Nagising ako mula sa mahimbing kong pagkatulog dahil sa nakakawalang kaluluwa na yugyog ng kasama ko dito sa akin.
"Gumising ka na nga, Diana!" Sabi nito na mas lalo pang nilakasan ang pagyugyog na parang pati buto ko magkakalas na. Sino pa ba ang hindi magigising sa lagay na yan?
Kaya napaupo ako ng wala sa oras at tinignan ito ng masama. Sobrang sakit ng ulo at puso ko, tapos dinamay pa niya pati katawan ko?
"Hehehe? I'm sorry na ginising kita. Gusto ko lang kase magpaalam sayo dahil uuwi na ako." Dagdag pa nito na hindi makatingin sa akin ng deretso. Alam niya kaseng may kasalanan siya kaya ganyan. At speaking of, yun lang naman pala!? Tapos!? Tapos!? Urghh!! Parang gusto kong mamatay ng lamok!!
"Sige." Ikli kong sagot sa kaniya. Nagtitimpi lang ako dahil ayokong mahighblood sa babaeng ito. Sinamahan naman niya ako kagabi kaya quits lang.
"Hindi ka galit sa akin?" Hindi makapaniwalang tanong nito na nakatingin na sa akin. Kaya naman mas lalo ko siyang tinignan ng masama.
Action speaks louder than words, Gazini.
"Sabi ko na nga na aalis na ako eh. Bye na." Pakamot-kamot pa sa ulong sabi nito at lumabas na. Yun naman pala. Nakuha ang ibig sabihin sa tingin.
Walang gana na bumalik ulit ako sa pagkahiga. Pagod na ako masaktan. Gusto ko nalang matulog at managinip ng masayang pangyayari katulad ng mga nagdaang kahapon. Kung saan kasama ko pa ang kambal, at nandiyan pa sa tabi ko si Franki. Kung saan kompleto pa. Kung saan nararamdaman ko pa ang saya. Gusto ko ulit bumalik sa dati, kahit sa panaginip ko nalang pwedeng balikan. Kahit hindi na totoo.
I was about to close my eyes nang bigla kong marinig na may kumakatok na naman sa pinto.
Kakaalis lang niya ah?
Baka may nakalimutan?
Haist. Panira talaga sa tahimik kong buhay ang babaeng iyan. Gusto ko pa matulog eh. Kanina, hindi pa ako masyadong galit. Pero ngayon, galit na galit na ako. Pero kaya ko pa namang magtimpi.
Tumayo na ako at pumasok sa banyo para maghilamos, at para mahimasmasan na rin ako sa antok. At para pagbuksan ang kumakatok sa pinto. Alam niyo kase na nag-au autolock ang pinto dito kapag may lumalabas.
Pagkatapos ay dumiretso agad ako dito, patuloy pa rin ito sa pagkatok, hindi talaga makapaghintay eh. Ano ba kailangan niy--Napatigil ako ng makita ko ang kambal na nakangiti sa akin.
"Diya!! You're alive! I missed you." Biglang sabi ni Franci na yumakap pa sa akin. Kaya naman napayakap din ako pa balik. Pero anong you're alive? Ako dapat ang magsabi nun eh.
"I missed you too, Diya." At sa isa pa.
I can't believe na nakita ko sila ulit. At for the first time again na nakaramdam ako ng saya. Parang bumalik ang lakas ko sa katawan upon seeing them again."Ako din. I missed you two. Pero saan ba kayo nanggaling ha?" Tanong ko na bumitiw na sa kanila. But there is someone sa kanilang likuran na hindi ko binigyang pansin kanina. Hindi ko man lang nakuhang tumingin sa kaniya. Siguro siya ang nakakita sa dalawa. I need to thank---
Her.
"From our Mommy Hannah, Diya."
Hindi ko na pinansin ang sabi ni Franci sa akin.
Bigla akong tumayo at pumunta sa kaniya para ito'y yakapin. I can't control myself na gawin ito. Nagulat at nabigla din nga siya. Siguro, nadala lang ako sa sobrang kasiyahan nang makita ko ang kambal.
YOU ARE READING
Our Endless Story
FanfictionSequel to MY FAVORITE YOU (Read My Favorite You on Dreame first.) "Once upon a time they lived happily ever after straight away from the start and there is no end to that story"