Diana's POV
Christians believe that baptism welcomes the child into the Church, and removes from the baby original sin that was brought into the world when Adam and Eve disobeyed God in the Garden of Eden.
Sobrang bilis ng panahon at tatlong buwan na ang nakalipas. Nandito kami ngayon sa isang simbahan dahil binyag na ng kambal. Okay naman sila with a help of staying for almost a month doon sa hospital. Kaya nga lang, parehong mahina ang puso. They both have heart problem; a patent ductus asteriosus. It is a persistent opening sa pagitan ng dalawang major blood vessels leading from their heart. Pero mabuti dahil maliit lang ang kanilang PDA because it might never need treatment.
Anyway, kakatapos lang pala ng seremonya at, a thousand of ninong's and ninang's from FrankiAna family came up. Hindi ko sila kilalang lahat but I know na sila ang nagpapatrend sa ibon gabi-gabi, and maybe some of them ay nagbabasa lang sa fiction world. They are having a chat with my asawa and the two Lola's who are now carrying the kambal. Parehong gising ang dalawa habang naguguluhang nakatingin sa kanilang mga ninong at ninang na gumugulo sa tahimik nilang buhay. At ako naman ay parang baliw na ngumingiti mag-isa dito sa isang tabi. Ang sarap nilang panoorin. What a big family in one frame.
"So? Dito kayo titira permanently?" Biglang tanong ni Kuya habang nakatingin din sa kanila.
"Yes. Ayaw kase ni Franki umuwi ng Pilipinas dahil allergic daw siya sa nagsasalitang ahas." Tugon ko dito at umupo sa isang silya. Kanina pa kase ako nakatayo eh.
"Hahaha! I'm sorry pala na dinala ko siya noon sa hospital. Hindi ko naman kase alam na--"
"Ikaw nagdala sa kaniya doon!?" Putol ko sa kaniya kase it's still a mystery pa sana kung hindi niya sinabi.
"Hindi ko nga kase alam na siya pala yun. So? Ano? Ibebenta mo ba ang bahay mo doon?" Tanong ulit niya at umupo na din.
"Nope. Hindi ko ibebenta kung saan nagsimula ang lahat."
Dahil sa bahay na yun nagsimula ang kwento namin. From strangers, to housemate, to my lifetime. Isang kayamanan yun sa puso ko na walang halaga. Dahil isang memorya iyon na hindi ko makakalimutan habang buhay. It weighs more than gold in my heart.
"Aw. I'm touched. Pero dapat na magpasalamat ka sa akin dahil pinilit kita na sundan siya noon."
"I won't. Dinala mo dito ang kinaiinisan niya kaya patas na lang."
"Fine. But just in case na hindi mo pa alam, ako ang nagpangalan sa kambal." At ngumiti ito na parang wala nang bukas.
"So, proud kana niyan?" Pagbara ko dito. I'm sorry, Kuya. Na miss lang kitang asarin. And also I missed being a kid, kung saan lumalangoy pa ako sa kanal kasama mo habang nangingisda ng tadpole.
"Syempre naman! Ang ganda kaya. Hindi ka ba nagagandahan?"
"Basta galing sayo, sure akong hindi."
"Edi hindi! Problema ba yun!? Kontrabida ka talaga sa akin kahit kaylan. Kung hindi ko lang pinaghahagis ang mga napkin mo noon sa mga kaaway mo edi sana pilay kana."
"Kuya pati ba naman yun naalala mo pa!?"
"Oo naman! Pati yung pagpasok mo sa paaralan na baliktad ang damit, at pag-akyat mo sa puno ng mangga na walang suot na underwear. Pero okay lang dahil alam kong inosente ka pa sa mundo noon."
"Stop it, dahil nakakahiya na!" Pigil ko na dito. Wala kase si Mama noon eh dahil pareho silang nagtatrabaho ni daddy. Every night lang umuuwi.
"Sus. Hindi ka nga nahiya noon na sumayaw ng spaghetting pababa na nakagown at school shoes sa gitna ng dalawang kumakain na kambing eh."
"Huwag mo nang ipaalala ang isang masamang panaginip!"
"At hindi lang yon. Kinain mo pa nga ang chalk dahil akala mo puto seco. Yan kase, ang takaw."
"Malay ko bang magkakulay sila."
"Pero magkaiba sila ng hugis, Diana."
"Hindi na natin maibabalik yun Kuya dahil nakain ko na. At yung lasa is nakakawala talaga ng kaluluwa."
"Good to know. Pero parang hindi ka pa natrauma doon. Kase pati kami dinamay mo."
"Bakit naman?" Pagtataka ko naman dahil wala na akong naalala sa mga kinakain ko noon.
"Remember na inutusan ka ni Mama na magluto ng tinola?? Pero yung tinolang niluto mo, lasang kape at gatas. Atsaka nagtataka pa ako kung bakit may lumulutang na kulay pula, yun pala ketchup na."
"Eh kase naman, hindi ako marunong magluto tapos ako ang uutusan ni Mama." Reklamo ko dito. At yun din ang dahilan ng pagkahighblood ng aso namin. Dahil pinakain ko din siya ng niluto ko.
"Bakit hindi mo sinabi kay Mama na hindi ka marunong?"
"Kase sabi ni teacher noon na sundin ang lahat ng utos ng magulang."
"Ah. Yun naman pala. But time changes everything. May anak kana." Maluha-luhang sabi nito.
"Ang bilis dumaan ng panahon. As I remember Kuya, doon ka pa sa bintana ng bahay natin umiihi eh." At tumawa ako. Gusto ko pang humirit at makaganti sa mga sinabi niya kanina.
"Eh kase sabi ni Mama na doon nalang."
"Pero hindi ko talaga makakalimutan ang mala prinsesa mong sigaw nang pinutol--"
Hindi ko na itinuloy ang aking sasabihin dahil tinakpan na niya ang aking bibig. Ugh. Ang daya!
"Huwag mo naman sabihin dahil masyadong private yun eh!"
At sa akin hindi? Diba private din ang paghagis niya ng napkin, at pagsabi ng hindi pagsuot ng underwear? Kahit kaylan talaga talo ako.
Kinuha na niya ang kaniyang kamay at bumalik ulit sa pormal nitong upo. Hindi na ako humirit pa dahil tanggap ko nang talo na ako.
Nakita ko naman si Franki na nakangiting tumingin sa akin. She just wave her hand at me and uttered a Mahal Kita.
Paano ko nalaman?
Sabi kase ng puso ko eh. Hahaha.
I just do the same kahit na malayo, alam kung nakuha na rin niya yun.
Pero may isang epal dito sa aking tabi na biglang kumanta.
"Wala pa rin tatalo sa frankiaaaaaanaaaa."
YOU ARE READING
Our Endless Story
FanfictionSequel to MY FAVORITE YOU (Read My Favorite You on Dreame first.) "Once upon a time they lived happily ever after straight away from the start and there is no end to that story"