VII

915 43 9
                                    

Franki's POV

"Pumasok ka na. Hindi na ako galit." Sabi ko para pigilan ito sa paglalakad. Ayokong puntahan niya yung doctor kahit na tinataboy ko siya papunta doon. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis doon eh! Kahit wala namang kasalanan yung tao sa akin. Siguro, nagseselos lang ako kase nagpapalitan sila ng ngiti kanina. At yang ngiti na yan ang nagpapainis sa akin ngayon. At speaking of ngiti, ayan ngumingiti na naman ang asawa ko. Urgh! Kumukulo talaga ang dugo ko kapag makita ko yan eh! Ewan ko ba.



"Sinabing wag kang ngumiti! Isang ngiti pa sa harapan ko at hihiwalayan na kita!!" Pagbabanta ko dito at hindi ako nagbibiro.




"Akala ko ba hindi kana galit?" Tanong nito sa akin na hindi pa rin umaalis sa kaniyang pwesto. Pero mabuti naman at sinunod niya ang sinabi ko.




"Hindi nga! Basta wag ka lang ngingiti!"


"Bakit naman? Sobrang hirap kaya nun Mahal."


"At wag mo din akong tawaging Mahal dahil naiinis ako kapag marinig yan!"

"What!? Pati ba naman yun!?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa akin. Hindi ko din alam kung bakit eh! Bigla nalang umiba ang mood ko.

"Pumasok kana dito." Utos ko sa kaniya kase hanggang ngayon ay nandyan pa rin siya sa kaniyang pwesto. Akala ko ba gusto niyang pumasok?

"Wag na. Ipagluluto pa kita ng tanghalian. Ano ba gusto mo?"

"Ikaw."


"Ako?" Naguguluhang tanong nito na parang ngingiti.

Wag kang ngumiti, Diana.


Wag na wag.

Wag mo akong inisin.


Wag. Dahil masisira ang pamilyang ito.


Wag mo nang tangkain pa.














At mabuti naman dahil napigilan niya.


"Yep. Ikaw ang gusto kong tanghalian ngayon." Seryosong sagot ko dito. Wala akong ganang kumain ng pagkain ngayon eh. Kaya siya na lang.

"Seryoso ka?"


"Mukha ba akong nagbibiro?" Balik-tanong ko sa kaniya.


"Pero--"

"Wala nang pero pero!! Pumasok ka na!" Putol ko na dito. Sinabing wag mo akong inisin eh!

Nasindak naman ito kaya agad siyang pumasok. Mabuti kung ganun. Pero hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa akin. Ang sama ko na sa kaniya.









Diana's POV

"Ganon talaga anak."

"Intindihin mo na lang dahil buntis."


"Galing din ako sa ganyan. Kaya hindi mo siya masisisi."


"Tiisin mo nalang kagaya ng pagtiis ng ama mo sa akin noon."



"Lilipas din yan anak. Anim na buwan na lang ang hihintayin mo, at lalabas na rin ang magiging anak niyo."



"Kaya kung ano ang gusto niya, sundin mo nalang muna. Ginusto mo rin yan eh. Pasalamat ka pa nga dahil hindi ikaw ang nagbuntis."



"Hindi mo alam na mas mahirap ang nasa kalagayan niya ngayon. Sobrang hirap kaya ang manganak."


"Maraming dugo ang lalabas sa kaniya. Atsaka maglalabour pa siya ng ilang oras."



Our Endless Story Where stories live. Discover now