CHAPTER TWENTY

103 18 0
                                    

CHAPTER TWENTY

Napagising ako dahil sa ingay na tunog ng aking alarm clock. Kinakapa kapa ko pa ang alarm clock na nasa side table ng kama ko habang nakapikit ang aking mga mata hanggang sa tuluyan itong bumagsak sa sahig. The heck. Wala akong choice kundi bumangon at pagtapos ay kinuha ang alarm clock kong nabagsak. Kakainis naman! Sabado naman ngayon at walang pasok. Bakit ba ang ingay ingay ng alarm clock na'to.

Ibinalik ko na ang alarm clock kung saan siya galing. Napatingin ako sa aking kama at nakita ko ang laptop ko at ang mga notebook ko na nagkalat. Naku naman! hindi ko pala ito naayos kagabi? Kinuha ko nalang ang mga gamit ko at ibinalik sa kanilang saktong lalagyan at pagkatapos ay naisipan kung magsuklay at lumabas sa aking kwarto.

Palabas ko sa aking kwarto ay bumungad sa akin ang pagmumukha ni Reyl na papunta sa sala. Since ang harapan ng pintuan ng kwarto ko ay ang sala namin, kaya naging dahilan upang magkita kami. Mukhang wala pa ako sa sarili ko ngayon pero bumangon na ako.

"Naku, Alam mo ba, ang sama sama ng panaginip ko. Akalain mo, may kakambal daw ako tapos pinatay. Hindi daw nabigyan ng hustisya ang pagkamatay nito kaya nagmumulto" tugon ko sa kanya

Napakunot ang kanyang noo habang tumitingin sa akin.

"Umayos ka nga Althea! Ayusin mo ang mga pananalita mo. Hindi ka dapat magtitiwala sa mga taong nasa loob ng bahay na ito. Tandaan mo, dito naganap ang krimen"

Nasampal ko ang aking sarili upang magising sa katotohanan. Totoo ba talaga ang pangyayaring iyon? Tss. Ayaw ko na talaga..

"Nasaan sila?" Tanong ko

"Nasa garden sila ngayon. Si Tita Veronica ay umalis"

"At saan naman siya pupunta?" takang tanong ko

"Business matters hindi ko alam"

"Okay" walang gana kong tugon

"Kumain ka na, may ipinatira ng pagkain si Tita Veronica sa mesa para sa'yo"

"Hindi ako nagugutom. Magkakape nalang ako" ani ko at iniwan ko siya doon at pumunta sa kusina upang magtimpla ng kape.

Pagpunta ko sa kusina, nakita ko ang mga maids na abalang abala sa kanilang mga trabaho. Napatingin ako sa mesa at totoo ngang may nakalagay na pagkain. Tiningnan ko kung ano ito, and I see an egg and hotdog. Tss.. I don't trust the people inside in this house. Baka mamaya may lason pala ito. Napailing iling na lamang ako at sinumulan ang pagtimpla ng kape.

                      
                              ~*~

"At saan ka pupunta?"

"Lalabas ako. May bibilhin ako. Marami!" inis na tugon ko kay Reyl

"Ibinilin sa amin ni Tita Veronica na hindi ka palalabasin sa bahay" ani niya

"Babalik naman ako!"

Kainis. Kahit sa paglabas pagbabawalan pa ako? Eh mababaliw na nga ako sa kakaisip sa mga pangyayaring naganap sa bahay na ito.

Nagmamadali akong lumabas sa bahay namin. Pagdating ko sa may gate, nakita ko sina Daryl, Heaven at Chloe na dinidiligan ang mga halaman.

"Ate saan ka pupunta?" Napalingon ako kay Chloe dahil tinatawag niya ang pangalan ko

"Lalabas lang ako sandali at pagkatapos babalik din ako" sagot ko

"Bumalik ka ha?" Panigurado niya

The Unfinished Case [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon