XLVII

627 44 32
                                    


Hannah's POV

Hindi ko alam kung bakit ang saya ko ngayon! Kuya is here! Tapos dumagdag pa nang malaman na darating din sina mama at papa mamaya. Hindi ko kase sila nakita at nakasama for two years dahil nandito ako sa Spain. At nandoon naman sila sa New Zealand. But now, happy family na ulit.
Hindi ko mapigilan na yakapin siya ulit dahil nga, sobrang na miss ko.

"Hoy tama na nga yan, Hannah! Baka magselos ang jowa mo kapag makita ka niyang yumayakap sa iba." Sita sa akin ni Kuya habang tawang-tawa dahil alam niyang wala naman akong jowa. But speaking of it, si Diana pala! Maygahd. Ang asawa ko- I mean, nasaan na siya!? Ba't biglang nawala!? Pati yung kambal wala na rin!? Umuwi na ba sila!? Urgh. Hindi man lang nagpaalam!

"Anyway, tignan mo nga yung phone mo. Kanina pa yan ring ng ring tapos hindi mo man lang sinasagot, baka sina mama at papa yun."

Kaya naman agad ko itong kinuha. Dali-dali kong tinignan para alamin kung sina mama at papa nga, pero ewan ko ba kung bakit ako nakangiti. Nang mabasa ko ang pangalan niya.

Hinayaan ko lang si Kuya na agawin ang phone ko dahil bigla akong nanghina nang maalala ko na magkikita na pala sila ng kaniyang asawa. Oo na. Heartbroken ako ngayon. Matatapos na ang role ko sa buhay niya this Saturday, pero nagawa ko pa siyang nakalimutan kanina.

"Crush mo? Jowa mo? Or asawa mo?" Ngising tanong ni Kuya sa akin. "Is this Mackey?"

Naguguluhan lang akong nakatingin sa kaniya dahil in the first place, bakit kilala niya diba? May past ba sila?

"I guess, all of the above. Alam kong nagkita na kayo, so nasaan siya?  I really wanted to meet her, pati yung kambal. Gusto kong makita ang mga 'kunong' pamangkin ko."

(Kuno/ng is karay-a or hiligaynon term for kunwari.)

"Sandali nga. Bakit mo siya kilala?" Pagtataka ko muna dito. Kase sobrang naguguluhan ako eh. I need some explanation.

"Pwede bang sagutin mo muna ang tanong ko."

"Okay. Kakaalis lang yata nila? Hindi man lang nagpaalam." Mahinang sagot ko dito.

"Eh, bakit parang malungkot ka dyan?"

"Umalis kase ng walang paalam. Ano ba!?"

"Eh, bakit parang galit ka?"

"Umalis nga na hindi nagpaalam! Same reason, Kuya! Paulit-ulit ka!"


"Eh, bakit highblood ka na? Asawa ka ba? Ano? Sagot?"

Napatahimik lang ako dahil bakit ba ako apektado kung hindi siya nagpaalam sa akin.

"Pero kaylangan mo talagang ma highblood, Hannah. Dahil asawa ka naman eh." Dagdag nito na siyang lalong nagpagulo sa aking utak. Sobrang sakit na ng ulo ko dahil hindi ko talaga naiintindihan. At kasabay nun ang unti-unting pagdilim ng aking paningin. And I don't know what happen next.



***


I picked a fresh sunflower on my table into the early summer morning, I always knew it would be a fine day when I couldn't feel the temperature of the air. Outside had the sweet fragrance of freshly cut grass and the birds chattered in the trees. The sun was already a friendly ball of yellow above, promising more heat as the hour progressed. And this is the most awaited day of my life.

Our Endless Story Where stories live. Discover now