XXXIV

719 38 12
                                    

Diana's POV

The longing that comes from missing someone can range from minor feelings of sadness to downright agony. But parehong nawala when I saw her face again first in the morning. I don't know if I am dreaming but when I  started to touch it, doon na ako napaluha. She's real.  This dream was so real. Hindi ko mameasure ang sayang nararamdaman ko. Pero may kapalit pala ang sayang iyon. At ito ay kabaliktaran sa naramdaman ko kanina dahil hindi niya ako kilala.


"Franki. .  ." Sambit ko ulit na hindi ko alam kung pang-ilan na.




"It's Hannah." Madiing pagtama nito sa akin at tuluyan nang umupo sa silya. Kaya pala gusto ng kambal na maging Mommy siya dahil siya pala si Franki. Ewan kung siya nga ba, tinatanggi niya kase.


Napatingin ako sa kaliwang kamay niya at tinignan ang kaniyang ring finger. Wala akong makitang singsing na kapareho sa akin. Hindi ba niya isinuot? O hindi talaga siya yan? Pero siya talaga yan eh, kahit na itanggi ko man. She's really Franki Russell. She's really my wife.

"Ipinagluto kita ng paborito mo, Mahal." I said at kumuha ng pinggan at inilagay sa kaniyang harapan. I just missed doing this to her.



"Can you stop that bullshit? Hindi ako ang asawa mo. Hindi ko nga alam kahit ang pangalan mo eh." Seryosong pahayag nito na parang sigurado talaga sa kaniyang mga sinasabi. Masakit. Oo. Pero nasanay na akong masaktan kaya okay lang.


Ngumiti ako ng mapait sa kaniya bago magsalita.

"I don't know if you have amnesia or wala. But handa akong ipaalala sayo ang lahat."



"You're just wasting your time. Wala akong amnesia, hindi ako nakaranas ng aksidente or what. And I'm sure that I'm too alien sa lahat ng ipaalala mo sa akin."



Napabuntong hinga ako dahil ayokong makipagtalo sa kaniya. I'm just gonna let her kung yan ang kaniyang gusto. Still, siya pa rin ang asawa ko.



"Fine. If you say so." At ipinagsandok ko siya ng pagkain. Wala pa rin makakapigil sa akin na gawin ito.


Gulat itong nakatingin sa akin. "Then why are you doing this?"



"I can do whatever I want, Hannah." Tugon ko at umupo sa kaniyang tabi. At alam niyo na siguro kung ano ang susunod kong gagawin diba? Susubuan ko siya. Pero bago ko pa kunin ang kutsara ay bigla itong nagsalita.




"Yeah. You can do whatever you want but I have rights to decline it. Hindi ako ang asawa mo na pwede mong pagsilbihan dito."



"Don't worry.  I'm doing this bilang pasasalamat." I assured her pero parang hindi siya naniniwala.
Hinintay ko ang kaniyang susunod na sasabihin pero tumungo lang ito.


Kaya naman iniharap ko ang kaniyang mukha sa akin. I moved closer to her para lalo kong masisilayan ang maganda niyang mukha. Bigla naman itong napalunok dahil sa aking ginawa. Sobrang lapit kase ng aming mukha sa isa't isa. But I won't mind dahil may sasabihin lang ako sa kaniya.



"At speaking doon, salamat pala."


Pero imbes na magsalita siya ay bumaba lang ang kaniyang tingin sa aking labi. Bigla akong napangiti dahil dito.



"Gusto mo bang halikan kita?" Pagbibiro ko dito at handa akong tanggapin ang sampal niya anytime soo--



"Oo. --I mean, no! Ayoko! Hindi!" Biglang pag-iba nito at agad  umayos ng upo. At para siyang kinakabahan dahil kumuha ito ng baso at itinungga, kahit na wala naman itong laman.


"Lagyan muna natin ng tubig kase." Pigil na tawang sabi ko na kinuha ang baso sa kaniya. Pinipigilan ko lang tumawa dahil kilala ko siya, kahit na hindi niya kilala ang kaniyang sarili.


Pagkatapos ko lagyan ay ibinigay ko na sa kaniya. Agad naman niya itong kinuha at ininom.


"Pwede ka nang umuwi. I'm sure na hinahanap ka na ng mga anak mo." Sabi nito na hindi makatingin sa akin ng deretso. Grabe, tinataboy na niya ako.


Pero sabi niya eh. Susundin ko na lang.


Kaya agad akong tumayo at kinuha ang sapatos ko sa gilid. Kanina pa ako nakabihis sa dati kong damit kagabi. Nilabhan niya siguro kase naka hang na kanina nang kinuha ko. Nang matapos ko na suotin ay naglakad na ako papunta sa pintuan. Pero bago pa ako tuluyang makalabas ay bigla itong nagsalita.


"But pwede naman na mamaya nalang if you want. Tutal maaga pa naman eh."


Napalingon naman ako sa kaniya na nakatayo na pala sa aking likuran. So ngayon,  pinipigilan na naman niya ako?  Di ko talaga alam ang trip nito.


"Maaga pa but, I must better go nalang at baka nga hinahanap na nila ako. At siguro,  kagabi pa." Saad ko dito na medyo nakangiti sa kaniya. "At salamat din pala na hindi mo ako hinayaan kahapon." Dagdag ko pa dahil ngayon ko lang naalala. Pero may isa pa akong tanong sa kaniya.
"So nakita mo?" Ngisi ko dito.


Bigla namang kumunot ang kaniyang noo dahil siguro hindi niya maintindihan ang aking ibig sabihin. So, nagsalita ulit ako.


"Nagising ako kanina na iba na ang suot kong damit. At wala akong naalala na bumihis ako kagabi. It's just only me and you, at ikaw yata ang nagpabihis sa akin. So, nakita mo na?" Ulit ko na may kasamang isang makahulugang ngiti.


"Hindi. Wala akong may nakita." Agad nitong sagot na namumula pa. Mabuti at nakuha na niya but alam kong nagsisinungaling to eh. Wala namang masama kung sabihin niya ang totoo dahil nakita na rin naman niya ito noon pa.


Hindi ko nalang siya pipilitin at iniba na lang ang usapan.

"Sige na. Una na ako." Pagpaalam ko dito at isinara na ang pinto. I took my phone para alamin kung ano ang lokasyon nito. Pagkatapos nun ay naglakad na ako papalayo.




Ayoko pa sanang umuwi pero sabi ni Gazini kanina sa akin na nagwild daw ang babae kagabi dahil hindi daw ako nakauwi. I'm talking about Franci. The one and only.







Habang naghihintay ng masasakyan ay biglang nagvibrate ang aking phone. Agad ko itong binuksan dahil nakita ko ang kaniyang pangalan.



From: Hannah

I don't know kung bakit atat na atat kang umuwi, I forgot to ask you for your name. Hindi ko tuloy alam pangalan mo, so, can I call you mine nalang??










Pota.



Hindi ko mapigilang ngumiti ng bonggang bongga dahil sa banat nito.





Old but gold.




Pero bago pa ako makapagreply ay nagtext ulit ito.



From: Hannah

I'm sorry, I'm just kidding^_^




Bigla namang sumeryoso ang mukha ko dahil dito. Paasa din eh. Sobra.



Resbakan ko kaya, ano? But bago yun may dumating na namang mensahe galing sa kaniya.




From: Hannah

Anyway, ingat.




At para na naman akong baliw  na napangiti ulit. Ginagawa niya talaga akong abnormal eh. Uto-uto. Baka biro na naman niya ito?



But whatever.





Jokes are half meant true naman.

Our Endless Story Where stories live. Discover now