Gabi na pero hindi pa rin siya umuuwi dito sa bahay. Kanina ko pa siya hinihintay na sagutin ang mga tawag ko o magreply man lang pero wala. Ano ba nangyari sa kaniya? Galit ba siya sa akin? Hindi naman kami nag-away. Okay pa naman siya kagabi. Baka nagkataon lang na hindi ko lang siya naabutan? Pero imposible naman dahil palagi niya akong hinihintay. Ughh. Maloloka na ako sa kakaisip.
Tumayo na ako mula sa kanina ko pang pag-upo dito dahil sa kakahintay. Aakyat ako para magbihis dahil pupuntahan ko siya doon. I can't wait forever. Baka nagtatampo talaga siya sa akin dahil sa hindi ko pagpansin kagabi. Kailangan ko siyang suyuin. Pero ma pride ako eh, tapos bareta pa. Ang hirap lunukin.
"Mabuti at umuwi kana rin, Diana. Yung isa kase dito hindi na mapakali sa paghihintay sayo." Rinig kong sabi ni Mommy kaya napangiti ako upon hearing her name. Kahit na nandito na ako sa gitna ng hagdan ay bumaba talaga ako para salubungin siya pero
"Nasaan si Mama?"
Napahinto nalang ako nang malaman na hindi pala ako ang kaylangan niya. Ang sakit. I'm longing for her buong araw tapos hindi man lang niya ako papansinin?
"Nandito ako. Pero just so you know, hindi ako ang asawa mo para hanapin." Biglang sabi naman ni Mama na nanggaling pa sa kusina. Mabuti pa siya hinahanap samantalang ako hindi man lang tinapunan kahit isang tingin, wherein fact, magkaharap lang naman kami.
"Pero nanay kita. Hindi ba pwedeng hanapin ang nanay?" Bwelta naman nito.
"Hindi! Hangga't hindi mo pinapansin ang asawa mo!"
Kaya napatingin naman siya sa akin pero mga limang segundo lang yon at iniwas na niya. Hindi mo alam na sinasaktan mo na ako.
"Kumain na ba kayo?" Pag-iiba niya at lumapit na kay Mama.
"Oo. Pero may isa dito na hindi pa kase may hinihintay. Eh ikaw? Kumain kana ba?" Tanong naman ni Mama.
"Yep. Kumain na ako." Sagot nito at pumasok na sa loob ng kusina. Wow. Tiniis ko ang gutom para magkasabay kami kumain, tapos kumain na pala siya!?
"Nag-away ba kayo?" Baling sa akin ni Mama. Umiling naman ako dahil hindi ko alam. Bigla nalang siya naging ganyan ngayong araw. "Kumain ka na doon. And then pagkatapos, pag-uusapan niyo yan. Dahil hindi maganda."
Tumango naman ako at pumasok na. Nadatnan ko naman itong may niluluto. Nakatalikod siya sa akin so hindi niya siguro alam na nandito na ako. Ang hirap naman ng ganito. Sobrang awkward. Parang hindi kami magkakilala. At wala akong guts na magsalita, baka kase hindi niya ako pansinin. Mas masakit yun.
Pagkatapos niya magluto ay? Ay hindi ko alam. Nakayuko lang kase ako dito dahil hindi ako makatingin sa kaniya ng deretso. Ewan. Parang bigla akong tumiklop. Pero bakit siya nagluto? Akala ko ba kumain na--
Nabigla ako nang inilapag niya ito sa aking harapan. Ang paborito kong pagkain. Nagluto siya para sa akin? Pagkatapos nun ay pinagsasandok pa niya ako ng kanin. Hindi ako makagalaw dahil nagulat talaga ako sa ikinilos niya. Akala ko ba may problema to sa akin? Okay na kami? Hindi na siya galit? O nagtatampo?
"Kumain ka na." Maikling sabi nito at umalis na din? Agad-agad!? Hindi man lang ba niya ako susubuan? Or hintayin man lang? Akala ko ba okay na? Sobrang paasa. May paluto-luto pang nalalaman para sa akin tapos ganon lang rin naman pala.
Sige na nga lang. At least pinagluto niya ako. Meaning to say, mahal pa rin niya ako.
Hindi muna ako umakyat sa taas pagkatapos ko kumain. Alam ko kaseng sobrang awkward na naman. Dito muna ako para makapag-isip ng sasabihin ko sa kaniya mamaya. Gusto ko na maging okay na kami dahil hindi ko ito matitiis habang buhay.
"Bakit hindi ka pa umakyat?"
Nagulat naman ako nang may biglang nagtanong sa akin mula sa gilid. Nandito pa pala si Mommy. Nakaupo siya sa couch habang nagbabasa ng magazine at umiinom ng kape. Grabe. Gabi na pero nagkakape pa.
"O baka gusto mong tatawagin ka pa ng asawa mo."
Hirit pa nito na may kasamang isang mapanuksong ngiti. Sana. Pero ayokong mag-expect dahil nakakadisappoint lang.
"Hindi kami okay ngayon, mom." Malungkot na tugon ko dito. Sobrang miss ko na siya pero wala akong magawa. Ang cold niya sa akin eh. Kahit tingin lang parang ayaw pa niyang ibigay.
"Bakit naman?"
"Siguro sa hindi ko pagpansin sa kaniya kagabi."
"Aaahhh? Kasalanan mo naman pala. Pero alam mo na hindi ka rin niyan matitiis eh."
"Eh natiis nga niyang hindi sagutin ang mga tawag ko." Angal ko naman. Nagriring yung phone pero hindi niya sinasagot. Natiis niya yun. "Siguro hindi na niya talaga ako Mahal."
Isang blankong tingin lang ang ibinigay sa akin ni Mommy. Alam ko kung ano ang kahulugan niyan. Oo. Ang OA ko na para sabihin ang ganyan pero--
"Franki, it's too late na." Biglang sulpot naman ni Diana dito sa likuran ko. Nakabihis na pala siya ng pantulog. Sooooooooo? Sinundo niya talaga ako dito sa baba!?
"Mauna na po kaming umakyat, Mom." Paalam nito kay Mommy na hinawakan pa ako sa kamay. Hindi ko siya maintindihan. Pinagsabay niya ang pagiging cold at sweet sa akin. Ano siya, ice cream?
Pareho kaming tahimik na nakarating sa kwarto habang hawak-hawak pa rin niya ang aking kamay. Wala yata siyang balak na bitawan ito. Anyway, I need to speak up para mawala na ang lamig sa pagitan naming dalawa. Nakakayelo na kase.
"Bakit hindi mo sinasagot yung mga tawag ko kanina?" Panimula ko dito na siya din ang pagkabitaw nito.
"Naiwala ko yung phone ko."
"Yun lang?"
"Ye." Maikli pa sa buhok ng kalbong sagot nito. Heto na naman siya sa mga panlalamig niya.
"Why are you acting like this towards me? "
"Like what?"
"Alam mo na yan."
Tinignan lang niya ako ng seryoso at
"Matulog kana, Franki. Sobrang gabi na."
Yan lang?
Yan lang ang sasabihin niya sa akin!?
Paano ako makakatulog kung ganyan siya?
"Miss na kita already." Naisambit ko nalang pero hindi ko inasahan ang pagtulo ng aking luha. Sobrang sakit ng ginagawa mo, Diana. Hindi mo ba alam yun?
Lumapit naman ito sa akin at pinahiran ang luhang pumatak sa aking pisnge. "Miss na din kita. I'm sorry if I'm doing this to you. Akala ko kase naiinis ka pa rin sa akin eh. Kaya "
"Kaya ano?" Tanong ko dito.
Pero hinalikan muna niya ako bago sumagot.
"Kaya iniiwasan kita."
"Pero hindi ka ba galit o nagtatampo sa akin?"
"Syempre hindi. Dahil wala naman akong dahilan na gawin yan. Kaya matulog kana, Mahal."
___________________________________
A/N. Medyo malapit na sa climax. May papatayin lang ako tapos the end na😂
YOU ARE READING
Our Endless Story
FanfictionSequel to MY FAVORITE YOU (Read My Favorite You on Dreame first.) "Once upon a time they lived happily ever after straight away from the start and there is no end to that story"