Hindi ako makatingin ng diretso kay Mama ngayon dahil sa mukha nito, I mean sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Parang tinutusok ang kaluluwa ko sa sobrang talim ng kaniyang tingin.
"Gusto mo talagang saktan ang asawa mo?" Taas-ng-isang kilay na may pagka kotrabidang tanong nito. Haist. Hindi nga! Hindi ko kailanman gugustuhin.
"Syempre hindi." Agad ko namang sagot.
Sino ba nagdala sa kaniya dito at malilin--
"Eh, ba't mo siya kinausap?"
"Hindi ko siya kinausap, Ma. Siya ang kumausap sa akin." Pagdedepensa ko naman. Dito na naman tayo sa mga accusations niyang mga mali. Pagod na ako sa pagtanggap ng mga bintang galing sa kaniya.
"At sumagot ka naman!?"
Ugh. Hindi naman kase ako nainform na huwag pala sumagot. Malay ko ba.
"Syempre, nagtanong yung tao sa akin."
"Baka gusto mo lang talaga?"
Eto na naman siya. Ganyan ba talaga ang mga magulang? O nasobrahan lang si Mama sa paggamit ng diaper noong baby pa? Yan kase, pampers pa more.
"Alam mo! Pareho talaga kayo ng Kuya mo ng hugis ng bungo. Ang sarap niyong ibalik sa itlog ng mga ama niyo!" Dagdag pa niya habang naglalakad kami dito sa hallway pabalik sa kwarto ng aking asawa. Pwede na kaming umuwi bukas, pero hindi pa ang kambal. But balik muna tayo kay Mama.
"Pwede bang hinaan lang ang boses, Ma? Masyadong nakakahiya sa mga nakakarinig." Bulong ko sa kaniya dito. Pinagtitinginan na kase kami ng mga tao dahil sa mga sudden na pagputak nito. Mabuti sana kung sperm ang ginamit niyang term kaysa itlog talaga.
"May pake ka sa iba, pero sa mararamdaman ng asawa mo wala!" Patuloy pa rin nito na lalong nilakasan ang boses. Napasuko nalang ako at tumahimik na nang tuluyan, at baka kung ano na naman ang ibato niya sa akin kapag umangal pa.
Nang makarating na ako dito sa loob ng kwarto ni Franki ay isang masamang tingin na naman ang sumalubong sa akin. Syempre, galing sa kaniya dahil kaming dalawa lang naman ang tao dito. Nagpaiwan kase si Mama sa labas, at siguro sina Mommy at Kuya nandoon sa kambal. Ano na naman ba problema nito sa akin? Maybe, alam na niya na nandito si Viah?
"Anong pinag-usapan niyo?" Walang-ganang tanong nito na sa ibang direksyon na nakatingin. Ay, alam na nga niya.
"Wala. Nagtanong lang naman siya sa akin ng kung ano--"
"Hindi man lang siya nagsorry!?" Putol niya sa sasabihin ko. Grabe hindi man lang ako pinatapos.
"Hindi. Baka nakalimutan lang niya?"
"And is that okay with you? She didn't say sorry because she did that on purpose. Oh, come on. Ginusto niyang masira tayo! And now, she's here again? Alam kong may binabalak na naman ito."
"And kung ano man yun, I know na hindi niya tayo masisira. Dahil nakabaon na sa puso ko ang salitang ikaw lang. Asahan mong ikaw lang talaga." Pag-aassure ko sa kaniya. "I may be get interact with her dahil hindi naman yun maiiwasan, but you know that hindi na pwedeng patibokin ang pusong tumitibok na sa isang tao."
"Then bakit marami pa ring manloloko sa mundo?"
"Dahil hindi sila kuntento at sigurado. They don't know what their illness is, that's why they jump to another pill when the previous one is not effective. So they always got overdosed at the end. It's not called karma, but the taste of their own medicine."
"So? Are you living with that principle, Mahal?"
Ayon. Bumalik na sa tono ang kaniyang pagsasalita.
"Nope. Because there's no principle when it comes to love. Sariling kagustuhan lang naman yan kung bibigyan mo ng halaga ang isang tao."
Pupunta sana ako sa tabi niya pagkatapos kong sumagot pero bigla naman niya akong pinigilan.
"Wag kang lumapit sa akin. Naiinis pa rin ako sayo."
Akala ko ba okay na? Sobrang bipolar naman ng taong ito.
Kaya hindi ko na itinuloy ang aking paghakbang. Badmood siya, kaya siya ang masusunod. Madali lang naman ako pagsabihan eh.
Franki's POV
"You can tell me everything I need to do para maalis yang inis mo." Sabi niya na sumeryoso na ang mukha. Hindi ko maiwasang magselos because I don't share my favorite human on Earth. I feel like I'm always threatened kapag makipag-usap siya sa babaeng iyon.
"Galit ka?" I wondered.
"Hindi. Pagod lang. So ano na? Ano ang gagawin ko para mawala yang inis mo Mahal?" Tanong nito sa akin.
Wala ka namang dapat gawin dahil hindi na mawawala ang inis ko sayo. Hindi mo sinusunod ang sinabi kong iwasan mo yun. Kaya bahala ka dyan kung hindi ako sasagot.
And she was waiting for my answer like almost five minutes na pero wala kang maaasahan sa akin na sagot. I decided na humiga na para matulog dahil kanina pa ako inaantok. Hinintay ko lang talaga siya na bumalik. At bumalik naman.
Pero bago ko pa tuluyang ipikit ang mga mata ko ay narinig ko itong nagsalita."I'm sorry for making you jealous na naman. Hindi mo dapat yan maramdaman sa akin eh."
Hindi ako umimik at umakto na lang na tulog na. Pero hindi ko napagtanto na nandito na pala siya sa aking tabi nang bigla niyang hawakan ang aking kamay. At naramdaman ko ang paghalik niya dito.
"I'm really sorry." She just whispered.
Pero paninindigan ko na ang pag-iignore dito. Sorry din dahil bukas pa kita patatawarin. I don't have a mood to deal with you longer, today.
Unti-unti ko din naramdaman ang paghalik niya sa aking noo. Pagkatapos ay may ibinulong na naman ito.
"Goodnight Franki."
And after that, narinig ko nalang ang pagsarado ng pinto.
Lumabas ulit siya?
"Anak, pagdilat lang ng mata mo ang kailangan para makauwi na tayo sa bahay." Rinig kong sabi ni Mommy sa akin? Kaya naman napadilat ako at nakita ko siyang nakatayo sa gilid ng kama ko. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng silid na ito para sana makita ang aking asawa pero wala siya??
"Nasaan siya?" Agad kong tanong at napaupo pa.
"Yung asawa mo? Nauna nang umuwi. Dala niya yung mga gamit mo."
"What!? Hindi man lang niya ako ginising? Or nagpaalam?"
"Hindi na daw. Kaya maghanda kana para makauwi na tayo."
So agad akong tumayo para makauwi na kami dahil gusto ko na siyang makita. Hindi ko na kase siya pinansin kagabi. At isang matinding sakripisyo yun.
Pagkarating ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa aming kwarto. Pero wala akong nadatnan na isang Diana Mackey dito. Imposibleng sa baba, eh nandon na ako galing at wala din akong nakitang anino niya. Baka sa labas? Mas lalong imposible, dahil hindi naman siya lumalabas lalo na kung wala namang gagawin.
Baka bumalik ulit ng hospital?
Ughhhh. Nasaan ba talaga siya!?
I feel like parang iniiwasan niya ako.
YOU ARE READING
Our Endless Story
FanfictionSequel to MY FAVORITE YOU (Read My Favorite You on Dreame first.) "Once upon a time they lived happily ever after straight away from the start and there is no end to that story"