XXXVII

588 41 31
                                    


Sumunod naman ako sa sinabi niyang pumasok. Pagkarating ko sa loob ay agad kong inilapag ang mga pagkaing dala ko sa ibabaw ng mesa.
Pumunta agad ako sa dalawang bata para tanungin kung ano ang pangalan ng Diya nila. Baka kase ma hoy hoy ko naman siya ulit.


"Anong pangalan ng Diya niyo?" At umupo sa kanilang tabi. Nakakapagtaka lang na hindi pa pumasok ang taong iyon.



"Love, Mii." Sagot ni Marxighd sa akin habang nakatingin sa pinto.



"Short for Lovely?" Tanong ko ulit. Gusto ko lang makasigurado, at baka mali ang dinig ko. At para walang malisya kapag tinawag ko siyang love.



"Ye-ah." This time si Franci naman ang sumagot habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Hindi niya yata matanggap na abnormal siya. Eh kasi naman, hindi naman talaga siya abnormal.




So, Love pala ang pangalan niya pero parang walang pagmamahal sa anak? Anyway, wala namang connect ang pangalan sa ugali eh.


"Kumain na ba kayo?" Patuloy ko pa rin na pagtanong. As their fake Mom, I'm just concerned.


"Nope."



Anoooooooo!?

Hindi pa!!?



"Tara sa kusina." Anyaya ko sa kanila at sumunod naman. Inihanda ko ang mga dinala ko na pagkain na niluto niya kanina. Hindi ko kasi naubos dahil ako lang mag-isa tapos ang dami pa.



"Did Diya sleep at your house last night?" Biglang tanong ng anak niyang lalaki sa akin na bahagyang nakangiti.


"Yup." Ikling sagot ko dito habang pinagsasandok sila ng pagkain. Tumahan na si Franci sa pag-iyak because you can't cry and eat at the same time. Masyado siyang nagutom.


"Tell me what happened, please?"



Anong sasabihin ko eh wala namang nangya-- may nangyari pala. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nahalikan ako ng Diya nila sa labi dahil rated spg yun. Bawal.



"Wala namang nangyari maliban sa natulog lang siya." Pagsisinungaling ko. "Kumain ka na dahil mamamasyal pa tayong tatlo mamaya."






"Ano? Hindi ako kasama?" Bahagya akong nagulat nang biglang nagsalita ang kanilang Diya. Nandito na pala siya at may mga dalang pagkain din!? Aanhin ng mga anak niya sa pagkain yan!? Ang dami.



"Hindi. Dahil hindi mo man lang pinakain ang mga bata." Sagot ko habang tinitignan siya ng masama. Inaway niya nga ang isa, tapos hindi pa pinakain. Sobrang sama talaga.




"At may kasalanan ka pa sa isa." Dagdag ko habang nakacross arms.




Pero hindi man lang niya ako pinansin dahil umupo na ito at nagsimula ng kumain. Kaya naman lalo akong nakaramdam ng inis at galit sa kaniya.




"Wala ka man lang bang sasabihin, Love!!?!" Sigaw ko sa kaniya dahilan ng pagsamid nito. Pero agad namang nahimasmasan dahil sa pesteng tubig na iyan. At medyo dumilim ang paningin ko nang ngumiti pa ito sa akin. Langya. Siya yata ang abnormal eh.





"Ha-huh?" Pigil na ngiting tanong nito. Pero bago pa ako sumagot ay tumayo na ito papunta sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw at hindi ko din alam kung bakit bumabagal ang ikot ng mundo. May gusto akong sabihin, pero hindi ko magawang ibuka ang aking bibig.




"Anong sinabi mo?" Tanong ulit nito pero seryoso na ang mukha. Napaatras ako dahil sobrang lapit na nito sa akin. Wala ba siyang balak tumigil? Dahil wala na akong maatrasan. Nakasandal na yata ako sa pader?




"Say it again." Utos nito na dahan-dahang hinawakan ang kaliwa kong pisnge. Sobrang lapit na nang mukha namin sa isa't isa. At ito ang dahilan na wala akong lakas na itulak siya papalayo. Sabayan pa na parang hindi ako makahinga.





"Love. . . What are you doing?" I managed to asked kahit na ganito ang sitwasyon namin. She's the only one who can break this dahil wala akong lakas na igalaw kahit ang aking mga kamay.




"That word. That magic word." Sabi nito na sa labi ko na nakatingin. Hindi ko siya maintindihan. Hindi ba niya ako narinig?






"Love." Naging sambit ko nalang sa kaniyang pangalan bago niya angkinin ang aking labi. A soft and tender kiss for the second time around. I didn't respond immediately because I was froze at a moment. But hindi nagtagal ay tinugunan ko ito. I kissed her back dahil hindi ko din mapigilan. Nabablanko ang utak ko na hindi na makapag-isip ng matino. Kung tama ba. I even pull her closer to me. As if na parang walang mali. Na hindi na bago. Na parang kilalang-kilala ko siya.




Lalong lumalalim ang halik nito na siyang tuluyang nagpaubos ng aking lakas. At ito din ang dahilan ng lalong pag-init ng aking katawan. This is not against me, sobrang pabor pa nga ito.
Bumaba na ang kaniyang halik sa aking leeg nang biglang may nahulog na kutsara? Bigla kaming napabalik sa realidad na may mga bata pala! Agad itong napalayo sa akin at tumingin sa dalawa na nakapikit pero nakaharap sa amin!?





Maygahd!!
Lagot na.



Alam kong nakita talaga nila.




"I'm sorry. Nawala ako sa kontrol."

Napabaling ako sa kaniya when she said those. Hindi ako makapagsalita dahil loading pa rin ako sa kaganapan. Pero hindi na niya hinintay ang sasabihin ko at lumabas na ito. At naiwan naman ako habang yakap-yakap ang kahihiyan sa dalawang bata.



"Mii, are you okay?" Franci asks out of nowhere na siyang nagpagising sa aking diwa. Parang wala akong mukha na iharap sa dalawa. Hindi nga ako makatingin sa kanila.



"Ah, o-oo!" Utal na sagot ko sa kaniya. At ngayon lang ako tinamaan ng ganitong kaba.
I'm really sorry. Sa totoong ina niyo. Hindi ko naman kase nakontrol.




Kinuha ko na ang gamit ko dahil ayokong manatili pa dito. Agad akong naglakad papalabas kahit na tinatawag pa ako ni Marxighd. I'm sorry din. Sa ibang araw nalang kapag naka move on na ako sa kaganapan kanina.



Aakma ko sanang buksan ang pinto pero bigla itong bumukas. And there, ang Diya nila. Urghhh. Bakit nagkasabay pa!? I stepped back para bigyan siya ng daan papasok pero wala yatang balak. Ano naman ba problema nito!?







"Hindi kita papayagang umalis, hangga't hindi pa kayo namamasyal na tatlo."


Our Endless Story Where stories live. Discover now