XXVI

679 40 25
                                    

Unknown's POV

I've been waiting for almost two hours na dito sa isang cafe pero hanggang ngayon hindi pa rin nagpapakita ang kaniyang anino sa akin. Binudol na naman ba ako ng babaeng iyon? Hindi na bago. Palagi naman.

Napagdesisyunan ko na umalis nalang dito dahil alam ko na wala nang pag-asa na dadating pa iyon. Kilala ko na siya, pati ang kaniyang anino. Hindi mo talaga maaasahan pagdating sa pakikipagkita. Kahit na siya pa yung may kaylangan sa akin. Siguro, tatawagan ko nalang siya, at sabihin na wag na lang siyang tumuloy dito. Dahil aalis na ako.



I dial her number as I making my way outside the cafeteria.  Isang ring pa lang pero sinagot niya na agad.

"Hello?" Sagot niya sa kabilang linya.

"Hello hello ka diyan. I waited for you ng dalawang oras pero hanggang ngayon wala ka pa rin dito! Paasa ka naman eh! Saan ka na ba? Kung hindi ka pa nakaalis diyan sa bahay mo, uuwi na lang ako." Bulalas ko dito hanggang sa labas. Hindi naman ako galit, dahil sanay na ako na ganito na lang palagi.

"I'm sorry talaga. And yeah, nasa bahay pa lang ako. Kakagising ko pa lang kase."




Whaaaaat!?


Kakagising pa lang niya?



Gabi na ah!?




Ano siya, bampira?






"So, may balak ka pa bang pumunta dito? Dahil may natira pa akong patience sa paghihintay."

Wala. Sobrang bait ko lang kase.



"Ow really? I'm so touched by your kabutihang puso. I'm so emotional right now. I can't believe that this is happening."

"So ano na nga!? Pupunta ka ba talaga o hindi!? Kase nandito na ako sa labas ng cafeteria eh. Isang hakbang na lang papasok sa aking kotse."


"Grabe pala ang patience mo sa paghihintay ah? Nasa loob na ng kotse."


"May sinabi ba akong nasa loob na ako?" Sarkastikong tanong ko dito. Hindi talaga nakikinig ng maayos ang bruha. Sabi ko isang hakbang nalang, tapos sa kaniya nasa loob na?



"Edi pasensiya. Alam mo naman na advance lang ako mag-isip diba?" Palusot nito.


"Edi pasensiya din. Hindi ko naman kase alam na ganyan ka pala mag-isip." Gatong ko pa dito.

"So. Ikaw talaga ang may kasalanan eh! Anyway, hindi na pala ako pupunta diyan. Tinatamad ako. Gusto ko pang matulog kaya umuwi ka na lang. Hehe."


Napanganga naman ako sa aking narinig. Sa mga sinabi niya. Seriously? Sinira niya ang plano ko na papuntahin siya dito para makauwi ako na may demonyong ngiti sa labi. Gusto ko lang makaganti sa oras na sinayang ko sa paghihintay sa kaniya. Okay lang. May susunod pa naman eh, diba Jessie?



"Edi matulog ka. Hindi ka naman kawalan. Hahaha. By the way, salamat pala sa pagsayang mo ng oras ko ah? Atsaka sa pera at gasolina. Pati na rin yung make up at pabango. Pati ang damit--"




"Magkano ba ang lahat na sinayang ko at babayaran ko nalang. Name it! Basta huwag lang sumobra sa five hundred kase wala pa akong sweldo ngayon."


"Grabe ang pagsabi mo ng name it! Tapos hindi naman pala sosobra sa five hundred? Wag mo nalang bayaran dahil maghihiganti ako!"




"Fine. Sabi mo eh. Handa ako anytime."




"Good to hear. Pero akala ko ba matutulog ka pa?" Pagtataka ko dito.





"Yeah. Sana. Pero wala ka namang balak patayin ang tawag."



"At bakit ako? Pwede mo naman patayin eh."



"Hello, ikaw kaya ang tumawag, ibig sabihin, ikaw ang may rights na mag-end nito."




Ganun pala yon? Sige sabi mo eh. Kaya pinatay ko na ang tawag kahit na may sinasabi pa siya sa kabilang linya. Hahaha. Ang bastos ko, pero sabi niya eh kaya hindi ako naguiguilty.








Pumasok na ako sa loob ng aking sasakyan pero hindi muna ako uuwi. Sulitin ko nalang ang gabi na ito sa pamamasyal. Atsaka, 7 pm palang naman. Masyadong umaga pa para matulog.



Siguro, pupunta nalang ako sa palagi kong pinupuntahan; sa parke. Doon ang palagi kong destinasyon kapag bagot ako sa bahay. Pero every night lang dahil hindi masyadong maaraw, at isa pa, bituin sa langit lang naman ang inaabangan ko doon. Dahil doon lang kase ang may pinakamagandang view sa kalangitan. I don't know but pinapakalma ako ng mga stars upon seeing them. It reminds me of something. It reminds me of someone. Pero hindi ko alam kung sino. Hindi ko matukoy.









Pagkarating ko dito ay agad akong humanap ng pwedeng tambayan. Pero may nahagip ang paningin ko na dalawang bata. Kambal sila. At umiiyak ang isa. Yung babae. I think, parang nawawala sila? Kase wala naman silang kasamang matanda. Tapos gabi pa.






"Kuya, I want to see Diya na!"



"Yeah. Me too."


"I swear, I'm going to behave."



At base nga sa mga narinig ko, confirmed na nawawala sila. Pinuntahan ko kase sila upon parking my car malapit lang dito. At nandito ngayon ako sa kanilang likuran.





"I wish that I just stayed at Diya's side. Not on following you."




"But you already followed me, Kuya."


"Yeah. And I regretted that."


Ano ba ang gagawin ko dito? Hindi naman kase ako marunong magsimula ng conversation with a kids. At hindi ako marunong magpatahan ng umiiyak na bata. Patuloy pa rin kase sa pag-iyak ang babae. But they mentioned Diya. Siguro siya yung ama nila. Maygahd. Ano ba talaga gagawin ko? Wala naman kase akong hotline ng pulis.


"It's really my fault. I'm hungry na."



At parang makokonsensiya ako kapag wala akong gagawin dito. So I take the courage to speak at their back, kahit hindi ko alam ang sasabihin ko. Bahala na.


"Hello? What's the problem little angels?"




Kaya naman napalingon silang dalawa sa akin. Pero parang naguguluhan? At infairness, pinapagulo din nila utak ko.






























"Mommy?"



__________________________________


A/N. Another wan hahahaha

Hindi ko lang mapigilan.

Hindi ko lang mapigilan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Our Endless Story Where stories live. Discover now