CHAPTER EIGHT

113 18 0
                                    

CHAPTER EIGHT

Tumakbo ako mabilis upang makabalik sa bahay. Nang napansin kong medyo malayo layo na ako sa park ay tumigil na ako sa pagtakbo at naglalakad na lamang.

OMG. Sino ba yung taong iyon? At saka paano niya ako nakilala? Wait, ang sabi niya na nagkita na daw kami dati. In the same place at same scenario daw.  Totoo kaya iyon? Baka naman magkamukha lang kami sa babaeng tinutukoy niya. Tama! Hays bakit ba kasi lagi akong napagkamalang ibang tao eh.

Habang naglalakad ako, may nakita akong isang matandang lalake na nasa labas ng gate nila habang abalang abala sa pagdidilig ng kanilang halaman. Nang papalapit na ako sa kinaroroonan niya, napatingin siya sa akin kaya tiningnan ko rin si Manong.

"Magandang Araw ho Manong" bati ko sa kanya

Nagpatuloy lamang siya sa kanyang ginawa at pagkatapos ay tumingin sa akin ulit. Sinusuri suri niya pa ang hitsura ko kaya medyo naweirduhan ako sa kanya.

"Mukhang maganda araw natin ngayon iha" ani niya

"Ahh hindi naman po masyado hehe" saad ko habang nakangiti ng pilit.

Ang weird naman ng matandang ito. Aba, gano'n talaga iyon. Mahirap kasi indtindihin ang mga matatanda. Mga  hindi natin ka age level.

Pero kinakailangan friendly tayo. Aba! magkapit bahay lang kami. Magkalapit lang ang bahay niya at bahay namin kaya dapat friendly.

"Kahapon lang, nakita kitang puno ng kalungkutan ang iyong pagmumukha. Nakita rin kitang umiiyak sa hardin niyo. Mukhang ang rami ngang problemang dinadala mo"

"Po?" nagulat ako sa sinasabi ng matanda

Medyo bumilis ang tibok ng aking puso nang narinig ko ang sinasabi ng matanda. Hindi naman kasi ako umiiyak sa hardin namin kahapon kahit na may marami akong problemang dinadala.

"Alam mo iha, ang mga problema lilipas din iyan. Huwag ka lang susuko" ani niya sa akin na para bang pinapayuhan ako

"Manong ano po ba ang pinagsasabi niyong umiyak po ako sa hardin kahapon? Eh, hindi naman po ako pumunta sa hardin namin kahapon" ani ko sa kanya dahil hindi ko alam ang mga pinagsasabi niya

"Iha huwag mo nang takpan ang iyong sarili. Lahat naman tayo ay problema" patuloy niya

"Pero totoo po yung sinabi ko. Hindi naman po kasi ako umiiyak kahapon"

"Iha, kahit matanda na ako  mundong ito, alam ko parin naman ang mga pangyayari. Nakita kita sa hardin niyo kahapon. Nakasuot ka nga ng puting bestida. Puno ng kalungkutan ang iyong mukha. Ang putla putla ng mukha mo na parang ang dami dami mong problema. Muli kang tumingin sa loob ng bahay niyo at pagkatapos ay humagulgol sa iyak" patuloy niya

Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi ni Manong. Hindi naman kasi yun ang ginagawa ko kahapon.

"Ahh pasensya na po kayo manong kailangan ko narin pong umuwi" ani ko dahil mukhang naweweirduhan na talaga ako sa mga sinasabi sa akin ng matanda

"Sige mag-ingat ka" tugon niya

Tumango nalang ako sa kanyang sinasabi.

I don't know what's with that old man. Totoo kaya 'yong sinabi niya?

Pumasok na ako sa gate namin at pagkatapos ay sinara ito. Naglalakad ako upang pumasok sa loob ng bahay.
Natanaw ko ang sala namin.

Teka! Sino yung babaeng nakaupo sa sala namin? Natitiyak kong hindi iyon si Heaven dahil hindi naman ganyan kaputla si Heaven. Wait, hindi ko nakita ang pagmumukha niya dahil nakatalikod siya sa akin. Napasyahan kong puntahan siya sa sala upang kausapin. Aba! baka mamaya magnanakaw pala tong babaeng ito.

The Unfinished Case [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon