man lang. Hay. Para akong turon sa ginagawa niya.
"Franki! Ano ba!? Gumising ka na nga!" Medyo malakas na pagkasabi ko. Kung hindi ka magigising, hindi mo maaabutang buhay ang asawa mo! Gusto mo ba yun!? Kase sila hindi eh.
"Franki?"
"Mrs. Mackey?"
"Frances Margaret Russell Mackey?!!!" Sigaw ko na sa kaniya. Parang hindi natitinag sa mga tawag ko eh. Kaya idaan nalang sa santong sigawan. With love. Hindi naman lahat ng sumisigaw ay galit. Diba?
"Whaat? Ang aga pa kaya, Mahal." Sabi nito na bumangon pa talaga pero bumalik ulit. Hay wala na talaga. Makikita ko pa kaya ang mga bituin mamayang gabi? Malapit na ako eh. Malapit na akong malagutan ng hininga.
"Franki, hindi ako makakagalaw sa pinanggagawa mo sakin."
"Wala naman akong ibang ginagawa maliban sa mahalin ka."
Ay. Lagot na. Nagbanat na siya. Ang aga niyang magpakilig. Alam niyo ang sarap sa feeling pero gusto ko naaaaang gumalaaaaaw eh!
"Franki, maawa ka sa akin. Tama na ang yakap please? Atsaka kunin mo na tong dalawang kumot na pinaroll mo sa katawan ko!" Medyo mangingiyak ko nang sabi dito. Parang wala siyang plano.
"Basta idedate mo ako mamaya?"
"Kahit hindi mo sabihin, idedate naman talaga kita mamaya."
"Anong klaseng date? Magbabalut tayo? Like magfofoodtrip? Magtatravel? Spending alone time together? Shopping? Or ipagluluto mo ako?" Excited na tanong nito sa akin na umupo pa. Kita mo lang, lahat nalang pinangalanan. Kung kinuha niya na itong kumot kaysa magtanong dyan. Sigurado araw-araw pa kami magdedate.
"Ipagluluto nalang kita. Kase kakatapos lang ng kasal natin kahapon kaya pagod ako hanggang ngayon." Sagot ko dito. Atsaka hindi pa ako nakatulog sa ginawa mo ah? Babawi nalang ako sa ibang araw.
Ngumiti lang ito at kinukuha na nga ang nakabalot sa akin. Sa wakas ay giginhawa na rin ang buhay ko.
"Ipagluluto mo ako ng something simpleng special.""Kumusta na kaya ang nangyari kagabi?" Biglang tanong ni Mama nang makababa ako sa room namin ni Franki na inupahan naming hotel para sa kasal. Hindi ako ang tinatanong niya kundi si Mommy Arlene. Alam kong pinariringgan niya ako dahil nakangisi ito. Magkatabing nakaupo ang dalawa habang nagkakape at nagkakachismisan dito sa lounge.
"Sa tingin ko napagod yung isa kase isa lang ang bumaba eh." Seryosong tugon naman nung isa.
"Sa tingin mo nakailang rounds sila?"
YOU ARE READING
Our Endless Story
FanfictionSequel to MY FAVORITE YOU (Read My Favorite You on Dreame first.) "Once upon a time they lived happily ever after straight away from the start and there is no end to that story"