Magkasunod kami ni Franki na lumabas ng banyo. Siya ang unang lumabas and then, ako. Parang may iba akong nararamdaman ngayon. I feel like I'm satisfied. Isinuko ko na kase ang sarili ko sa kaniya. Ang unfair ko dahil ngayon lang. Kahit sa kaniya noon pa. Kahit hindi pa kami kasal. Ganun katindi ang pagtitiwala niya sa akin.Pero bigla kaming nagulat ni Franki nang may makita kaming nakangisi at nakaupo sa couch habang nagbabasa ng isang baliktad na magazine.
"Mom, what are you doing here!?" Gulantang na tanong ni Franki dito habang napayakap pa sa sarili niya. Pareho kase kaming tuwalya lang ang nakabalot sa aming katawan eh. Nakatapis.
Maygahd. Sigurado. Hindi magkatugma ang iniisip niya sa binabasa niyang magazine ngayon. Alam niyang nanggaling kami sa? Sa alam niyo na! Nakakahiya.
"Tatawagin ko sana kayong dalawa para sumabay sa amin na maghapunan sa baba, pero wala akong nadatnan kahit isa sa inyo dito. Kaya napagdesisyonan ko nalang na maghintay habang nagbabasa. At sa wakas, natapos na din kayo." Sagot nito na parang pinipigilan ang sarili na ngumiti. Gusto ko nang magpakain sa lupa dahil hindi makapal ang mukha kong magpakita sa kaniya ng matagal. Gagawa na talaga kami ng sarili naming bahay. Ay hindi. May sarili na pala akong bahay sa Pilipinas.
"Mommy! Lumabas ka muna! Magbibihis pa kami!" Utos ni Franki dito habang marahan na tinutulak palabas ang kaniyang ina. Jusko. It is supposed to be private. Pero may nakaalam na. Huhu. Saklap ng buhay. Kahit kasal na kami, nakakahiya pa rin naman.
Nang tuluyan nang pinalabas ni Franki ang kaniyang ina ay siya namang pag lock nito sa pinto. Hindi pala ito nakalock kanina maygahd. We need to be careful next time para hindi na maulit ang nakakahiyang pangyayari na yun. Parang nakahinga na ako ng maluwag but still, nakaukit na iyon sa utak ni Mommy Arlene.
"Magbihis na tayo, Mahal. Dahil hinihintay na nila tayo sa baba." Sabi nito na binibigyan ako ng isang awkward na ngiti. Ang awkward naman kase talaga. Kaya tumango nalang ako at sumunod kase hindi na ako makakapagsalita dahil sa kaganapan kanina.
Parang ayoko ng tumuloy sa mesa dahil nakangiti na naman si Mommy Arlene, at si Mama naman parang mangangain ang mukha sa amin. Problema ng dalawang to? Hindi magkasundo ang facial expression ah? Alam ko dahilan sa likod ng pagngiti ni Mommy, pero kay Mama? Ay ewan ko sa matandang yan. Hindi ko naman kase alam ang takbo ng utak niyan eh.
"Kayong dalawa, bakit sobrang tagal niyong bumaba?" Paunang tanong ni Mama sa amin nang makaupo na kami dito. At si Mama ang nasa harapan ko.
Alam ko na pala kung bakit mangangain ang mukha nito. Nainip pala sa kakahintay sa amin. Sorry naman.
Sasagot na sana ako sa kaniya nang biglang nagsalita si Mommy.
"Alam mo mare! May ginagawa pa ang dalawa kanina eh."
Ow? Em? En? O? P? Magsinungaling ka din minsan, Mommy.
"Hehe. May pinaplantsa pa ako kanina, Ma." Biglang sagot ni Franki dito para hindi na makasagot ang kaniyang ina. Hay buhay na para kaming pinapatay.
"Bakit? Eh? Nakaplantsa na yun bago ideliver sa inyo ang damit niyo ah?"
Sobrang imbestigador naman ng ina kong ito. Makakalusot pa kaya ang asawa ko?
"Mare! Hindi lang ang damit ang pwedeng plantsahin. Marami din noh, katulad nalang ng--"
"Ng buhok ko!" Putol ko naman kay Mommy. Dahil alam ko na sasabihin niya ito kay Mama. Tapos kapag nalaman naman ng isa, alam kong ngingisi din yan. Edi, pareho na sila nakangisi nun.
"Bakit mo naman pinaplantsa ang buhok mo, Diana? Eh mas straight pa sayo yun."
Anong isasagot ko dito?
"Mare, puro ka tanong. Kung sumunod ka kanina sa akin edi alam mo din ang nalaman ko. Sayang."
Napasubo nalang ako ng kahit anong pagkain dito sa mesa dahil kinakabahan ako. Sasabihin talaga ni Mommy eh. Hindi namin siya mapipigilan.
"Bakit? Ano ba ang nalaman mo?" Pagtataka ni Mama.
"Yung formula ng arithmetic sequence!" Agad namang sagot ni Franki. Maygahd. Patay na. Ano ba tong sinasabi ng asawa ko? Wala namang formula ang arithmetic sequence Mahal eh.
"Nge? Yun lang? Ang tanda mo na pero hindi mo pa alam ang formula nun?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mama kay Mommy. Ay? Lagot din ang isang ito eh. Walaaaaaaa ngaaaaaang formulaaaaaaaaa!
"Huwag mo ngang pansinin ang sinabi ng anak ko kase si Diana ang kinakausap niyan eh. At wag mo ding pansinin ang dalawa para malalaman mo na ang nalalaman ko."
Oh. No.
Kinakabahan na ako.
Kung sasabihin niya, sana naman wala ng dagdag pa.
"Sige. So? Ano ba yung nalaman mo?" Tanong nito kay Mommy.
Eto na.
Paparating na ang rebelasyon niya.
And hindi kami ready ng asawa ko.
"Hehe? Nalaman ko lang kase kanina na pwedeng magkatuluyan ang manok at ang pagong."
Sabay kaming nagpakawala ng hininga ni Franki nang hindi niya sinabi ang totoo. Alam niyo kung bakit? Kase tinignan ni Franki ng masama ang kaniyang ina. Hahaha.
"Ha? Posible ba yun?!" Gulat na tanong ni Mama na humarap pa mismo kay Mommy.
"Syempre naman! Because love knows no specific animals."
Ha?
Huh?
Ano daw?
"Hehehe! What I mean is, love knows no boundaries." Kamot sa ulong pagtatama ni Mommy dito.
"At hindi din natin mapipigilan ang pagmamahalan ng mga hayop sa isa't isa." Dagdag pa niya para masuportahan ang kaniyang statement."At saan mo naman nalaman yan?"
"Sa Facebook. Bakit ba?"
"Nagfefacebook ka!?"
"Oo. Nagcacandy crush pa nga eh. Nag sosoda crush din. Plants vs. zombies, resident evil, nagpapiano tiles, pou--"
"Yung tae!?"
"Yung tae nga! Na may mata. Na naglalaro pa ng football! Tapos kumakin din!"
Ehemm. Excuse me sa dalawang ito. Kumakain kami ni Franki dito eh.
"Pero sa plants vs. zombies, nakasurvival kana?"
"Eh??? Hindi pa eh. Bakit ba?"
"Ay ang hina mo naman Mare! Nakailang survival na ako doon eh!"
Hala? Hindi ko yan alam Ma ah?
"Eh sa Candy crush? Anong level kana?" Tanong naman ni Mommy dito. At sa tingin ko, magyayabang din to eh.
"24 palang. Ikaw?" Sagot naman ni Mama.
"Mas sobrang hina ka, mare! Ako nga, 1,124 na eh!"
Wala bang balak kumain ang dalawang ito? Nagkukwentuhan nalang eh!
"Eh? Yung cooking tycoon? Nabili mo na ba lahat ng restaurant doon?"
At nagkwentuhan na lang ang dalawang matanda. At kami naman ng asawa ko ay unti-unting inuubos ang pagkain dito sa mesa. Pareho kaming nagutom sa kaninang activity eh. Hahaha!
YOU ARE READING
Our Endless Story
FanfictionSequel to MY FAVORITE YOU (Read My Favorite You on Dreame first.) "Once upon a time they lived happily ever after straight away from the start and there is no end to that story"