XXIV

597 40 20
                                    

When Ate Soph told us everything, hindi ko alam kung ano ang pwede kong maramdaman. If buhay nga si Franki, bakit hindi na siya bumalik? Bakit hindi na siya nagpakita? It's been four years, sobrang matagal na panahon na yon, but still, there's no Franki showing in my eyes. Akala ko ba alam niya ang daan pauwi sa akin? Diba sinabi niya yon bago niya kami iwan? Siguro, patay na nga? Pero bakit walang record na Franki Russell sa isang plane na bumagsak? Ay, mababaliw na ako sa kakaisip. At syempre sa kakahanap na din sa kaniya. Dahil nang sinabi yun ni Ate Soph, wala akong araw na pinalampas sa paghahanap sa kaniya. Nilibot ko na ang buong New Zealand pero wala akong makita, kahit anino niya man lang. Nagtatago ba siya sa akin?




O wala na talaga siya?








"Why didn't give yourself a break? Wala ka na ngang oras sa mga anak mo. At isa pa, Soph is also searching for Franki."






"But Ma, hindi ako mapalagay kung wala akong ginagawa. Atsaka mahigit apat na taon na siyang naghahanap kay Franki pero--"






"Pero wala pa rin? Baka wala na talaga. Palagi akong tinatanong ng mga apo ko kung bakit palaging wala ang Diya nila. At paulit-ulit din ang sagot ko na 'hinahanap niya ang Mommy niyo'. And you know what, Franci assumes na hindi mo na daw sila mahal. At gabi-gabi yun umiiyak looking for her Diya when you stayed more than a month doon sa New Zealand, searching for your wife. At ngayon na nakabalik kana, parang ganon pa rin."






I just sighed dahil alam ko ang pinupunto ni Mama. Bakit hindi ko nalang ipapaubaya sa kanila ang paghahanap kay Franki? Para bigyan ko naman ng oras ang dalawang bata. But she says na wala talaga, hindi ako maniniwala hangga't hindi ko pa siya nakikita. There is still a chance, kahit parang wala na.







"Hindi mo ba nahalata, hindi ka na nila kinukulit. Gusto mo bang lumayo ang loob nila sayo? Ng tuluyan?"
Dagdag pa ni Mama habang nakapamewang na. Nahalata ko yun, pareho silang tahimik when I enter their room every night. Yeah. Kada gabi lang because I was busy. At nahalata ko din ang isang tanong, isang sagot nila sa akin. Hindi na bago yun kay Marxighd, pero kay Franci, sobra akong nanibago




"Syempre, hindi." Naging tugon ko lamang.





"Then, suyuin mo yung mga nagtatampo doon sa taas." Utos nito sa akin. Tumango naman ako dahil wala talaga akong gana magsalita. Ewan ko, parang araw-araw akong nanghihina. Wala pa kaseng magandang balita na dumating.




















Nang makarating na ako sa kwarto ng kambal ay.





Ay  nag-iisip ako kung ano ang isusuyo ko sa kanila.
Baka kase mas mahirap pa sila suyuin kaysa kay Franki. Pero may naisip na ako eh, dahil sabi ni Mama I need to give myself a break.






Dahan-dahan ko nang binuksan ang pinto, and nakita ko na gising pa ang dalawa. Kaya tumuloy na lang ako sa loob. And as expected, tinignan lang nila ako at bumalik ulit sa kanilang ginagawa; nagkukulay sa coloring book na parehong Barbie? Maygahd? May anak ako na bakla?





"Anong ginagawa niyo?" Tanong ko at umupo sa pagitan nila. Alam ko naman kung ano pero alam niyo na pampasimula iyon ng usapan.




"Coloring." Maikling sagot ni Franci sa akin na hindi man lang ako tinignan. Talagang may tampo ang babae sa akin.





"And I'm just helping her, Diya." Sagot naman ng kaniyang Kuya. Nakahinga naman ako ng maluwag knowing na hindi pala siya bakla. Tinutulungan niya lang ang kaniyang kapatid. That's it.




"Gusto niyo ba ng storytelling?" Tanong ko ulit baka kase--





"No."

"Yes."

Sabay na sagot nila pero magkaiba.

No sa bunso
Yes sa panganay




May matinding pagtatampo talaga yung isa sa akin. How can I?







"Okay, DeAndre Marxighd Mackey pack your things and we'll go to Spain." Sabi ko at tumayo na. Akala mo ha. Alam kong hindi mo matitiis na hindi magtanong, Franci.





May tatlong hakbang na ako papunta sa pinto pero wala pa rin akong narinig na angal mula sa kaniya. Grabe, wala ba siyang narinig o talagang mapride lang?





"Diya, how about Franci?"




Hindi ako sumagot sa tanong ni lalaki at lumingon nalang sa kanila. Pero hindi ko inakala na nakatingin na pala siya sa akin. Syempre, sasama din pero kukunin ko muna ang tampo. Pero sobrang hirap naman.





"Parang ayaw niya ako makasama kaya wag nalang."




At mali yata ang sinabi ko dahil bumalik ulit ito sa kaniyang ginagawa. So, okay lang sa kaniya na wag sumama!? Biro lang naman yun.





Pero kung ayaw niya, aba'y pipilitin natin. Hindi pwedeng hindi. Ayoko nang maghintay ulit sa kaniyang sasabihin at lumabas nalang. Mahirap pala magtampo ang isang Francesca Margarette. Hindi ko gustuhing maulit pa.







Papasok na sana ako sa aking kwarto nang may narinig akong biglang nagsalita sa aking likuran.

"I'm sorry, Diya."





Sa boses daga pa lang, alam ko na kung kanino galing. At siya lang naman ang may tampo sa akin.






"For what?" Tanong ko at humarap na sa kaniya. Masyadong ma drama din pala nito.



"I'm sorry Diya, for ignoring--"



"It's okay. Alam ko naman na nagtatampo ka sa akin."





"Yeah. I just missed you."
Sabi nito at yumakap pa sa akin. Sobrang nabigla naman ako. I remember na ganitong-ganito din si Franki noon, nung una ko siyang iniwanan sa bahay mag-isa. Hindi pa nga naging kami noon eh. Pero akala mo jowa mo na talaga, kase naman jowa talaga ang turing niya sa akin. At kasalanan yun ni Kuya.





"I also missed you too. And Kuya."






"So is it okay to come with you?"








Yun naman pala. Sasama din pero ang dami pang drama.





"Saan?" Maang-maangan ko dito.





"I thought you and Kuya were going to Spain?"







"Yeah. But if you want to go to Spain with us, answer my question."





She just nod kaya naman nagtanong na ako,


"Where do you want to go first when we arrived there?"






Just wish and tutuparin ko talaga yun. Kahit ano nalang sambitin mo dahil alam ko na wala ka pang alam sa lugar na iyon. Pero wala namang imposible sa espanya.
























"To Mommy."







____________________________________

A/N. Sorry dahil lame. At sorry din dahil sobrang busy ng buhay ko. Pasensiya na talaga ahahah

Our Endless Story Where stories live. Discover now