XLVI

573 38 8
                                    

Diana's POV

Agad itong napatingin sa mga bata after kong sabihin sa kaniya yun. I've been searching for her pero dito ko lang naman pala siya matatagpuan. Franci is right.  Nandito ang kaniyang ina.

"So, tapos na pala ang role ko niyan." Ngiting sabi nito na hindi man lang umabot sa kaniyang mga mata. Hindi niya alam na sa kaniya na ako nakatingin.

Kaylanman, hindi natatapos ang role mo sa buhay ko. Maybe, ang pagiging Hannah Robles. Kung babalik ka.

"Ayokong maging kontrabida sa kwento niyo but, nalulungkot ako." At tumawa ito ng mapakla. "Yes. Endings are really beautiful lalo na kapag happy ending. But. There is no real ending. It’s just the place where you stop the story. It's just the time where you are no longer included on it. Siguro, hanggang dito lang ang role ko sa kwento niyo. Sa buhay mo."

Kahit anong gusto kong sabihin na siya si Franki, pero alam kong idedeny lang naman niya yun ng paulit-ulit. Maybe, hahayaan ko nalang siya na alamin ang kaniyang tunay na pagkatao. And besides, I already promised na hindi ko na siya guguluhin at kukulitin ulit as my wife. I will playing dumb towards her hanggang sa siya na mismo ang babalik sa akin. Tutal, siya naman yung umalis eh.

"I guessed, mapaaga ang uwi niyo pabalik." Patuloy pa rin nito na hindi na maitatago ang lungkot sa kaniyang boses.

"No. It's still on Saturday pa rin." Sagot ko sa kaniya. Dahil gusto ko pa siyang batiin sa araw ng pag-alis namin na iyon.

"Why? Hindi ka ba excited na makita siya ulit? Hindi ka ba masaya, na sa wakas, makapili--"

"Hindi na. Because I know, I'm just only a stranger to her. Paano ka sasaya niyan kung ang taong pinakamamahal mo, hindi ka na kilala?" Putol ko sa sasabihin niya. "It's been four years. Alam kong hindi na niya ako kilala, because if she do, babalik yun." At hindi ko napigilan ang mga luha ko na kanina pa nagbabadyang huhulog.


At wala nang mas may ikakasakit pa na kasama ko siya ngayon. She's pretending to be my wife where in fact, she's really my wife. Bakit ba hindi nalang niya tanggapin yun? Bakit pinili pa niya ang maging Hannah Robles kaysa pagiging Franki Russell?

"My body and heart weren't made for this. I'm tired of being tired and I'm tired of being sad. Isama mo pa yung maraming disappointments at heartbreaks, because of her. Siguro, panahon na rin para makipaghiwalay ako sa kaniya." Biro ko dito na seryoso ang mukha. Para naman makatotohanan. Baka kase may epekto sa kaniya.

"What!? Seryoso ka talaga sa break up thingy na yan? Dahil ba sa nililigawan mo? Na Gazini ang pangalan?"

"No. Hindi ko yun nililigawan dahil ex ko na yun. And I can't love two woman at the same time. Sobrang napakaselosa ng asawa ko kahit loyal naman ako."

"Wait? Ex mo na pala yun eh! Pero bakit babe ang tawag niya sayo!?"

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Mas binigyan pa niya ng pansin ang ganon kaysa pagdadrama ko dito. Really Franki? Triggered ka talaga sa babe?

"Bakit ba ganyan ka makareact?" Pagtataka ko dito. Gusto ko lang na umamin siya.

"Eh? Iniisip ko lang ang nasa side ng asawa mo."

Iniisip? O nafifeel?

"Dahil kung ako siya, magseselos talaga ako." Bulong nito na siyang nagpangiti sa akin. Syempre, nasa dugo mo na yan. Pero hindi mo man lang inisip ang side ng asawa ko nang hinalikan kita, at ninakawan ako ng halik? What a scam.

"So sagutin mo na ako, bakit babe tawag niya sayo?" Pangungulit pa nito.

"Hindi ko alam. Ewan ko sa kaniya." Pagkikibit balikat ko.



Pero hindi na siya nakatingin sa akin kundi sa aking likuran. Nakakapagtaka kung bakit kunot-noo siyang nakatingin doon.

"Hannah! Hindi ko akalain na sa isang araw ko palang dito, nahanap na agad kita!"

Isang boses ng lalaki ang narinig ko habang papalapit dito sa amin. Hindi ko na inaksayan pa ng oras para lingunin. Sa kaniya lang ako nakatingin samantala ang kaniyang mga mata nandoon. And suddenly, a smile form on her lips. Para akong nanlamig.

Dali-dali itong tumayo para salubongin ang boses na iyon. Tutal, sanay naman akong masaktan ay tumayo na rin ako, at pumunta sa kinaroroonan ng dalawang bata. Hindi ko na magawang tignan siya, dahil baka hindi na makayanan ng puso ko ang sakit, at mamatay na lang. Bigla.

"Diya! You will join us?"


Hindi ko na pinansin ang lalaki kong anak at sa papalubog na araw na ako tumingin. I have rights on her, pero bakit ako lumayo? Bakit hindi ko siya ipaglaban? Siguro, ayoko lang magmukhang baliw doon, asawa ko na mismo ang hindi nakakilala sa akin.

"Mommy is hugging someone."

Tuluyan lang akong napatulala sa kawalan kasunod ang pagwala ng araw. Parang nandilim talaga ang mundo ko ng literal.

Wala na bang karapatan na pagbigyan ang hiling ng puso?
Wala naman itong ibang hiling kundi hindi na makaramdam ng sakit.



"Let's go home." Sabi ko sa kanila nang matapos ko tawagan si Franki, na hindi man lang niya sinagot. Sobrang lakas ng impact ng taong yon sa kaniya, nakalimutan ako. Hindi nga narinig na nag-ring ang phone.


"We're going home?"


"As in home?"


"Yes."


Sorry. I can't make it until Saturday. I can't greet you, Mahal.








Pero hindi ko mapigilan ang magtanong sa kambal kung


"Ano ang mukha ng lalaki na kayakap ng mommy niyo?"


Pero tanong lang ang narinig ko, "What answer do you want, Diya? A honest one, or not?"




"Of course, the honest one, Franci." Sagot ko.




"Okay. He is handsome."


Doon lang ako napabuntong hininga. Edi ouch.


___________________________________

A/N. Few chapters to goooo
Btw, pasensya talaga di ko nakasama si phone ng two days.
Try ko ulit mag-update mamaya. Try lang ah?😂

Our Endless Story Where stories live. Discover now