Diana's POV
Simula pa kagabi ako kinukulit ng dalawa at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tinantanan. Pero sige na nga, pagbigyan nalang dahil yun ang gusto nila.
"Diya, please? Send Mommy Hannah a 'good morning' text na." Pagpupumilit ng babae kong anak sa akin. Ginising pa talaga ako para lang dito. At siya din ang may pakana ng pa 'good night' ko kagabi doon sa Hannah na yun. Umiyak kase siya ng hindi ko sinunod, pero at the end ayon, talo ako.
"Diya, it's not that hard to greet her a good morning." At dumagdag pa ang isa na ito. Akala ko ba sa akin siya kakampi? Pinagtutulungan na nila ako porke't nawala lang ng isang gabi.
"Akala ko ba ayaw niyong palitan ang Mommy Punky niyo?" Tanong ko dahil malinaw pa sa paningin ni Tandang Sora na yun ang sinabi ng dalawa. Na 'don't replace Mommy Punky to anyone, Diya.', at nangako pa ako sa kanila na I won't cheat. Pero ngayon, tinutulak na nila ako doon sa tao na yun. Hindi ko talaga alam ang takbo ng utak ng dalawa na ito.
"Yeah. But she really looks like Mommy." Sagot ni Franci sa akin.
"I seconded, Diya."
Napabuntong hininga ako dahil wala na akong magagawa. Oo na. Let's just say na magkamukha sila but, hindi na mawawala ang pagmamahal ko kay Franki. Pareho sila ng anyo, pero magkaiba ng katauhan. But anyway, kinuha ko na ang phone ko para pagbigyan ang dalawa. Baka magwawala na naman kapag hindi.
To: Hannah
Hi! Good morning;)
At ipinakita ko na sa kanila ang phone ko para tapos na ang usapan. Sana naman masatisfied na sila pero
"Why didn't you put a heart emoji?" Reklamo ng babae sa akin. Urgh. Kaylangan pa ba yun!? O sobrang demanding lang talaga ng batang ito?
"You are not really sweet, Diya." Saad naman ng isa na parang natalo sa sabong ang mukha.
Sabi niyo good morning lang, pero bakit may pa heart emoji pa? Kasalanan ko bang hindi niyo kinompleto? Sa tingin ko, kay Mama talaga nagmana ang dalawa.
Napatingin ako sa phone ko nang bigla itong tumunog. May nag text.
From: Hannah
Goodmorning din. Kumain ka na? I mean, kayo?
Nagreply pala siya. Pero kagabi, hindi.
"Why are you smiling, Diya? Did she already respond?" Usisa ng pinakachismosang bata sa mundo. Kaya naman bigla akong sumeryoso at tumango sa kaniya.
"Let me see!" Sabi nito kaya binigay ko sa kaniya ang phone ko. Bigla itong ngumiti dahilan ng pagkakunot ng aking noo. Marunong pala itong magbasa, hindi man lang ako nainformed. At naki usyoso din ang kaniyang Kuya. Kaya ayon, pareho silang ngiting-ngiti ngayon.
"Just reply no and ask her too." At isinauli niya na ito sa akin. Maygahd. Bakit kase may patanong-tanong pa siya? Pero sige na nga. Sundin ko nalang si Franci.
To: Hannah
Hindi pa dahil kakagising pa lang namin. Eh, ikaw?
From: Hannah
Ow? Same! But nagluluto na ako ngayon.
YOU ARE READING
Our Endless Story
FanfictionSequel to MY FAVORITE YOU (Read My Favorite You on Dreame first.) "Once upon a time they lived happily ever after straight away from the start and there is no end to that story"