XIII

711 40 16
                                    

Franki's POV

Nababagot na ako sa paghihintay pero until now hindi pa rin siya bumabalik. Nakaalis na nga si Mommy na kanina pa pumasok dito eh. Ano kaya kung lumabas ako? Tutal, two days na akong nakapagpahinga at nakabalik na rin naman ang lakas ko. Wala naman akong sakit na dapat ikaratay ng matagal. At isa pa, gusto ko nang makita ang mga anak ko, ang kambal.


"Op op op! Where are you going, Franki?" Biglang litaw ni Mama Rowena dito sa loob. Nakita niya kase na bumangon ako mula sa aking pagkahiga.

"Sa kambal po Ma. Baka nandon din si Diana eh." Sagot ko dito na tuluyan nang nakatayo.


"No. Dito ka lang. Wala siya doon."


"Bakit wala? Sabi niya pupuntahan niya ang kambal?"


"Oo, pero umalis din dahil may lakad."


"Lakad? Saan?" Pagtataka ko. Wala naman siyang sinabi na may lakad siya. Imposibleng magsisinungaling na naman to sa akin. At isa pa hindi niya yun magagawa.


"Um. Wala. Inutusan ko lang siya, Anak." Sabi ni Mama na parang hindi makatingin sa akin ng deretso.


"Sige Ma, pupuntahan ko nalang ang mga anak ko."


"Wag. Magpahinga ka muna."


"I already rested well na po, Ma." Tugon ko dito na humahakbang na.



"But dito ka nalang muna, please?" Pakikiusap pa nito sa akin. Ano ba ang nangyari o dahilan kung bakit ayaw niya akong palabasin? Gusto ko na makita ang kambal eh.

"Bakit po?"

"Fine. You have the rights to know din, dahil asawa ka."


"Okay?" Naguguluhang sagot ko dito.



"Huwag ka munang lumabas dahil nandito ang kinaiinisan mo."



"Huh? Wala naman akong kinaiinisan ah?" Angal ko naman dahil wala naman talaga diba? O baka hindi ko lang naalala?




"Anong wala? Nandito si Viah. Kausap ng asawa mo ngayon."






Whaaaaaaaaat!?
Anong ginagawa niya dito? Paano niya nalaman? Paano siya nakapunta dito? At bakit sila  nag-uusap? Bakit hindi ko alam?




Bigla ako nainis upon hearing her name. Hindi ko pa rin makalimutan ang bitter conversation namin doon sa isang restaurant. At ang? At yung halik!! Sariwang-sariwa pa yun sa aking memorya!



"But don't  worry, pina-spy ko na yun sa mommy mo. I told her about that woman bago lang."




Pero hindi pa rin ako kampante. Baka kung ano na naman gagawin niya ulit. I trust my asawa, but not that babae.


"Ma, gusto ko silang puntahan."

"No. Hindi pwede. Baka kumulo ang dugo mo kapag makita mo siya. Ayokong mabinat ka."


"But Ma--"



"Hintayin mo nalang si Diana, okay? Dahil  babalik din sayo yun. Ikaw ang asawa eh. Ikaw ang mahal." Sabi nito na siyang nagpakalma sa akin. I don't know. May otoridad ang pagkasabi niya kaya napakalma niya ang pag-aalinlangan ko.



Umupo ako sa aking higaan at nagpakawala ng isang buntong hininga. Binabantayan naman sila ni Mommy so dapat na akong maging kampante. At isa pa, ako ang mahal  ni Diana, so bakit ako magwoworry doon? Si Franki lang. Pero lagot talaga siya sa akin. Pinagbigyan niya pa rin na makausap siya kahit na pinagbabawalan ko noon pa. Suffer the consequences mamaya, Mahal.






Diana's POV

Hindi ko naman siya pinagbigyan pero we end up talking here outside. Wala naman siyang sinabi na importante sa akin maliban sa sandamakmak na tanong. Sinasayang ko lang ang oras ko dito. Hindi ko pa nga napuntahan ang kambal eh. Tapos hindi pa ako nakabalik kay Franki na sa tingin ko na kanina pa naghihintay sa akin.


"So, kumusta kana? It's been a long day since you left your job. Wala akong architect, may pumalit pero iba pa rin kapag ikaw."


"Viah, kailangan ko nang pumasok. Sigurado akong hinahanap na ako ng asawa ko." Pag-iiba ko dito at baka saan na naman humantong. Atsaka, alis na alis na ako sa lugar na to. At kapag malaman to ni Franki, purya gaba lagot na naman ako.



"Agad-agad? Gusto pa sana kitang makausap."


Sundin ang gusto ni Franki? O ng babaeng ito?


No second thoughts and uncertainties. Syempre, the former.



"I'm really sorry talaga. Ayokong mabagot siya sa paghihintay sa akin."

"Diana--"


"Viah, please? Ayokong saktan ulit ang asawa ko, at syempre ikaw din. May mahal na akong iba. So stop bugging me. I know, there's someone out there who is dying to have you, wishing you every night to be theirs, sending you love from afar, cares for you hopelessly, cheering for your name softly enough for their heart to hear. Because there's always a someone who is madly in love with somebody. Don't give your attention to me, because I already got one. And that is enough. She is enough."

"How I wish that someone happens to be you." Seryosong sabi nito sa akin.

"But I'm not. Alam mo kung bakit? Dahil may nakatadhana. Nakasulat na iyon sa draft ni universe. It is one of the stars above. Wish upon on it, at baka sakaling ihulog niya sa harapan mo ng literal."



"Paano kung nasa harapan ko na ngayon?"


Haist. Ang tigas din ng ulo. Hindi nga ako.


"Eh, paano yan? I'm just passing by. Inihulog na ako ng universe sa kaniya, in her only direction. Kaya hindi ko magawang lumiko pa."



Hindi na ito nakapag-angal pa. Sige, magsalita ka pa dahil gagawan kita ng truth table kung saan ang outcome ay lahat contradiction. You can't prove it if my formula is always false for every value of the words you said. Hindi ako ang nakatadhana sayo, because you're a negation and I'm not. You are still using 'if and only if' but I am already a tautology to someone. Hindi mo pa rin ba yun na gets?



"Well, thank you for your time then. May ibang araw pa naman."




At she's looking forward for the another day!? Depende, kung papayagan ka ni Franki. Pero imposible.




"Yep. May ibang araw pa naman. Kung gusto mo hiramin ang oras ko, doon ka nalang sa asawa ko magpaalam. Ibinigay ko na kase sa kaniya ang lahat ng oras ko."



"Sige. Sabi mo eh." Ngiting wika nito. Kung kampante siya, edi mas lalo na ako. Hindi mo siya makukumbinsi lalo na't ikaw yun.




Ngiti na lang ang ibinigay ko sa kaniya bago tuluyan---
















"Hoy Diana! Kanina ka pa hinihintay ng asawa at mga anak mo pero nakikipaglandian ka pa diyan!? Ano ka, seaman!?"



Dito na naman tayo Rowena eh. What a bratatattattt loving mother.




__________________________________

A/N. Hindi ba kayo naboboring sa kwento na to? Ako kase oo eh😂 anyway pasensya sa matagal. Midterm na namin this week at matatagalan din siguro ang susunod dto. Sorry talaga kung lame, marami kase akong ginagawa, may report at test pa bukas. Omo😑. Hindi ako prepared hahahaha.

Our Endless Story Where stories live. Discover now