CHAPTER THREE
Tahimik lamang ang lahat habang kumakain kami. Tanging tunog lamang ng mga kutsara at tinidor ang naririnig ko sa kusina. Samantalang ang mga maids naman ay nasa kabilang lababo na busy sa kanilang mga ginagawa. Sinubukan kong kumuha ng hipon sa kabilang plato at sinimulang kainin.
"Ate Aleah hindi ba't ayaw na ayaw mong kumain ng hipon dahil allergic ka?"
Hindi ko natuloy ang pagkain ko ng hipon at naiwan akong hindi makagalaw sa aking posisyon.
Wtf... Ano na naman ba ang pumasok sa isipan ng batang ito? Anong pinagsasabi niyang hindi ako kumakain ng hipon? Like duhh.. ano bang meron sa hipon at natanong niyang hindi ako kumakain ng ganito? Allergic? Like duhh.. ang O.A ko naman kung ganoon. And wait, hindi ba't tinawag na naman niya akong Aleah? Am I correct or mali lang talaga ang pandinig ko?
"Ano ba Chloe, eat your dinner na. Huwag mong asikasuhin ang ginagawa ng iba!" galit na tugon ni tita Veronica sa bata na hindi maalis ang tingin sa akin.
Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain at hinahayaan siyang magmasid sa mga kinakain ko.
"Ikaw Heaven ha, ayus-ayusin niyo kilos niyong magkapatid sa ating bisita. Lalo ng lalo na sa kapatid mo. Hindi mo ba yan tinuturuan ng mabuting asal?!" galit na tanong ni tita Veronica kay Heaven
Napayuko lamang si Heaven habang may binubulong sa kanyang kapatid.
"Chloe hindi siya si Aleah. Siya si Althea" mahinang tugon ni Heaven sa kapatid niya pero rinig na rinig ko
Napayuko ang batang si Chloe at sinusunod ang utos ng kanyang nakakatandang kapatid.
Bumalik sa katahimikan ang lahat na tanging kutsara at tinidor lamang ang iyong maririnig sa buong kusina. Walang sinuman ang nagsalita. Err. This is my first time na kumakain na maraming tao. Nasanay kasi ako na ako lamang mag-isa ang kumakain because even my dad, hindi man lang ako sinasabayan sa pagkain. Should I make a topic para maputol ang katahimikan? Ehem! pero ano Naman ang sasabihin ko?
"Ahh.. wala na po ba tayong ibang kasama sa bahay bukod sa atin at sa mga maids?" panimula kong tanong na naging dahilan upang matuon ang lahat ng atensyon nila sa akin.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni tita Veronica sa akin
"Ahh... I mean, wala na po ba tayong ibang kasama dito sa loob ng bahay, bukod sa mga maids at sa atin?"
"Do you mean something?" Tanong ni mysterious guy na si Reyl sa akin
"Ang ibig ko pong sabihin na may babae pa po ba tayong kasama dito sa loob ng bahay? Na kasing edad ko lang? May nakita kasi akong babae kanina na nakaputi. Mahaba ang itim niyang buhok. Baka kasi, isa siya sa ating mga kasamahan dito" tugon ko sa kanila
CLASHHHHHHHH*
Biglang nahulog ang baso ni Heaven kaya dali dali siyang tumayo upang linisin ito. Tiningnan siya ng masama ni tita Veronica sa nagawa niya at dali daling tumawag si tita Veronica ng mga maids para linisin ito. Maya maya ay nahulog na naman ang kutsara ni Chloe kaya ako na ang nag-abala pang kumuha nito sa ilalim ng mesa.
Wow. Ano to pahulugan? Tss. Mukhang naiirita na rin si Tita Veronica sa nangyayari.
Yumuko ako at kinuha sa ilalim ng mesa ang kutsarang hinulog ni Chloe at nang makuha ko ito, babalik na sana ako sa aking pwesto pero natigilan ako dahil may nakita akong paa na nakalutang sa sahig.
![](https://img.wattpad.com/cover/189053614-288-k879576.jpg)
BINABASA MO ANG
The Unfinished Case [COMPLETED]
TerrorIba't ibang salita. Iba't ibang komento. Iba't ibang ingay ang aking naririnig simula noong lumipat ako ng lugar. Lahat sila'y natatakot sa akin. Lahat sila'y umiiwas sa akin. Lahat sila'y nagagalit sa akin. Walang sinuman ang handang makikinig sa...