XXXV

803 41 23
                                    

Nakatingin lang siya sa akin na parang hindi makapaniwala. Nakarating na kase ako dito sa bahay ni Gazini  para sana kunin yung dalawang bata pero tulog pa. Kaya kinukulit muna ako ng babaeng ito kung ano ang nangyari kahapon, and I told her lahat-lahat. At heto ngayon siya, hindi naniniwala sa akin.



"Sigurado ka bang siya yun? Eh, bakit hindi ka niya kilala?" Pagtataka ulit nito na hindi ko alam kung pang-ilang beses na.


"Sa ilang beses mong nagtanong, parang nagtataka na ako kung siya ba talaga yun?" Pagtataka ko din. Nahawaan na yata ako ng babaeng ito. Pero alam kong si Franki yun eh, medyo pumayat lang siya ng konti.




"Ang dali lang naman alamin kung asawa mo talaga yun eh." Sabi nito at tumayo na para pumunta sa kusina. Kaya naman sinundan ko siya papunta doon dahil may itatanong pa ako.




"Paano?"




"Edi tanungin mo kung asawa mo siya." Baling nito sa akin.




Kaya tinignan ko ito ng masama; isang pinakamasamang tingin na hindi ko pa ginawa sa tanang buhay ko para tutusok sa buto niya na wala akong oras sa pagbibiro.





"To naman parang hindi mabiro. Anyway, malalaman mo yon if she says or does something na ginawa niya dati sayo ngayon. For example, kapag tinawag ka niyang Mahal na hindi niya sinasadya, ibig sabihin siya yun." Seryosong sabi na nito sa akin nang makarating na kami dito sa kusina.



"Parang ang labo naman. It doesn't have a strong basis na si Franki yun." Reklamo ko. Ang babaw  kasi. Pwede ko namang ipa-DNA nalang, pero wala dito si Mommy. At isa pa, hindi ko din masabi agad-agad sa kanila na buhay nga siya dahil lang sa nakita ko ang kaniyang mukha. Ayokong ma gulo ang buhay ng isang Hannah Robles dahil lang sa kamukha niya ang asawa ko. I'm still at 50/50 kung siya ba talaga yun. Naniniwala din kasi ako sa mga sinasabi ng psychology na 'there are six people in the world who looks exactly like you, and there's a chance that you will meet one of them in the future'. At siguro nakita ko lang ang kamukha ni Franki, ngayon.





"Eh, ano ba ang nararamdaman mo sa kaniya?" Nakapameywang na tanong nito sa akin. I just shook my head dahil hindi ko alam. Pero ang totoo niyan, I felt like I found my home again.





"Alam mo, ikain mo nalang yan." At nilagyan niya ng isang buong pandesal ang aking bunganga. Grabe, di man lang niya ako niwarningan.





"Diya! You're here na!"

Napatingin naman ako agad sa kinaroroonan ng boses nang marinig ko ito, and there I found my two little angels smiling sheepishly at me.




"Good morning, Diya. Good morning, Tita Gazini." Bati sa amin ni Franci na halatang masaya ang bruha. Umupo ito sa upuan na malapit sa kinatatayuan ko. Sumunod naman ang kaniyang Kuya. Pero nakakapagtaka lang na magkaiba sila ng awra ngayon. Wala sa mood yung isa.


"Good morning din, Franci. Parang hindi umiyak kagabi ah?" Tugon sa kaniya ni Gazini na may kasama pang tukso. Hindi talaga maaasahan sa mga bata eh.



"Naw. Umiyak akow last night." Sabi nito na siyang ikinagulat ko. Marunong na siyang magsalita ng Tagalog and I can't believe it.


"By the way Diya, how's meeting with jowa?" Biglang tanong nito sa akin na hindi ko naintindihan. Loading pa muna ng ilang segundo bago maproseso sa aking utak.


"Anong jowa!?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya.


"It's Mommy Hannah, Franci. Not jowa." Pagtatama naman ni Marxighd na kanina pa napangimbabaw sa mesa. Inaantok to eh, kasi nakapikit pa.



"It's still the same." Giit nito na kuhang-kuha ang pagkakunot ng noo ni Franki at ang reaksyon. Gaahd.



Napatingin ako kay Gazini dahil malakas ang kutob kong siya ang nasa likod ng pagturo dito. At siya din siguro ang nagturo sa pagsalita ng Tagalog ni Franci.



"Hehe, ano kasi, she asked me kung ano ang Tagalog ng name na Hannah, eh, hindi ko alam so sinabi ko kaibigan. But she hardly pronounces it, kaya ginawa ko nalang na jowa." Walang hiyang saad nito sa akin.


"Bakit mo siya tinuruan ng mali?" Agad na tanong ko sa kaniya. I'm just concerned with the learnings of my child lang naman. At isa pa, ayokong matulad siya kay Franki dati na iba ang pagpakahulugan sa jowa. Dahil ako ang napapahamak.


"Oo na. Ako na ang mali! Pero sana naman maintindihan mo yun!" Biglang pagdadrama nito na siyang nagpagulat sa dalawang bata. Baliw din eh.




"Tita Gazini don't be like that, we don't want you to be our Mom." Sabat naman ni Franci na animo'y seryoso ang mukha. Sobrang straightforward talaga.





"And I don't want you to be my child also." Patol din nito sa anak ko. Wala talagang pinipili ang babaeng ito eh. Sobrang palaban. Panalo na to sa miss universe. I swear. "Anyway, seryoso na. Kayo na munang bahala na guluhin ang kusina ko dahil may pupuntahan pa ako na importante."



"Wag na. Uuwi na din kami eh. Doon nalang kami kakain sa hotel." Sabi ko kahit na kanina pa ako ginugutom. Hindi man lang kasi ako pinakain ng Hannah na yun eh. Kung si Franki yun siguro hindi na niya ako pinauwi pa.



"Sigurado kayo? Kung ganun, alis na." Pagtataboy na nito.





"Oo. Aalis na kami."

At nauna na akong lumabas sa kusina. Naramdaman ko namang nakasunod ang dalawang bata sa aking likuran.





"Diya, is Tita Gazini mad at us?" Tanong ng lalaki sa akin at sa tingin ko, bago lang ito nahimasmasan eh.




"Hindi. Ganun lang talaga yun. May sakit lang siya sa utak." Sagot ko dito habang papalabas na kami ng kaniyang bahay. Pero bago pa kami tuluyang makalabas, nakarinig pa ako ng sigaw mula sa kaniya.





"Kung ako sayo Diana, liligawan ko ang Hannah na yun bago pa unahan ng iba."





Napalingon naman ako sa kaniya at nakita ko itong nakangiting may ibang ibig sabihin.



"Sa ganda ng mukha ng asawa mo, alam kung may iba pang nahuhumaling doon." Dagdag pa nito. As if I am threatened. Pero parang ganun na nga, paano kung siya talaga si Franki?


Tapos may manligaw sa kaniya na iba? Oh no. Parang hindi ko kaya.



Eh paano naman kung hindi siya yun?

Urghh. Di ko talaga alam ang gagawin ko.




Ano kaya kung liligawan ko nalang?



But--




"Don't worry, Tita Gazini. Diya got our back on how to court the jowa." Wika naman ni Marxighd na nakangiti din. May nalalaman pang pagtama sa kapatid kanina, tapos siya isa din? But hoyy! Anong I got their back!? Hindi ko yun liliga--



"Whether she likes it, or not." Dagdag din ng babae na siyang nagpatapos sa usapan.



Maygahd.



Mama bakit ang lakas ng dugo mo sa dalawang ito? Palagi lang akong under gulay eh!


Pero hindi na ngayon!









Siguro?








____________________________________

A/N. Sorry kung natagalan, busy lang talaga sa finals. Maybe by the third week of this month, aasahan niyong araw-araw na ang update. 

Our Endless Story Where stories live. Discover now