Hindi ko matukoy kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Malungkot ba o masaya? Sobrang daling sagutin pero hindi ako makasagot. Kasalukuyan kase akong nakatayo at nakatingin sa malayo dito sa veranda ng bahay. Gabi na, pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Napatulog ko na ang kambal, na sana hindi ko nalang pinatulog para may pagkaka abalahan din ako. You know what, may aalis kase bukas. At abala siya ngayon sa dadalhin niyang bagahe.
"It's just only three days, Mahal. Ipapasa ko lang naman ang resignation letter ko personally sa aking agent and then, I'm at your side forever na. I decided to take care of the twins dahil may trabaho kana diba? Gusto ko na ako ang mag-alaga sa anak natin." Biglang sabi nito sa aking likuran. Siguro tapos na siya dahil pinuntahan na niya ako dito.
"Yeah, I know. But why can't you just inbox the letter to your agent nalang? Bakit kaylangan mo pang puntahan?" Sabi ko naman, still, sa malayo pa rin nakatingin.
"There are so many things to discuss if you're going to quit a job."
"Akala ko ba nakasulat na yun doon sa letter mo the reasons behind?" At humarap na ako sa kaniya. I can't stand talking to someone na patalikod lalo na kapag mahal mo.
"Yep, but may mga taong hindi makuntento." Sagot nito.
"Then, I'll come with you doon. Sasamahan kita."
"No need. Take care of twins because I'll be back home naman." Saad nito at tuluyan nang lumapit sa akin. "People always find a way back home. Sa huli, lahat tayo umuuwi sa ating tahanan, sa tinatawag nating tahanan. So, just wait me here dahil alam ko ang daan pauwi sayo." At yumakap ito sa akin. Alam ko namang uuwi siya. Pero, three days? Hindi ko yata kakayanin na wala siya sa aking tabi ng ganun katagal.
Hindi na ako nagsalita pa at dinamdam nalang ang kaniyang yakap. Hindi ko siya niyakap pabalik at baka hindi ko mabitawan. At kasalanan ko pa kapag hindi siya natuloy bukas.
"Bakit walang mga stars, Mahal?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa madilim na kalangitan, partidang hindi pa rin bumibitaw sa yakap. Kaya napatingin din ako at napagtanto na wala nga. Pati ang napakagandang buwan. The night sky is empty. Parang ang nararamdaman ko din ngayon.
"They're always there. Kaya wala kang makikita it's because, natatakpan sila ng makakapal na ulap."
Yan ang kinabubulagan ng tao, akala nila na wala na kapag hindi na nila makita ang isang bagay. They are just basing on their vision na alam naman natin na, hindi lahat clear. Why use contact lenses and glasses when you can just believe that it's there. Just believe and it will exist. It will become true. Like magic. You know that it was only an illusion, but it really happens.
"I think it will going to rain, this night." She uttered, at isinandal ang kaniyang ulo sa aking dibdib. Oo. Uulan mamaya. Iiyak ang kalangitan dahil may aalis. Pero titila din, dahil alam niyang babalik ito. "Bakit ang tahimik mo na?"
"I'm just making a copy of this moment in my memory, because in memory, it lasts. I'm going to miss this. I'm going to miss you."
"Ang OA mo naman. It's only three days."
"Three days is too long for the heart that cannot wait."
"Aw? Mahal mo talaga ako Diana Mackey?"
"Si Franki Russell? Yep. Hindi yun masusukat, kahit na si geometry."
"Talaguh?"
"Hindi."
"Bakit naman?"
"Dahil talagang-talaga." At napangiti ako sa naging tugon ko. Saglit kong nakalimutan na aalis pala to bukas.
"It's still the same."
"But two is more than one."
"Fine. I surrender."
At pareho kaming napatahimik ulit. Bigla naman bumuhos ang malakas na ulan kaya tuluyan nalang kaming pumasok sa loob; sa kwarto namin. Naabutan naman namin na gising ang isang bata. Pero hindi siya umiyak. It's Marxighd. He is looking at something.
Kukunin ko sana siya pero pinigilan ako ni Franki.
"Let him. Dahil hindi naman umiiyak."
"Wala naman akong ginagawa eh." Saad ko dito.
"Remember na aalis ako bukas. You can't pass this night without Franki time." Ngiting sabi nito sa akin. Sige na nga. Hindi naman siya umiiyak. Pumunta na ako sa tabi ng aking asawa. At
"Anong gagawin ko sa Franki time?" Tanong ko sa kaniya.
"I'm going to miss you, too. But on this rainy night, I just want to lay in your arms until the sun rises. I want to be wrapped by your love before I left. Gusto ko, kwentuhan mo din ako because I'm going to miss the storytelling session between the four of us every night."
Every word that she said ay tumutusok sa aking puso. Ilang oras na lang at dadating na ang bukas. Sobrang bilis tumakbo ng oras. Paggising mo wala na siya sa iyong tabi.
"But hindi muna ako magpapakwento sayo ngayon dahil kinwentuhan mo na kami kanina. Maybe, sa pagbalik ko nalang." Dagdag pa niya.
Napagdesisyonan ko nang humiga sa tabi niya because every millisecond is wasting. Napayakap naman siya ulit sa akin and ibinalik ko yun. I'm just gonna think that tomorrow doesn't exist. Only now.
Only this precious moment.
"Good night, Franki."
"Sweet dream, Diana"
"I can't take it."
"Bakit?"
"Ayokong matulog dahil ayokong magising na wala kana bukas."
And after that, I kiss her forehead. Knowing that she will be gone for three days.
___________________________________
A/N. Short update dahil konti/maliit lang ang oras ko. Sorry talaga. Marami pa akong gagawin eh hahahaha.
YOU ARE READING
Our Endless Story
FanfictionSequel to MY FAVORITE YOU (Read My Favorite You on Dreame first.) "Once upon a time they lived happily ever after straight away from the start and there is no end to that story"