XLIX

728 43 36
                                    


El Prat Airport

T1


Franki's  POV

Ilang oras nalang ay uuwi na ako sa bahay kung saan naghihintay ang mga tunay kong mga pamilya. Pero hindi ko din kayang iwan ang mga pamilya ko dito. Ang hirap naman kapag dalawa.

"All hail to queen Han--Frankiii." Panimula ni Jessie dito habang papasok kami sa entrance ng terminal. Nandito silang lahat, ang pamilyang Robles, ang kaibigan ko, and Gazini. "Akalain mo yun? Ikaw pala ang tunay na asawa eh!"

Ngiti lang ang iginanti ko sa kaniya dahil ilang oras nalang ay hindi ko na sila makikita at makakasama. Nalulungkot akong isipin na may iiwanan na naman akong mga mahal sa buhay.

"Inggit ka lang Jessie." Kantyaw sa kaniya ni Kuya na halatang may gusto sa kaibigan ko. Well may gusto talaga, dahil binasa ko ang diary niya na hanggang ngayon hindi pa niya nalalaman.

"Syempre! Inggit na inggit ako."

"Bakit ka ba naiinggit doon? Nandito naman ako ah?" Pagpaparinig nito. Bahala na nga kayong magka aminan dyan.







Pagkarating namin dito sa loob ay agad kong niyakap si mama at papa. Hindi ko mapigilang umiyak sa kanilang piling dahil ito na ang huling yakap ko sa kanila. Of course, babalikan ko naman sila, pero hindi ko alam kung kaylan pa yun.


"Basta bisitahin mo lang kami kung may oras ka. At wag mong kalimutan dalhin ang pamilya mo. Gusto kong makilala ang asawa mo, at syempre pati na rin yung mga apo namin." Sabi ni mama sa akin.

"Dagdagan mo ha?" Ngising saad naman ni papa na siyang nagpakunot sa aking noo.

Huh?

Anong dagdagan?

"Franki Russell Mackey, ang ibig sabihin nun, dagdagan mo ang mga anak mo. Sayang ang lahi kung dalawa lang." Deretsahang sabi ni Kuya sa akin na tinanguan pa nina Gazini at Jessie.

"Huwat!? Seryoso kayo? Ang hirap at ang sakit kaya manganak." Reklamo ko sa kanila kase naman kung makademand akala mo sila ang magbubuntis.

"Bakit? Ano ba ang feeling na manganak?" Pagtataka sa akin ni Kuya na seryoso ang mukha. O M G. Seryoso talaga siya.


"Ah-eh. Hindi ko alam eh! Basta masakit siya. Try mo kaya. Try mo magpabuntis dyan sa katabi mo."



"Anooooooo!??! Kay papaaaaaa!?!" Gulantang na sigaw nito dahilan para magkatinginan ang mga tao sa amin. Nakakahiya.


Anyway, anong kay papa? Hindi naman si papa ang tinutukoy ko eh, kundi si Jessica. Ang sarap niyang bigwasan at ipatapon sa kanal.

"Gagi ka! Ako lang ba katabi mo dito!?" Angal naman ni papa na may kasama pang batok sa kaniya. Yan kase.


"By the way, itatry ko talaga yan. Ako na ang magbubuntis para hindi na mahirapan ang asawa ko." At ang baliw, tumingin pa kay Jessica. At yung isa naman, berdeng-berde na. I mean masusuka na. Pero ang sweet.

"Yaak! Saan lalabas yan?" Tanong ni Jessie sa kaniya na may pangdidiri.

"Edi sa lagusan."

"May lagusan ka ba?"


"Syempre naman! Ano akala mo sa akin, hindi umiihi?"

"I mean, kasya ba diyan!?"






Our Endless Story Where stories live. Discover now