XXVIII

670 39 13
                                    

Maliwanag pa sa buwan na pinangrereto ako ng dalawang ito sa Diya nila. Wala namang masama, basta hindi lang masyadong matanda. Kaya nga lang, hindi ako pumapatol sa taong kasal na. Lalo na't buhay pa ang isa. What I really mean is, ayokong maging kabet lang.


"Let's just see if your Diya is really attractive." Pabirong hamon ko sa kanila. Ayoko lang maging masyadong straightforward.




"Let's just see then." Ngiting sabi ni DeAndre sa akin. Masyado silang confident of their Diya, baka ma fall ako doon. Pero I'm careful naman.




"Hindi ba kayo natatakot na sumama sa hindi niyo pa kilala?" Biglang pag-iba ko dito dahil ngayon lang sumagi sa aking isipan ang ganitong tanong. I'm just curious na ganun lang kadali na sumama sila sa akin.




"Nope. We trust the face of our Mommy Punky." Sagot naman ni Franci.



Seriously?



Yun talaga ang sagot?



Pero may punto siya. Hindi naman ako mukhang masama. Atsaka magkamukha naman kami ng kanilang ina. So okay na rin yun. Kahit ako, sasama talaga ako eh.









Nang matapos na ako sa pagluluto ay bigla kong naalala na wala pala silang pamalit. Hindi ko naman silang pwedeng iwan dito at bumili. At hindi ko naman silang pwedeng dalhin dahil hindi pa sila nakapaghapunan. Kaya tatawagan ko nalang ang bampira. I mean yung kaibigan ko, si Jessie.






"Don't tell me na hindi ka pa nakaalis sa cafeteria na iyan." Bungad nito sa akin matapos niyang sagutin ang aking tawag. Grabe, wala man lang hello?




"Pwede ka bang pumunta sa mall ngayon?" Paghingi ko ng pabor dito na hindi man lang binigyang pansin ang kaniyang sinabi.




"Bakit? Nasa mall ka ba?"


"Nasa bahay ako, okay--"




"Yun naman pala! Bakit mo naman ako papuntahin doon?"



"Bilhan mo ako ng damit pambata dahil kaylangan ko ngayon."




"Anong size? Ilang piraso?" Agad nitong tanong. Mabuti at sumunod agad. Pero hindi ko alam ang mga sizes nila.




Kaya nilayo ko muna ang telepono at nagtanong sa mga bata na kasalukuyang kumakain.




"Ilang taon na kayo?"




"Why?"




Aist. Ba't may pa why why pang nalalaman ang isa?




"We're 4 years old, Mi." Sagot ng kaniyang Kuya. Kaya ngumiti at tumango na lang ako sa kaniya.



"Basta ang kasya sa 4 years old. Ikaw na bahala sa piraso. Pambabae at panlalaki ah?" Sabi ko kay Jessie. May idadagdag pa sana ako pero bigla niya ako pinatayan ng phone. Akala ko ba ako ang may rights mag-end dahil ako ang tumawag? Ay ewan. Basta ang mahalaga lang dito is bibili siya ng damit.













"Kaninong mga anak yan!?" Gulat na tanong nito sa akin habang nakatingin sa dalawang bata. Wala pang thirty minutes pero nandito na siya sa bahay.


"Hindi ko alam." Maikli kong sagot dito at kinuha ang kaniyang pinamili. Bakit ang dami naman? Limang paperbags? Seriously? Hindi naman magbabakasyon ang mga bata dito dahil bukas pupuntahan na namin ang kanilang Diya.




"Don't tell me na kinidnap mo sila!?"




Kaya naman nabatukan ko siya ng wala sa oras. Ano ba? Mukha ba akong kidnapper sa ganda kong ito?




"Nawawala kase sila kaya dinala ko dito sa bahay. O ayan, maliwanag na?"




"Oh I see. Pero bakit hindi mo dineretso sa pulis?" Tanong pa nito at umupo sa tabi ng dalawang bata na naguguluhang nakatingin sa amin.





"I already called the pulis pagkatapos kitang utusan kanina. Hindi ko kase alam ang hotline nila kaya nagsearch pa ako sa google."




"Eh anong sinabi mo?"



Bakit pati yun gusto niya pang malaman?





"Sinabi ko na may nawawalang dalawang bata dito, kambal to be specific. Babae at lalaki." Sabi ko sa kaniya na nakapameywang na.




"So, ano ang isinagot ng pulis?"




Pati ba naman yun!??



"Confirmed na may hinahanap din silang kambal so. . . "





"So?" Hindi makapaghintay na tanong nito.




"So I described the twins doon and. . . "




"And what!? Wag ka ngang pabitin!" Sigaw na niya kaya naman napatawa ako. Ang sarap kase niyang buwisitin. Lalo siyang tumatanda kapag nakakunot ang noo.



"Ayun, sila nga ang hinahanap."




"So ibabalik mo na sila bukas?"
 



"Oo. Pero hindi pa alam ng Diya nila na nahanap na ang kambal dahil umuwi na daw ito at hindi man lang ibinigay ang kaniyang number sa kapulisan."




"So, sa kapulisan mo nalang ihahatid ang dalawa?" Pagtataka nito.





"Hindi. Doon ko daw mismo ihahatid sa Hotel The Serras, room 207."



Pangalan ng hotel at ang room number lang kase ang iniwan niyang impormasyon if ever na mahanap ang kaniyang mga anak. At yan lang naman kase ang hiningi ng kapulisan sa kaniya.




"O em ge. Magkano kaya ang ibibigay niyang balato sayo?" At base sa nakita ko, excited pa ang bruha. Pero excited na ako na makita na ng dalawa ang kanilang Diya, bukas.




















Diana's POV

I just stared at the total darkness inside of this room dahil wala akong enerhiya na buksan ang ilaw. Nakaupo ako sa kama habang ang isip ko naman ay lumilipad sa kung saan-saan. Ayoko pa sanang umuwi dito dahil wala pang balita sa dalawa, pero kinaladkad na ako ni Gazini. At speaking of her, ayon siya nakapameywang sa harapan  ko.


"Huwag ka ngang magpakalugmok diyan. May bukas pa naman ah?"



Alam ko naman na may bukas pa. Pero hindi ko alam kung ano ang ihahatid ng bukas na iyon.



"Diana, alam ko ang nararamdaman mo ngayon. And I know that you are strong, just be still nalang hangga't hindi pa sila nahahanap."



Kahit anong sabihin niya para gumaan lang ang pakiramdam ko ay wala paring epekto sa akin. Ilang beses na ako nawalan ng mahal sa buhay. At yan ang dahilan kung bakit naging negatibo ako ngayon. Who knows, baka yun na rin ang huling kita namin ng aking mga anak. People nowadays are not fond of saying goodbye. Basta-basta na lang mawawala, at ang pinakamasakit doon ay kung babalik pa ba?


"Yes, I'm strong. But I grow weary too." Naisambit ko nalang. Hindi ko na magawang umiyak pa dahil pagod na ako.



"Then, rest. Wala pa ngang isang araw na nawawala sila eh."







She has a point. Ipapahinga ko nalang siguro. At babalik naman sa pagiging miserable bukas kapag hindi pa nahanap ang kambal.






"Night." I just said at ipinikit na ang mga mata. Ayokong humiga, at baka tangkain ko pang humiga nalang habang buhay.






Our Endless Story Where stories live. Discover now