XXXIX

590 33 7
                                    

Diana's POV

I'm just doing all of these para ipaalala sa kaniya ang lahat if ever na siya talaga si Franki. Pero kung wala talaga siyang maalala kahit ni isa, then hindi ko ipagpipilitan ang hindi.

"Mahal." Sambit nito na hindi na nagpagulat sa akin. Tinawag ko siyang mahal kani-kanina lang so alam niya. But when she called me love, parang bumalik ulit ako sa nakaraan, in the first day of our relationship. That's why hindi ko nakontrol ang ginawa ko kanina sa kaniya.

"Because yan ang tawag mo sa akin bago lang so I assumed na 'Mahal' yun. Anyway, I called you love dahil pangalan mo yan, diba?" She added, brows being furrowed. Hindi niya alam. Wala siyang naalala. And she called me love dahil akala niya pangalan ko yun? Maybe, she's really Hannah. Pero sino naman ang nagsabi sa kaniya na pangalan ko nga yun?  And whoever it is, alam kong isa sa mga kambal o baka dalawa sila? Hindi ko na magawang magalit if they were doing this. I understand that they badly wanted to have a Mom.

"Hindi love ang pangalan ko, Hannah. At ako na ang maghihingi ng sorry sa maling impormasyon na sinabi ng mga anak ko sayo." Sabi ko na may sinsiredad sa kaniya. "And I'm sorry kanina dahil nahalikan kita. I thought you were my wife kaya nagawa ko yun. I'm really sorry."

"It's okay. Naiintindihan ko." At alanganin itong ngumiti sa akin. But hindi Hannah ang nakikita ko ngayon, kundi ang aking asawa.

"Pero wala ka ba talagang naalala?" I asked her again, hoping na may naalala nga siya kahit ang pangalan ko nalang. Dahil ang hirap kalabanin ng aking nararamdaman. Nararamdaman kong siya talaga si Franki kahit anong pilit ko na hindi.

"Wala. I'm sorry?"
She answered at yumuko ito. I know that she doesn't  want to disappoint me with her answer. Pero kung yun talaga ang totoo, edi tatanggapin ko. And from now on, I must keep in mind na magkamukha lang talaga sila ni Franki. Yun lang.

"Then nice meeting you Hannah Robles. And hindi na kita guguluhin bilang asawa ko."

She smiled at me bago nagsalita. "You, too. And the twins. Anyway, I gotta go na pala."

"Akala ko ba mamamasyal pa kayong tatlo?" I wondered dahil yun ang sinabi niya kanina sa dalawang bata. Okay lang kung hindi ako kasama. Because I need my alone time din.

"Ah, ye-yeah. Oo nga pala!" I don't know why she tensed up. Mamamasyal lang naman sila. "Sasama ka?" Tanong nito na hindi makatingin sa akin.

"Hindi." Agad kong sagot na siyang nagpaangal kay Marxighd na supposedly si Franci ang gumagawa. Pero hindi niya pala ako pinapansin matapos ko siyang sabihan ng abnormal.

"Diya, why??"

"I have another business to do pa." I answered at lumapit sa kanila na kasalukuyang kumakain pa rin hanggang ngayon.

"As in now? Can't it wait for tomorrow?"

"Yes. It can't wait. So behave kayong dalawa kay Mommy Hannah niyo." I reminded them, at hinalikan isa-isa but before I kiss my little girl, may ibinulong pa muna ako sa kaniya.

"I'm sorry baby, I'm just lying about you being abnormal." At humalik na ako dito. Hindi ko na hinintay ang kaniyang sagot at dumeretso na agad sa pintuan. But I remember something that stops me from stepping outside. Lumingon ako kay Hannah na kanina pa yata nakatingin sa akin? "By the way, ingat kayo. And here's the key. Baka una pa kayo makakauwi sa akin mamaya." And after that, tuluyan na akong lumabas.

***

Hindi ko alam kung nasaang lugar na ako, but nandito ako sa isang beach. I want to have a peace of mind kaya dito ako pumunta. Water has an effect to calm you, the raging storm inside your head. And also, it is soft enough to cleanse you as well as powerful enough to drown you. Pero ibang usapan na yun. Hahaha.

Our Endless Story Where stories live. Discover now