II

1.3K 44 17
                                    


Mae's POV

Parang mabibingi ako sa mga ingay na narinig ko sa aking magkabilang tenga habang busy sa pagsusulat ng mga bibilhin.
Nakiupo kase ako dito sa gitna nina Mami Rowena at Mami Arlene eh. I have no choice kase wala ng bakante. At hindi ko alam na may namamagitang pagtatalo sa dalawa.



"Doon nalang sila manirahan sa Pilipinas dahil maganda ang mga tanawin doon at gusto kong makita araw-araw ang apo ko."


"No. Hindi pwede. Unfair yun. Gusto ko na dito nalang sila para malayo sa ahas. At isa pa, may snow dito, doon wala."



Kanina pa ang dalawang to eh. Mula sa pagpupusta nila hanggang makarating sa final bid na umabot man lang ng one thousand and twenty pesos. Yan kase ang halaga ng pustahan nila. Sobrang kuripot. Mahihiya bigla ang Chinese sa  dalawang to. Magpustahan lang, tinipid pa. Kung pinusta kaya nila ang mga ari ari-an nila dyan siguro may patutunguhan pa ang pagsakit ng tenga ko dito.


"Snow lang? Doon kase maraming ice, tapos anlalake pa. At take note, nakaplastic pa yun."

"Alam mo Rowena, iba ang snow sa ice, okay?"

"Pareho namang malamig yun. Ang magkaiba lang, dito giniling, doon naman solid. Anyway, anong malayo sa ahas?"


"Hindi mo ba alam na may ahas doon? At hindi mo din ba alam nang dahil sa ahas na yun ay nagkahiwalay ang anak natin?"

Napahinto ako sa pagsusulat dahil masyadong interesting ang susunod na mangyayari. The topic is good. Sana kanina pa to sinimulan ni Mami Arlene eh.


"Anooooo??!!!!! Nagkahiwalay??!!!! Paano??!! Kaylan??! Saan??!!! At bakit hindi ko alam!??!" Gulantang sigaw ni Mami Rowena dito sa aking tenga. Huhu. Sana pala umalis ako agad nang binuksan ang topic na yan. Eh.



"So? Hindi mo nga alam?"


"Hindi nga!"




"Ang mabuti pa, ang anak mo nalang ang tanungin mo kung paano, kaylan, saan, at bakit hindi mo alam." Sagot naman ni Mami Arlene. Mabuti naman at hindi siya sumigaw, at least meron pa akong isang tenga.




"Ibig sabihin sinaktan niya si Franki noon!!!??!?"




"Hindi. Masyado kang OA Mare! Pinaiyak lang naman."




"Edi ganun parin yun! Umiyak kase nga sinaktan!"






"Pero tapos na yun kase kasal na sila ngayon."



"Kahit naaaa. I need an acceptable reason kung bakit. Statement in those facts. And panunumpa na hindi na niya uulitin!"




OMG? Lagot na si Diana. Kung ako sayo bunso, tumakbo kana habang hindi pa nakapunta ang amazona! Ako ang kinakabahan para sayo eh. Umaapoy ang ilong nito sa galit ba? Ay! Hindi ko alam.










Diana's POV

Kakapikit ko palang ng mata ko ay siya naman paggising ni Franki sa akin. Wala pang five minutes yun ah? Ano ba kaylangan nito? Wala na akong oras sa pagtulog. Ito na ba ang sinasabi nilang paghihirap ng may asawa?


"Mahal. Gising muna."




Parang wala akong lakas na imulat ang mga mata ko. Not now Franki please? Patulugin mo muna ako kahit limang  oras lang.




"Mahal. Wake up na please?" Patuloy pa rin nitong panggigising sa akin. Hay. Wala akong ibang choice kundi magsalita habang nakapikit.


Our Endless Story Where stories live. Discover now